Chapter 30 (2)

15.6K 334 29
                                    

=SUMMER=

"Summer! Halika anak! May ipapakilala ako sayo!"

Natigil ako sa paglalaro ng marinig ang Boses ni mama sa pintuan ng kwarto kung saan ako naglalaro.

"Bakit po, ma?" Tanong ng batang ako.

Isang taon na ang lumipas mula nang aksidente akong ma-kidnap at makatakas.

Hindi ko na nakita si Kuya na nagligtas sakin. Pero kung ayos lang sya, masaya na ako para sa kanya.

Hindi na ako sinasama ni mama sa trabaho dahil takot na syang maulit na mapagkamalan akong ibang bata at makidnap ulit.

"Diba dati sabi mo gusto mo ng daddy? May ipapakilala sayo si mama." Mahinahong sabi sakin ni mama.

Napatingin ako sa lalaking nasa tabi nito na may bitbit na isang plastic na may lamang pagkain.

"Ito si Kuya Larry. Boyfriend ni mama. Pero kung gusto mo, pwede mo syang tawaging papa." Mahinahong sabi ni mama sakin habang nasa tabi nito ang nakangiting si Kuya Larry.

Nangislap ang mga mata ko at masayang tumingin kay mama.

"T-talaga po!? Wah! Papa!" Masayang yakap ko kay mama at malawak na ngumiti kay papa larry.

Naging maganda ang naging pagsasama nila papa at mama. Lagi akong spoiled at masaya kapag nag-mamall kami ni papa.

I was so happy to finally have a dad.

But when I turned nine, things started to become hard.

"Maglalasing ka nalang ba lagi, Larry? Feeling ko nga eh may Babae kayo don eh! Parang ayaw mo na ngang umuwi ng bahay eh!" Rinig kong sigaw ni mama sa sala.

I was supposed to be asleep. But, I couldn't sleep with all those voices around me.

"Beth, birthday ng kumpare ko! Ano sa tingin mong Gagawin ko? Tutunganga sa bahay? Syempre iinom kami!" Lasing na sagot ni papa.

"Ah! So araw-araw birthday ng kumpare mo? Ilang taon na kaya siya, Larry?"

Hiding The Billionaire's DaughterKde žijí příběhy. Začni objevovat