Chptr thirteen

3 1 0
                                    

Pagkarating namin sa opisina ni kuya levi ay kaagad kaming umupo sa couch kaharap ng table niya,bakas sa mukha ng pamilya ko ang labis na kasiyahan

Si callisto ay nasa kandungan na ni daddy habang si kuya Lawrence ay kulang nalang bugbugin si kuya levi dahil daw hindi niya sinabi sa kanila na nagkita na kami,habang si mommy naman ay hindi ako pinapakawalan nakatabi parin sa akin at nakayakap

Syempre sinong hindi makakamiss sa anak,halos anim na taon din akong Wala At ang akala pa nila ay patay na ako

"Tell us what happened to you lucia" Biglang wasak ni daddy sa katahimikan

Nagsimula akong magkwento sa kanila hindi naiwasan ang iyakan,alangan Ikaw kaya maaksidente ng ganon tignan natin kung Di ka iiyak... Ikinuwento ko lahat lahat ang nangyari sa akin sa amin ng anak ko

"May kapatid si callisto mommy" naluluhang sambit ko sabay punas sa mga mata ko "h-hindi siya nakaligtas I mean hindi niya kinaya,maselan ang pagbubuntis ko" humihikbing dugtong ko,bakas sa mukha nila ang labis na pagkagulat samantalang si callisto naman ay halata ang lungkot sa mga mata

Alam ng anak ko na May kakambal siyang babae ay duon inilibing sa bulacan,linggo linggo namin binibisita ang kakambal niya pagtapos namin magsimba sa nuestra

Carley Ghillianne-her name

"I'm so sorry anak" lumuluhang ani ni mommy sabay hagod sa likod ko

"H-hindi ko alam ang gagawin ko sa mga araw na dumadaan,Wala akong masabihan sa lahat ng problema ko,Wala akong katuwang sa buhay ko,sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari" umiiyak na pagsusumbong ko sa kanila na para bang sa ganoong paraan ay mabawasan lahat ng sakit sa puso ko

"Moma why ka po nagkacry?" Biglang singit ng anak ko sa Usapan,agad kong inilipat ang paningin ko sa kanya At ganon nalang ang gulat ko ng makita kong namumula na ang gilid ng mga mata niya pati ang ilong tanda na malapit na siyang umiyak

Natataranta ko itong nilapitan At niyakap "no baby,don't cry please" pagsusumamo ko,Ayaw niyang umiiyak ako dahil iniisip niya na May umaapi sa akin or umaayaw

"Moms wag kana po mag cry,m-masakit po dito ko oh" humihikbing tinuro niya yung dibdib niya kaya agad kong pinunasan ang mga mata ko sabay tingin kay kuya lawrence

"K-kuya kuya t-tumawag ka ng doctor pleasee!" Naghahadaling ani ko

Kahit na nagtataka siya ay agad siyang nagtipa sa telepono At maya maya pa ay May kausap na ito

"Anak anong nangyayari?" Kinakabhang ani ni daddy,kita mo sa kanila ang labis na pag aalala dahil sa anak ko na ngayon ay hindi parin tumitigil kakahikbi

Inabutan ako ni kuya levi ng tubig kaya dali dali ko itong ipinainom sa anak ko

"Hush baby,hindi na ko nag cry oh tahan na pleasee" paglalambing ko rito

Halos trenta minuto ko ng pinapatahan ang anak ko ng dumating ang doctor

"Nandito na ang doctor lucia" ani ni kuya Lawrence

"I'm dr Jim Rubite,Anong problema?" Seryosong ani nito,tinanguan ko Lang ito At isinenyas ang anak ko na tulog na sa kandungan ko

"Doc pakitingin po yung anak ko kung maayos Lang po ba yung heartbeat niya oh ano na,May sakit siya sa puso At ang Sabi sa akin ng dr niya bawal siyang maging emosyonal" mahabang sagot ko

Napasulyap ako sa pamilya ko na gulat At nag aalalang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog

"What? Bakit hindi mo sinabi sa akin yan lucia?" Seryosong tanong ni kuya levi

Longest road Donde viven las historias. Descúbrelo ahora