Chapter 6:

191 5 0
                                    

.
..

.....

"Samantha,I'm sorry please forgive me."-
rinig kong wika ng isang tinig.

Hinanap ko kung saan at kung sino ang nagsalita pero parang paikot-ikot lang ako dito sa lugar kung saan hindi ako pamilyar.

Pano ba ko napunta dito?
Nakidnap ba ako?

Napapagod na ako pero hindi pisikal kundi emosyonal. Napaluhod ako sabay tingala sa langit.

'Parang uulan.'-
mahinang sambit ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko.Sobrang bigat sa pakiramdam .

Naaninag ko na may papalapit sakin,diko ito mamukhaan kahit anung pilit ko.

Sinubukan kong tumayo para iwasan kung sino man tong papalapit sakin.
Pero di ako makagalaw.
Bago pa man ito makalapit sakin may dalawang pares ng kamay ang buong pwersang itinayo ako hinila nya ko papalayo sa taong lalapit sana sakin.

Sabay kaming tumatakbo sa lugar na ngayon ko lang nakita.
Huminto lang kami sa ilalim ng puno ng mangga.
Hinihingal kami pareho habang nakatitig sa isa't isa.
Mata lang nya ang malinaw sakin para bang sinasadyang wag kong mamukhaan ang taong nasa harapan ko.

Hinawakan nya ang kamay ko bago unti unting naglahong parang bula sa harapan ko.

Wifes RevengeWhere stories live. Discover now