23

13.9K 356 18
                                    

Marina's POV

"Goodmorning"Ngiting bati ko kay Song pagmulat na pagmulat nya

"Goodmorning too"Tsaka sya unti unting tumayo at hinalikan ako

"Ikaw ha"Biro ko sa kanya pero tumalon lang sya sa akin at niyakap ako

"Ang bigat mo Song"Kunyaring reklamo ko

"Yahh!"Palo nya sa braso

"Im just joking "Tawang sagot ko tsaka sya binaba

"Tara na"Sabi nya tsaka ako hinatak pababa papuntang lababo

Sabay kaming nagtoothbrush at naghilamos

"Ang aga mo ata Marina"Narinig ko ang boses ni Lola kaya napalingon kami

"Uhmm wala lang la para naman mabago"Palusot ko kahit ang tunay na dahilan ay gumising ako ng maaga para mas makasama ko si Song ng matagal baka kase isang araw mawala sya sa akin , pero sana wag naman

"Wait for me Ina im going to take a bath "Paalam ni Song kaya naman ngumiti ako bilang sagot

"Marina? Maria?"Nagulat kami sa kumakatok kaya ako na lang ang lumapit

"Oh Manong Popoy baket po?"Tanong ko sa kaibigan ni lola

Bigla na lang pumasok si Manong popoy sa loob at agad na isinara ang pinto

"M-may mga dayuhan Marina , hinahanap si Song"Sabi ni Manong kaya naman kinabahan ako agad , baka marinig ni Song

"Ha?Baka pamilya nya na yun Ina! Naku siguradong matutuwa si Song nito"Nakangiting sabi ni lola kaya nalungkot ako

Paano nga kung pamilya nya yun? Paano kung sumama sya dun? Paano naman ako?

"La , dito lang si Song hindi ko sya ibabalik sa pamilya nya"Madiin na sabi ko

"Pero Marina ! Alam mong masakit mawalan ng pamilya kaya kailangan ibalik mo si Song sa pamilya nya "Galit na sabi ni Lola

"Pero La alam mo rin kung gaano kasakit mawalan ng taong mahal mo"Yun na lang ang nasagot ko

"Maiwan ko na kayo yun lang sana ang gusto kong sabihin"Paalam ni Manong Popoy

"Marina wala kang magagawa kung anong gusto ni Song tingin mo ikaw ang pipiliin nya kung sa kaling pamilya nya nga ang naghahanap sa kanya?"Tanong ni lola kaya tumahimik na lang ako

"Wala tayong magagawa kung ito ang nagyayari dahil ganto rin naman ang nagyari sa lolo mo diba? kailangan nating intindihin ang nangyayari , ang tadhana"

"Ikaw na nagsabi na mahirap magmahal kung yung taong mahal mo wala na"Paalala ko kay Lola

"Pero wala akong sinabing pag nahihirapan ka na magmahal , pipigilan mo ang mangyayari kase tadhana ang kalaban mo "

"Ina im done"Ngiting sabi ni Song habang bumababa

"Why? "Tanong ni Song

"Ha? anong why?"Inosenteng tanong ko

"Bat lungkot ng mukha mo?"Tanong nya

"Uhmm wala gutom lang siguro"Pilit na ngiti ko

"Okay , let's go we're going to buy food right?"Masayang sabi nya

"HINDI!"Napasigaw ako , paano kung makita sya ng mga tao sa labas edi sasabihin nila kung nasan si Song tsaka sya mawawala sa akin

Stay With Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon