Hidden Sweet Message

178 7 4
                                    

Sue Ramirez. 16 years old. With 9 years and 9 months experience in studying. And not even 9 days of experience in love. Oo! Tama kayo! Isa akong dakilang NBSB! So what? Hinihintay ko ang Prince Charming ko! Sabi sakin ni Lord, idedeliver pa lang daw nya e. Sanay na naman akong maghintay. Walang kaso sakin yun, pero sana naman po, medyo agahan nyo ng konti. Susko! Anong petsa na oh? February na! ( ̄_ ̄”)

Isinubo ko na yung huling kutsara sa pagkain ko, tumayo at tsaka hinablot ang bag ko.

"Ma! Aalis na po ako!! (~ ̄O ̄)~"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama at tumakbo na ako  palabas ng bahay. Ah syet! Hindi na 'ko nakapagtooth brush ulit. (-__-) Tumigil ako sa tapat ng tindahan ni Aling Bebang.

"Pabili nga pong chewing gum!!"

Lumabas yung nagbabantay sa tindahan.

"Alin dito?" Napatingin ako sa taong nagbebenta sakin. Lalaki? Anak ni Aling Bebang? Wait. Paano namang magkakaroon ng anak si Aling Bebang e matandang dalaga si Aling Bebang! Ay wait. (●0●) JOWAERS?! Jowaers ni Aling Bebang?! Ay! Ang bongga nya! Naunahan pa nya ako! (TT﹏TT)

"Miss, ano?!" Naiinis na tanong sakin nung lalaki. Napataas ang kilay ko.

"E basta yung presko sa hininga! Limang piso!" Mataray kong sagot. Kaimbyerna! Para nadelay lang ng konti ang sagot! Hmmp! (・へ・)  Binigyan nya naman ako agad ng limang chewing gum na kulay green ang wrapper.

“VFresh?” Tanong ko dun sa tindero.

“Oo. Presko sa hininga. Mahahalikan ka talaga!”

Ay! Effective na tindero si Kuya! Pati slogan ng VFresh alam nya. (-__-) Tumakbo na ulit ako papuntang pila ng tricycle. Inilagay ko ang tatlo sa bulsa ng palda ng uniform ko at agad na binuksan yung dalawa at walang pag-aatubiling kinain iyon.

"Good morning, Sue!"

"Morning, Clang." Bati ko sa seatmate ko.

“In fairness teh! Hindi amoy tinapa ang breath mo ngayon! Anong ginawa mo? Nakapagtooth brush ka?”

“Alam mo ikaw panira ka din ng araw e no? Pabati-bati ka pa ng good morning sisirain mo din naman pala! And for your information, hotdog ang ulam namin kanina!” Inis kong sagot sa kanya.

Nagmartsa ako papunta sa upuan ko at umupo. Medyo maaga akong nakapasok ngayon. Mga five minutes. ( ̄﹏ ̄) Tiningnan ko si Clang sa gilid.

(-__-“) Ginagawa na naman nya ang hobby nya.

"Hoy Clang! Ano? Horoscope na naman?"

"Eh! Wag ka ngang magulo! Nagcoconcentrate ako!" Sabi nya ng hindi man lang tumitingin sakin. Yung kilay nya magkasalubong pa sa sobrang pagkoconcentrate nya. Inagaw ko sa kanya yung hawak nyang newspaper.

"Seryoso ka? Kelangan talaga Tiktik ang binibili mong dyaryo? (TT__TT)" Nakakaiyak ang choice of newspaper nya. Huhu.

"Para sakin mas reliable sya pagdating sa horoscope. Halos totoo kase e. Hohoho. (~^O^)~"

(-__-) Seryoso ba sya? May reliable ba sa Tiktik? Bumuntong hininga na lang ako at ibinaling ang tingin ko sa dyaryong hawak ko. Hindi ko inaakalang dadating ang araw na gugustuhin kong magbasa galing sa dyaryong 'to. (TT___TT)

Virgo-Maghintay ka lang. Wag kang magmadali. May tamang panahon ang lahat. Maging mas pasensyoso pa kesa sa nakaraan at ang lahat ay tatakbo ng naaayon sa tadhana. Ang iyong maswerteng kulay ay berde. At ang iyong masuswerteng numero ay 3, 5, 11, 69 at-

“Ramirez!”

(⊙﹏⊙!)

Napatayo ako sa gulat nang marinig ko ang malakulog na boses ng teacher namin.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now