Chapter 7

12 1 0
                                    

Nandito ako sa veranda at sumisimsim ng tsaa habang pinagmamasdan ang naglalakihang truck na patungo sa mansion din na nasa harap namin.

Nabalitaan ko na matapos ang ilang taon ay napagdesisyunan na ng anak ng may ari dati na tirahan ang bahay na iyan.

We'll be having our new neighbor.

Rosalinda and the kids are preparing some foods dahil nagbabalak sila na iinvite ang mga ito sa hapunan.

I unconsciously smiled at the thought of Rosalinda.

Naramdaman ko na may kumuhit sa akin kaya lumingon ako.

"Tulala ka dyan, Lo."

Tumabi siya sa akin at gumaya ng posisyon. Parehas na kami ngayong nakasandal sa railings ng veranda at nakatingin sa harap.

"Ano na ang ginagawa nila?" Patukoy ko kila Rosalinda.

"They are now making salad, Lolo. Habang wala pa daw kung sino ang gustong kumain. Baka daw kasi malate, mas maigi na na may pagkain dahil baka sakaling magutom."

Napatango tango ako.

"Kilala mo ba ang mga lilipat dyan?" Tanong ko.

Kahit kasi pangalan nila ay hindi ko alam.

"Hindi din po but i heard na yung anak ng bagong may ari dyan ay same school sa amin ni Daisy. Baka makilala ko."

"I hope that you can make friends with them. Para na rin ma enjoy niyo habang nandito kayo."

"You know me naman po , Lolo. I can make everyone my friend kahit pa introvert sila. Napaka friendly ko kaya." Pabirong aniya.

Buti nalang talaga at nagmana sa nanay niya itong apo ko. Hay nako, ang anak ko kasi ay parang bato na walang kabuhay buhay. Ewan ko ba dun.

Maya maya pa ay natanaw namin na may sasakyan na huminto sa harap ng bahay na tinatanaw namin. Siguro ay iyon na ang mga titira.

Nang bumaba sila ay pilit namin silang inaaninag. Hindi na namin sila masyadong makita dahil umalis lamang ang harang na sasakyan nang medyo nasa loob na sila.

"Seems familiar..." Napatingin ako sa apo ko nang narinig ko na parang bumulong siya.

"Ano?" Tanong ko.

Iling lamang ang isinagot niya habang nakatingin pa rin sa nasa harapan namin.

Inubos ko na ang tsaa ko at tinapik na sa balikat si Drake.

"Bumaba na tayo at baka tayo ay masermunan pa."

Tumango siya sa akin.

Nakatulala pa rin siya at walang imik habang naglalakad kami. Tila malalim ang iniisip. Siguro ay nakilala niya nga ang magiging kapit bahay namin at iniisip niyang mabuti iyon.

Mabuti naman at may kilala siya para masama nila. Baka kasi hindi din sila nageenjoy na kasama kami minsan. Alam mo na baka hindi nila gusto ang mga gusto namin.

__________________

Nakarinig ako ng mararahang katok mula sa aking pinto kaya naman ay napatingin ako doon.

"Pasok..." Sigaw ko at nagpatuloy sa pagaayos ng mga documentong nakakalat sa mesa ko.

Pumasok si Drake sa aking silid at iginala saglit ang tingin bago siya tumingin sa akin.

"Kakain na daw po, Lolo. The new neighbors will come in any minute sabi po nila Lola kaya daw po bumaba na tayo."

Tumango ako at itinabi na ang mga natitirang mga dokumento.

Nang matapos ako ay lumabas na kami ng silid at bumaba na.

Nakita namin na may kausap si Rosalinda. I guess they are our new neighbors.

Bago kami makalapit ay biglang natalisod ang nakasunod sa akin na si Drake kaya nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.

Nang makarecover ay pinagpagan niya ang pantalon niya atsaka tumayo nang maayos.

Napapailing na ibinalik ko ang tingin ko sa mga magiging kapit bahay namin.

They are still looking at Drake.

Siguro ay nahihiya na ang apo ko ngayon kaya nagsalita na ako para mawala ang atensyon sa kanya.

"Salamat at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon." Ngiting sabi ko sa kanila at kinamayan ang tingin ko'y padre de pamilya.

Malugod niya namang tinanggap ang kamay ko.

"Walang ano man po iyon. Kami nga po ang dapat na magpasalamat sa pagiimbita niyo sa amin..."

"Tito Dado nalang."

"Maraming salamat po, Tito Dado."

Sa tingin ko naman ay mababait silang tao, base na rin sa pakikitungo at kilos nila.

"Come on, doon na tayo sa dining hall para makakain na rin kayo. Kadarating niyo lang ata at mukhang pagod na ang anak niyo." Patukoy ko sa binata na hula ko ay kasing edad lang ni Drake.

Napatingin sila sa kanya at tinapik dahilan para matigil siya sa kakapindot sa kanyang cellphone.

Sa tingin ko ay pinagsabihan siya ng mga magulang niya gamit ang mata kaya tumingin siya sa akin at tipid na tumango at saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

I can feel some tension around them kaya pinutol ko na iyon at iginaya sila papunta sa dining hall.

________________

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan nang mapansin kong tahimik si Drake. Hindi naman ladi siya ganoon kapag may bisita kami.

"Oo nga pala, narinig ko na ang apo kong si Drake at ang anak ninyo ay parehas ng eskwelang pinapasukan. The start of new school year is 2 months from now, may balak ba kayong itranfer ang anak niyo dito since dito na kayo titira?" I curiously asked.

"Really? Schoolmates pala sila. I think Nate has no plans on transferring here po, Tito Dado. Last year na naman niya as senior high kaya itutuloy niya na iyon sa Manila. Nasa sa kanya na din po kung saan siya magcocollege."

Napatango tango ako.

"That's right. We should let the kids choose what they want. Saang university balak niyong magcollege? Maybe we can help."

"UST po." Sabay na sambit nila.

Nagkatinginan sila at sabay ding nag-iwas tingin.

"Oh, that's great. You're going to the same university. Bakit hindi nalang kayo tumira sa iisang condo sa Manila. We are worried na baka kung ano ano lang ang gawin niya. Mabuti na iyon, may kakilala kaming titingin sa kanya."

Kung ano ano pa ang aming mga pinagkuwentuhan habang kumakain.

They are nice and fun to be with. Nasisiguro kong magkakasundo kami ng aming bagong kapitbahay.

Ewan ko nalang sa apo ko at anak nila.





To be continued...


Thank you for reading. I got really busy so i didn't get the chance to update, ngayon nalang ulit. I'll try my best to finish this story. Also, we have a new book covers thanks to Yanyan Hidalgo. I really appreciate it. Thank you so much. <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Begin AgainWhere stories live. Discover now