I♥Sir

90 5 19
                                    

I♥Sir
By: FortunateLei

"Huhuhu. Beshie mag-ingat ka dun ah? Alam mo na! Ipagdarasal kita ng Ama namin, Our father in heaven, Heal Mary at Ano pa ba? Basta! Fighting bes. Fighting"-Lintanya kaagad ng magaling 'kong bestfriend. Hanep din diba? Mas kinakabahan pa ata siya kesa sa'kin.

"Bes? Pwede ka pang mag quit ha. Wag ka nalang kasi sumali jan sa CAT auditon na yan. Baka kasi hindi ka na maka uwing maganda?"

IHindi ko nalang siya pinansin wala na ding magandang maidudulot. Sarap lang i plaster ang bibig nito. Tss!

Kanina niya pa kasi ako hinihimok na umatras nalang daw sa pagsali ko bilang aspirants ng CAT. Well! I can't blame her. Hindi ko naman kasi linya ang pagiging tigasin at army type, hindi din ako boyish o whatsoever na papangaraping mag army kuno.

Sumali lang naman talaga ako dahil for sure pag natanggap ako dito araw-araw ko ng makakasama si Toffer meelabs. Araw araw na chansing hays.

Si Toffer ang Commander ng CAT officers. Gwapo, mabait, matalino, hearthrob type, every girls dream at ang nag iisang kinababaliwan ng apdo este puso ko.

Nakatingin lang ako sa malayo. Nanginginig at prenteng naka upo katabi ang sirang plaka kung bestfriend. Srsly? Kinakabahan ako ng bonggang-bonnga.

Nakikita ko palang yung mga estudyante na isa-isang pumapasok sa pulang pintoan na iyon, nag uunahan na sa pagpatak ang mga pawis ko.

Doon kasi ang Venue. Sabi nila may ipapagawa daw sayo dun o di naman kaya ay e-interviewhin ka ng mga officers bago ka maging isa sa mga aspirants nila. Geez! Pero depende yun sa trip ng mga officers. Malay mo may pag-inom ng baygon na magaganap dun.

Walanjo! Para naman akong lalagutan ng hininga dito kakaisip. Ano kaya ang nasa likod ng pintuang iyan? Ano kaya ang mga pagsubok na naghihintay sa akin sa loob?

Wala naman sigurong pag talon sa building na magaganap diba? Mahal ko si Toffer myloves pero mas mahal ko ang sarili ko. Shutang inerns. Bakit kasi may mga ganito pa? Hindi  ba pwedeng pasok na kaagad ako?

"Aspirant #12"-Matigas ang pagkaka sabi nun sa akin ng lalaki. Naks. Kilabot to the bones nemen etey. Ako na. Ako na! Wish me luck peps.

Natameme lang yung best friend ko habang papalapit ako sa pulang pintuan. Hindi man lang ako nagawang e goodluck. I love you na talaga best friend. Grabeng pagsasala naman ata ang ginagawa nila. Kalerki! Para akong lumalapit kay kamatayan. Huhuhu.

"Report"-utos nung lalaking tumawag sa akin. Tumango lamang ako at nag salute. Siyempre pinagplanuhan ko ang pagsali ko dito kaya alam ko na ang gagawin.

"Aspirant #12. Oril, Irish Mae P. Reporting sir"-sabi ko habang pinapanatili ang tiger look ko. Keri na yun nu. Wag na pong choosy!

Tumango siya at nag salute din. Tapos ay binuksan na ang pulang pintoan. Sumenyas siya na pwede na daw akong pumasok. This is it. Pusit

Dahan dahan akong naglakad papasok pero dahil tinulak ako ng walang'yang iyon. Dumiretso ako sa di ko dapat kalagyan. Lagot yun sakin pag nagkita kami ulit!

Madilim dito sa loob. Naka sarado lahat ng mga bintana at patay ang mga ilaw. Shutay! Langit na ba? Narinig ko pa ang malakas na pagsarado ng pintoan. *goosebumps*

Kinapa ko ang mga madadaanan ko. Baka kako maka bangga ako ng ten wheeler truck! Mahirap na.

Nakakatakot dito. Parang gusto ko pang maiyak. Shet. Kung di lang dahil kay Toffer meelabs ko, nasa bahay na sana ako at lumalamon. Susko.

May nariring akong nagtatawanan. Nag bubulungan at minsan pa nga akong tinutulak at kinakalabit.

Bwisit! Pag makita ko ang gumagawa nito. Tatang-galan ko talaga ng apdo. Promise!

One Shot StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora