Chapter Twenty-One: Official

64 4 0
                                    

KAKATAPOS lang na maligo ni Mavis nang maabutan niyang nanunuod si Anthony sa may sala. Napansin niyang nakasalang ang mga dating pinagbibidahan niyang movies.

Wala sasariling tinignan niya ito, hindi talaga niya alam kung bakit mas gusto nitong mag stay kaysa ang umalis.

Pero sa loob-loob niya she can't help but appreciate this gesture.Isa pa mayroon naman siyang guestroom kaya hindi siya mamomoblema sa tutulugan nito.

Ang kaso hindi niya mapigilan ang sarili na maguluhan. Kung bakit ganito na lang ang concern sa kanya ni Anthony. Are they friends? Probably? Isa pa kailan nga ba siya nito inintroduce bilang kaibigan sa mga kakilala nito?

Parang kahit na minsan hindi nito 'yon ginawa, kahit na ba sabihing palabas na ang lahat, as a guy hindi ba 'to natatakot na ipakilala siya bilang girlfriend? Kahit na ba alam naman niyang palabas lang ang lahat?

"What are you watching?" tanong niya saka siya tumabi dito sa sofa.

"It was your first movie."

Napakurap siya, sa pagkakaalala niya her first movie was made when she's 16, ito pa 'yung panahong nandoon pa siya sa dati niyang agency at hidni pa rin niya alam kung anong mangyayari sa kanya.

It was the time she's so frustrated na lahat ng 'yon ay ibinuhos na lang niya sa pagarte. This movie became the turning point of her life kung hindi kasi dhail 'don ay hindi siya madi-discover ni Lena and help her to where she is now.

"Is it good?" tanong niya.

Isa pa matagal na ang movie na 'yon and the quality is probably a crap in the recent years. But hey, after all this years she can clearly see that she made it.

It wasn't a smooth ride but she's already here, kaya anong karapatan niya para matakot? Galing siya sa ibaba at kahit bumagsak pa siya ulit mas madali na lang sa kanyang bumangon.

This viral video about her attitude aren't even making her angry. Imbes mas excited pa nga siya sa mga mangyayari when she made sure that those Barbie bitch will pay for everything.

"You do know that you have evilish smile on your face?" napakurap siya sa inabi niy Anthony.

"Bakit may masama bang ngumit?"

"No, you just look cute looking like that. You look like a cat trying to do something mischieveous."

She flipped her hair. "Sa gandang kong 'to kailangan mo kong ikompara sa pusa? Patingin ka sa mga mata mo, okay?"

"Nah," ipinatong nito ang siko sa isang binti at literal na nangalmbaba sa harap niya. "My eyes are very much on twenty-twenty vision, lalo na kapag ikaw ang nakikita ko."

Lihim siyang napahugot ng hininga, his eyes is dancing with with mirth, a familiar face that she always whenever he is amused of something, but his eyes says otherwise.

"Are you hungry? Padeliver tayo?" tumayo siya at gusto sana niyang maglagay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa nang hawakan nito ang braso niya at muli siyang pinaupo.

"You're not good at changing subjects."

"Bakit ayaw mong magpadeliver?" tanong niya kahit na ba alam niya ang ibig sabihin nito.

"Mavis."

"Naguguluhan ako, okay?" bulalas niya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito oras na sabihin niyang may nararamdaman sya. Will he get bred with her? Nonchalant o ano? Parang ayaw na niyang malaman kasi katulad nga ng sinabi niya non hindi niya mabasa kung ano nga ba talaga ang iniisip nito.

"Bakit ka naman naguguluhan?"

"Because your giving me this weird signal! And i hate it?"

"Kailan pa ko naging alien?"

Perfectly Loving youWhere stories live. Discover now