Chapter 87: Vince

10.1K 288 314
                                    

Ok.

Eto na lalabas na ako sa cr. . .
.
.
.
Ok bumalik ulit ako.

Bat yung iba kaya magbikini, ako hindi? San sila nakakakuha ng confidence pahingi naman kahit 12.5% lang. Ano ba kasi naisip ni Sulli at two pice ang binigay niya? Eh pang tshirt at shorts lang ako pa nagsi-swimming!

Wag na lang kaya ako lumabas? Hintayin ko na lang na hanapin nila ako? Siguro naman hahanapin ako ng boyfriend ko diba? Mamimiss naman niya ako siguro diba?

Biglang pumasok sa isip ko si Liza Soberano.

—-Hana's imagination—-

"Nasan na kaya ang girlfriend kong ubod ng ganda?" tanong ni mr. putik.

"Bat mo pa hahanapin ang girlfriend mo kung nandito naman ako?" sabi ni Liza Soberano habang naka two-piece.

"You're right, I want you Liza" sabi ni mr. putik habang papalapit ang mga labi niya sa mga labi ni Liza.

HOY!

HINDI PWEDENG MANGYARI YUN! Dami daming chapters bago naging kami tapos pagpapalit niya ako kay Liza? Nasan ba kasi si Enrique at si Liza lang ang nasa beach na to?

Di ako papayag! Bahala na lalabas na ako kahit naka-two piece ako!

.
.
.
Teka, nahihiya pa rin ako. Kailangan ko muna ng ilang minutes para ipunin ang lakas ng loob ko.

Biglang may pumasok na babae sa c.r at dali-daling pumasok sa isang cubicle. Grabe ihing-ihi siguro si ate—-

*PRRRRTTTTTTT*

O_____O

"ANG BAHO!" napasigaw ako, di ko napigilan ang sarili ko.

"KAPAL MO! NAKAAMOY KA NA BA NG MABANGONG TAE?!" sigaw nung babae habang nasa cubicle.

Yun na yung sign na lumabas na ako ng c.r, baka awayin pa ako ni tae- este ate pala.

Ok, tingin sa left. . . Tingin sa right. . .

Clear.

Lumabas na ako ng c.r at tumaas ang balahibo ko sa lamig. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana nagexercise ako ng isang araw para lumiit tyan ko. Kunin ko na kaya yung ino-offer ni mr. putik na 1 year membership sa gym? May libreng pagkain kaya sa gym pag member ka?

Teka, san na nga ba ang papuntang beach front? Dito ba?

Nakaka-conscious naman dito, nakabikini lang ako habang naliligaw. Tapos red na red pa, ano ako? Mansanas?

May biglang humawak sa balikat ko.

"Hey cutie, are you lost?"

Bago pa ako makalingon para makita ang mukha niya, may biglang tumama sa ulo niya.

"Motherf*cker!" napahawak siya sa ulo niya sa sakit. Pagtingin ko sa likod ko, nakatayo si Mr. Putik- mukang naiirita siya. Teka, ano yung nasa sahig. . . Iphone 15?!

"Sorry, my hand slipped" sabi ni Mr. Putik. Anong my hand slipped? Hinagis mo yung cellphone sa kanya! Lumapit sa akin si Mr. Putik at binigay sa akin ang jacket niya, matangkad siya kaya mukhang oversized nung sinuot ko.

Pinulot ko ang cellphone niya pero basag na pala.

"It's alright, it's just an extra phone? Sana binigay mo na lang sakin kesa hinagis mo! Nagtitiis pa ako sa samsung galaxy 1 ko na nagha-hang every 2 seconds. Yung mga selfies ko tuloy mukang laging may hamog!" Isa pa bat di na lang niya hinagis ang tsinelas niya na parang normal na tao?

"What the hell are you doing here, Vince? At bakit hinahawakan mo balikat ng girlfriend ko kanina?" sabi ni mr. putik, mahinahon pero nakakatakot ang tono niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Public vs. PrivateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon