Final Episode: The Bloody Ending

136 6 1
                                    

EMPRESS POINT OF VIEW

"Pare, mukhang may bago tayong transferee ha? Himala." Naulinigan kong wika ng lalaki na napakasimpleng tingnan pero kung makaasta parang sira.

Ngumisi naman ang lalaking kasama nito. "Oo nga, e. Wala ba itong kaalam-alam sa paaralang ito?” tanong ng kasama nito.

"E, paano niya malalaman, eh, kunting takte pa lang ng prinsipal, pumayag na."

"Kawawang babae. Para na rin niyang isinubo ang sarili niya kay kamatayan."

"Hayaan na nga natin iyan. Baka makita pa tayo ni Lex na may hinuhusgahan. Matudas pa tayo," wika ng lalaking simple at umalis na sila.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila at bakit parang ako ang babaeng tinutukoy nila?

Pumasok na ako sa section Krypton na kinabibilangan ko. Papasok pa lang ako nang bigla akong nabangga sa isang tao na naging sanhi ng pagkatapon ng dala nito.

"Shit!" Lumingon ang babae sa akin. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Sino ka ba? Ha?" sigaw ng babaeng nabangga ko.

Maganda ito at tila ito diyosa kaso ngayon ay para itong tigre na ano mang oras ay manlalapa.

"Patawad," hinging paumanhin ko.

"Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo!" Ginamit nito ang middle finger nito. Sign na f*ck you.

Umalis na ito at ako naman ay tinuloy na ang pagpasok sa bagong section ko.



(DODZ POV)

Dalawang Linggo na ang nakaraan pero wala pa rin akong magawa dahil nakakandado parin ang paaralan.

Kaya naman ay patuloy pa rin akong naghintay. Sinubukan ko nang akyatin ang paaralan pero hindi ko kinaya. Para kasing presinto iyon at hindi paaralan. Wala talagang makakalabas.

Pilitin ko mang magsisigaw ay parang walang taong nakaririnig. Kaya wala pa rin akong nagagawang aksiyon.

Makalipas ang isang buwan pag-aabang ay himalang bukas ang gate ng paaralan. Aksidente kasi nitong nabuksan ng guwardya sa pag-ihi nito.

Wala na akong inaksayang oras. Dali-dali akong pumasok sa paaralan at nagtago sa palikuan.


(EMPRESS POV)

CATUBIG VALLEY NATIONAL HIGHSCHOOL

POPULAR O ILUSTRE ANG PAARALAN NA ITO SA KALAHATANG KABIHASNAN NG CATUBIG NORTHERN SAMAR.

MARAMI ANG MGA PALAARAL NA GUSTONG SUMALIN DITO MULA SA IBA'T IBANG LUNAN.

BANTOG ITO!

SIGURO DAHIL NA RIN SA PATULOY NA PAGMAMANTINI NG KALINISAN DITO, ISAMA NA RIN ANG MAAYOS NA KALAKARAN NG PAARALANG ITO.

BUKOD SA MGA NABANGGIT AY MAPUPUNA MO RIN ANG MAGANDANG PAGTUTURO NG MGA TAGAPAG-TURO.

ANG CATUBIG VALLEY NATIONAL HIGHSCHOOL O CVNHS AY NAHAHATI SA DALAWA: ANG JUNIOR AT ANG SENIOR.

AKO SI EMPRESS AT KABILANG AKO SA KATEGORYANG SENIOR HIGH SCHOOL.

MAY KANYA-KANYANG SEKSIYON ANG SENIOR HIGH SCHOOL AT SA MALAS AY KASAPI AKO NG KRYPTON SECTION.

KUNG KANINA AY NAIMUTAWI KONG NAPAKAGANDA NG PAARALANG ITO, KASALUNGAT NAMAN IYON SA MGA UGALI NG BAWAT KAANIB NG PAARALANG ITO.

O MAS TAMANG SABIHIN NA... ANG DEDEMONYO NG ASAL NG MGA KAKLASE KO AT MGA GURO.

The Bloody University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon