Unang Yugto

30 4 2
                                    

Pananaw ni Zaun

• • •

"It's been a long time since I felt this aroma. The life that I had been a pity for a long long time was about to feel the ecstasy of love. I can see in every edge of you the beauty of life and the feeling of something who treasures someone. Xy, I love you." saad Zaun.

*criiinnnngggg criiingggggggg*

"Anak, gising na. Nananaginip ka nanaman. Sino ba yung Xy na pinagsasabi mo? Ika'y kumain na at malilate kana sa klase. Tsaka wala ka naman kaklaseng Xy ang pangalan ah. Dali, ligo na." Sabi ng maganda kong ina.

"Ayoko ngang pumunta sa mare mo mama. Ikaw nalang ang magdeliver ng mga pancakes." Sabi ko habang niyayakap ang aking unan.

"Anak, anong deliver ang pinagsasabi mo? First day of class nyo ngayon hinayopak ka. Bilis at ikaw ay maligo na. Ang baho mo na. Amoy kambing kana." Sabi ni mama habang hinahampas ako ng unan.

"Hala, Oo nga pala. Ma, bakit hindi moko ginising ng maaga." Ika ko habang tumatakbo papuntang banyo upang maligo.

Mabilis akong nag-ayos at kumain.

"Bye nak, galingan mo sa klase ha." Ika ni mama.

"Yes ma, at ako ang kukuha ng pinaka mataas na grado sa lahat. BWAHAHAHAHA."

"Tama na nak, para kanang baliw." Inabot sakin ni mama ang baon ko sabay sabi ng "Mamaya nak, pumunta ka sa mental ha. Pacheck up."

"Ma naman eh. Mukha bakong baliw? Sa pogi kong toh? Aso lang ang magsasabing baliw ako."

"Kita mo nak, nakakapagsalita ba ang aso? Nasisiraan kana talaga."

"Sege na ma, thanks ha. Tamang tama, may babayaran ako mamaya sa project namin." Sabi ko ng pasigaw habang nagpepedal ng bike.

"Was it a dream? Ha? Anong pinagsasabi ko?"

*peeeeppppp*

*boooooommm*

"Owshit, may nabangga ako." Saad ng isang babae habang tulala na palabas ng sasakyan at nilapitan ang nakabulagta na binata sa kalsada.

"Langit na ba tuh? San pedro, bakit ang ganda mo? Nagpapanty ka pala San Pedro?" Saad ko sa isip ko habang minumulat ang mata kong nakatingin sa nakatayong tao sa harap ko.

"Huy, ayos kalang?" Sabi ng babae habang sinipa sipa ako sa bewang.

"Pink at black na stripes?" hala anong pinagsasabi ko.

"Pink what?" sigaw ng dalaga.

"Dahan dahan lang." inalalayan nya ako habang tumatayo mula sa pagkakabundol nya sakin.

"Tahimik, dadalhin kita sa hospital. You should be cured. My god, ang malas ko naman." Saad ng babae.

Tumayo ako at lumapit sa bike ko nang paika-ika. Tinanong ko ang babae kung ano ang pangalan niya.

"Pangalan ko? Sabrina, pero tawagin mokong Sab. Dali na at para madala na kita sa hospital." Saad ni Sab.

"Wag na, nagmamadali kasi ako ngayon kasi first day of school namin. Paalam na Sab." Sinabi ko habang sinimulang magpedal ng bike.

"Siraulo kaba?" Sigaw sakin ni Sab habang ako'y  palayo na sa kanya. Ngumiti ako pabalik at nagpacute. Baka sakaling mag dagdag pogi points pa.

Nang makarating na sa paaralan.

Naka ngisi pakong naglalakad sa hallway. "Ang sarap namang mabangga."

"Aray ko!" Pasigaw kong sabi habang kinakamot ang ulo kong hinampas ng kung sino.

"Uy Zaun? Anong nangyari? Bilisan mo. Malilate na tayo sa first class natin." Saad ng matalik kong kaibigan na si Ken.

"Ikaw pala yan. Oo nga pala." Patakbo kong saad habang nakikipag-unahan sa kaibigan ko.

"Mahuli magbabayad ng lunch hahaha," Pasigaw ni Ken sabay batok sa ulo ko.

"At akala mo hahayaan kita? HAHAHA." Sabay takbo ko ng mabilis.

Papasok nako ng room ng biglang. "Huy Mr. Del Mundo. Hindi porket Mr. Campus ka last year at pogi ay mag-gaganyan ka na sa klase ko. When say 7am, dapat 7am diba? Eh bakit ngayon kalang na 8:30 na." Saad ni Maam Reyes sakin.

"Maam, ang ganda nyo naman po ngayon." Saad ko.

"Ah talaga ba?" si Ms. Reyes na mukhang paniwalang paniwala sa pambobola ko.

"Blooming ma'am, walang kupas." Ang sulsol pa ni Ken.

"Okay, maganda naman talaga ako eh. You may take your seat now." Ang sabi ni ma'am.

"Thank you, maam." Saad namin ni Ken.



My Online LoverWhere stories live. Discover now