Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Episode 3

8.5K 393 279
                                    

TAHIMIK KAMI NI lola habang hinahayaan ang nurse na gawin ang trabaho niya. Para kaming mga musmos na bata na nanonood sa construction worker habang hinahalo ang semento.

Nang alisin na ni Nurse Lorrine ang stethoscope sa kanyang tainga, marahan niya ring inalis iyong strap ng blood pressure monitor meter.

"150 over 90," the nurse mumbled as she darted her eyes at lola, "tumaas po ang blood pressure mo, lola."

"Ay naku, Nurse. Napakahilig kasi niyan sa chicharon, pagalitan mo nga." Ang pagsagot ko naman. Doon ay sinamaan ako ng tingin ni lola, ginantihan ko nga!

"Lola, kailangan mo nang tigilan iyong pagkain ng mga bawal sa 'yo. Gusto mo bang magtagal pa dito?" Ang istrikto ngunit malambing na sabi ni Nurse Lorrine. 

"Nurse, ang sinabi ng apo ko ay gawa-gawa lang ng mga Illuminati."  Sambit ni lola na agad kong kinontra.

"Nurse, si lola ay gawa-gawa lang ng mga Illuminati."

Naiiling na tumawa si Nurse Lorrine. "Kayo talagang mag-lola." May ilang segundo siyang napasapo sa noo. "Pero seryoso, lola. Kailangan niyo na po talagang itigil ang pagkain ng mga bawal sa 'yo. Bukod sa hindi ka pa gagaling, lalo pang madadagdagan ang sakit mo niyan. Gusto mo ba n'on?"

Para bang batang pinangaralan si lola, napanguso siya. "Pasensya ka na, Nurse ha? Ganito lang kasi ako, eh. Sana 'di na lang ako nabuhay--"

"Lola!" I poker face.

"Este, opo Nurse. Sabi ko nga, hindi na ako kakain ng bawal." Natatawang pagkamot niya sa kanyang batok.

Nurse and I shared the same prudence when she smiled at me. Matapos niyon ay nagpaalam na siya sa amin. Napakalambing talaga ng boses ng nurse na iyon. Parang ang sarap niyang tawagan sa gabi at pagsalitain lang nang pagsalitain hanggang makatulog ako.

"Alam mo, hayop kang bata ka. Hobby mo manglaglag?" Pagtataray ni lola sa akin. With matching paghampas pa iyon pero dahil may sa ninja ako ay agad ko iyong naiwasan.

"Aba, bakit? Nag-aalala lang ako sa 'yo." Tinarayan ko rin siya. "We love you and we can never afford losing you. Ginagawa namin ang lahat para sa 'yo. Kasi ayaw naming mahirapan ka. Ayaw naming mawala ka."

Inirapan niya lang ako. "Oo na."

I smile. "Pero going back to that Stevan guy, ano bang sakit n'on lola? Is he really dying?"

"About that," Lola Love started a deep sigh.

"STEV HAS ACUTE myeloid leukemia." Tita Mara started the moment we reached the living area. Tinabihan ko siya sa sofa.

Tumango ako nang mabagal, "woah . . ."

Pero bigla akong napakamot sa ulo ko, "ano muna 'yon, tita?"

Bahagyang natawa si tita. Ang butil ng mga luha sa kanyang mga mata ay kusang naglaho. "It's a cancer of the myeloid line in blood cells."

"Woah," ang sabi ko uli. Hindi ko pa rin maintindihan. Shuta, ganito ba talaga ako ka-bobo?

"In short, cancer sa dugo." Mabuti na lang at nilinaw iyon agad ni tita. "Ilan taon nang nakikipaglaban si Stev sa sakit na iyan. He was only a teenager when we first found out that he has it. At first, I thought we can overcome it. I thought, his war against cancer is just a piece of cake."

Tumingin sa malayo si tita saka ngumiti. "He was a healthy young man back then. Kung kumilos nga siya n'on, parang walang sakit-- parang walang iniinda. At bilang isang medical oncologist, alam kong mataas ang chance na gumaling siya."

