Chapter 1

3.9K 86 11
                                    

Loving You Is A Mistake.

I'm just a simple girl who wanted to be loved..Pero sadyang hindi ayon saakin ang mundo.

Nagmahal ako ng isang taong May sabit na..
Nagmahal ako ng sobra sa taong kasal na.
Nagmahal ako ng taong kahit kailan ay hindi mapapasakin.

Oo,sinabi niyang mahal niya ako pero hindi sapat iyon.Kasi sa Mata ng lahat im just his mistress.Nagmahal lang naman ako auh.
Mas minahal ko pa siya higit sa sarili ko.

A mistress,gold digger,manggagamit,mang aagaw.

Kabit na naninira ng pamilya.
Kabit na kinasusuklaman ng lahat.

Hindi naman porket kabit o kerida ay masama na.Hindi ba pwedeng nagmahal lang sila tulad ng iba.

Nagmahal lang din naman ako.Pero sa ibang paraan,mahal namin ang isat isa pero hindi ito tama.

Hindi niya ako kayang ipaglaban dahil mahirap lamang ako.Hindi niya ako maaaring ipakita o ipagmalaki sa iba dahil masisira ang iniingatan niyang image sa publiko.

Kasal siya sa loob ng limang  taon sa isang sikat na modelo si Ms.Samantha Park na naging si Mrs.Villaruel.Dahil sa pinagkasundo sila ng kanilang mga magulang upang mas lumago pa ang kanilang negosyo o kompanya..

Si Alexander Laurent Villaruel ang bukod tanging minahal ng isang Gaya ko.
At tumagal ng  tatlong taon ang relasyon namin.Nasanay ako na tinatago lamang ang aming ugnayan sa isat isa.Ganon ka kumplekado ang buhay ko at ang ka relasyon ko.

Ako si Isabella Lexie Laureano dalawang put limang taong gulang.
Nagtatrabaho bilang isang guro sa isang sikat na paaralan dito sa maynila.Isang daycare center for the special children.

Mga batang May deperensiya ang tinuturuan namin.Mga batang kinakailangan ng tiyaga At aruga.

Nang makapag tapos ako sa kursong education.Ay naisipan kung makipag sapalaran dito sa maynila upang mas Malaki ang tsansang mas aasinso ako dito.

Meron akong tinataguyod na mga kapatid At aking mga magulang.
Ako ang panganay sa apat na magkakapatid.At lahat sila ay nag aaral palamang.
Ang sumunod saakin ay nasa college na at ang dalawa pa ay nasa high School na at nag aaral ng mabuti dahil laging honor student.

Kaya nagsisikap ako ng mabuti para masustentuhan ko silang lahat.

Ako ang tanging inaasahan ng aking pamilya.

——-

Nakilala ko rin si Alexander sa mismong pinag tatrabahuhan ko.
Ang isa kung estudyante ay pamangkin niya.At nagka taon na siya ang umattend sa isang meeting.Doon nagsimula ang aming pagkikita ng madalas.

Sobrang bilis lang ng panahon,sa loob ng dalawang buwan ay naging kami.Pero alam ko ng kasal siya sa panahon na iyon.

Pero hindi iyon hadlang para sagutin ko siya.

—————

Isabella's p.o.v

Nasa hallway ako ng paaralan dahil out ko na.Habang naglalakad ay tinatanaw ko ang mga batang sinusundo ng kanilang mga magulang o kaya ay nanny..

May nakita akong isang buong pamilya naghahawak kamay habang naglalakad.

I wish I have mine too.
A complete family.
I wanted to have my own child.
A happy family.

Lahat ng iyon Ay Wala pang kasiguraduhan sa lagay ko ngayon.

Sobrang lalim ng isiisip.Hindi ko napansin ang batang kanina pa hinahatak ang blusa ko.
Napangiti ako ng makilala ang bata.His Clarence Damian Villaruel ang anak ng kuya ni Alexander na si kuya Damiano.

Nag sign siya saakin na merong ibibigay.Kaya inilahad ko ang kamay ko sa harap niya.Saka niya inilagay ang isang sobre .

Nagtaka naman ako Kung ano iyon.Tatanungin ko sana siya pero bigla itong tumakbo palayo.Wala akong choice kung hindi ang tingnan ito At dahan dahang binuksan saka binasa.

Di ko pa naman nabubuksan ay inamoy ko pa ito.Mabango ito kahit nasa sobre palang.

Pagka bukas ko palang ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na pangalan kung kanino nanggaling.





Alexander——-

Yes,it's him...my boyfriend Alexander.Bago pa lumipad ang emahinasyon ko ay binasa ko na ito.

                 Let's meet up later.Sleep over,on your place.I miss you babe see you later.

Yun ang laman ng sulat.Maikli pero sobrang sweet ng ibig sabihin...Sa simpleng sulat lang nito ay nagdulot saakin ng sobrang kilig parang gusto kung sumigaw how grateful I am to have him into my life...

Pero napawi lang iyon ng maisip ko.Im just his mistress pala......his second choice...
kaya wag akong masyadong magpaka saya dahil pansamantala lamang ito.

Pero sa ngayon gusto ko lang siyang makita at makasama.

———

Nang maka Uwi ako sa apartment ko ay mabilis akong nagbihis ng pambahay..simpleng pajama saka maluwag na Tshirt...

Pumunta akong kusina upang makapagluto ng kakainin namin.
Tiningnan ko muna ang ref if anong available na ingredients ang pwedeng ipang luto.

Merong—-
Manok saka baboy kaya naisip kung magluto ng adobong manok at maasim asim na sinabawang sampalok na baboy.

Pinakuluan ko muna ang baboy bago nag hiwa ng mga rekados sa mga lulutuin ko.
Nang matapos ko ito ay saka ako nag saing sa rice cooker ng kanin....

Malapit ng maluto ang sinampalukan na baboy kaya medyo Pawis na ako.Mabilis akong humagilap ng pang tirintis sa buhok.Pinag isa ko ang buhok saka inilibot sa iisang parte ng buhok ko.Bago ko pa matapos ang pagtitirintis ng buhok ko ay May mga kamay na yumakap sa bewang ko..

It's no other than my boyfriend.Gusto kung namnamin ang bawat oras na magkasama kami.

"Hmmm,Hows your day,babe?"tanong nito habang naka yakap parin patalikod.Ang boses nito na sobrang manly na May pagka husky sa sobrang pagka sweet na bigkas nito.

"T-tired as always,babe.But I'm still enjoying it."Naiiling ko na saad dito dahil hinahalikan niya ang batok ko.

"B-babe,stop that I'm still cooking."malambing kung saad dito.Kaya mabilis naman siyang humiwalay sakin.

"Okay,Just go upstairs and take a bath.Ako na ang tatapos nito."wika niya habang hinuhubad ang sleeves nito At sapatos.

Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong tumalikod upang umakyat ng biglang May humila sa kamay ko.Sa sobrang gulat ko ay hindi ko napansin ang paglapat ng mga labi namin.Bago pa ako makapag react ay siya ang kusang humiwalay at ngumiti ng pagka tamis tamis.

Sa sobrang kahihiyan ay namumula akong tumakbo pataas ng kwarto saka ko narinig ang halakhak nito mula sa kusina.

Gusto kung kutusan ang sarili ko.Bat hindi pa ako masanay sanay pag siya ang kasama ko.


Susunod......

Loving You Is A Mistake (COMPLETED✅✅✅)Where stories live. Discover now