"Teka, tita." Napakamot ako sa batok. "Ano po iyong medical . . ." I blinked and I want to wince, "ankologist?"

"Oncologist," pagtatama ni tita habang natatawa, "I specialize in treating cancers with medicines such as chemotherapy, immunotherapy, targeted theraphy, and biological therapy."

Sandali, tita! Sandale! Nalulula ako sa theraphy, bakit ang dami?!

Kahit na dinudugo na ang ilong ay minabuti kong manahimik na lang. Okay na 'yon, basta ang mahalaga, buhay-- humihinga, gan'on.

Nagpatuloy si tita, "Stev was 16 when I treated him. Noong una, nakuha pa namin sa chemotherapy. Isang beses lang 'yon pero maganda agad ang naging improvement niya pero dumaan ang dalawang taon, bumalik iyong cancer."

Huminga nang malalim si tita, "and there we are again, nagpakatatag ako para gamutin siya. Kasi naniniwala ako, kaya namin. Nananalig ako, kakayanin namin kahit na iyon din ang eksaktong araw kung saan natuklasan kong may ibang babae ang asawa ko."

Dumako ang mga mata ni tita sa akin, ngumiti siya. "At nagawa ko nga. With the grace of God, nadagdagan ko ang buhay ng anak ko. That time, nanigurado na talaga ako. Pina-stem cell transplant ko na siya."

"That was really the point where I really thought, iyon na ang huli. Na mabubuhay na nang normal si Stev. Na kagaya ng ibang mga kasing edad niya lang, mabubuhay siya ng mahaba, magkaka-asawa, mabibigyan ako ng mga apo . . . at siyang mag-alalaga sa akin hanggang sa huling hantungan ko."

I felt a bit of pain on my chest the moment I saw how Tita Mara's eyes turned red. Nagtubig iyon. "Pero last year, two years after his last triumph against the cancer . . ."

Tita looked away, " . . . we found ourselves battling with cancer for the third time. This time, hindi na kinaya ng chemotheraphy lang. This time, kailangan ko na talaga siyang ipa-stem cell transplant na naman."

The seconds tita darted her eyes at me again, my heart literally broke into pieces. Tila ba walang hinto ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Pero ayaw na ni Stev. Ayaw na niyang ituloy. I told him no but he pleaded me to say yes. Wanna know why?"

Hindi ako nakasagot. Natagpuan ko ang sarili kong nananahimik. I am never ready for this unwelcomed pain towards someone that I don't personally know.

"Sabi niya, napapagod na siyang mabubuhay. Nakakapanghina daw iyong cycle. Nakakamatay daw iyong umasa nang umasa sa wala. Iyong umasa na gagaling siya kahit hindi naman na talaga . . . iyong gustuhing mabuhay pero iyong buhay na mismo ang sumasampal sa iyo na hindi, hanggang diyan ka lang--" Tita Mara's voice break and so is my heart, "hindi ka pwedeng mabuhay nang mahaba dahil nakatadhana kang mawala nang maaga."

"It was a hard decision for me. It was lethal when I decided to let him do whatever he wants. Kasi ano pa bang magagawa ko? Ayaw na niya, eh. Araw-araw ko siyang pinipilit pero ayaw na niya, pagod na siya. At iyong ang pinakamasakit sa akin bilang ina."

"Iyong napapagaling ko ang ibang tao pero iyong mismong anak ko, hindi." Tita Mara covered her mouth. Nanginig ang balikat niya. "Ano pang silbi ng pinag-aralan ko sa medisina kung iyong anak ko, hindi ko madagdagan ang buhay?"

That moment, I embraced Tita Mara so tight that she will know, she's enough. As a mother, she is more than enough. Kasabay ni Stevan, isa rin siyang sundalo na nakipag-digmaan sa cancer. Malakas siya. Matapang. Pero hanggang saan ka nga ba dadalhin ng tapang mo kung iyong mismong pinaglalaban mo na ang sumusuko?

Most Notorious JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon