Remembering Ana

6.4K 260 115
                                    

MIA’s POV

“Yung carnation” sabi ko sa isang saleslady ng bulaklak sa isang flowershop. Pagkatapos niyang ibigay ang bulaklak ay madali na akong sumakay sa kotse. Hinahanap ko ang susi ng kotse ng biglang tumunog ang phone ko. Si Carol. Aishh!! Oo late na ako!!

“Hi Mia, san ka na?” tanong niya.

“Papunta na..” sabi ko.

“Papunta?? Nothing had change…ang papunta mo, paalis pa lang!” sabi niya at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. May mga narinig na rin akong tawanan sa background ni Carol.

“Sus….ito –

“Ano? Hindi ba totoo??” she cut me.

“Ito hindi na nasanay! Hahaha…sige na papunta na talaga ako…yun ay pag nakita ko na ang susi ng kotse ko” sabi ko at tuloy pa rin ako sa paghalungkat sa bag ko.

“Hahaha..Whatever Mia. Drive safely!” sabi niya at naputol na ang linya.

Kaibigan ko si Carol since highschool. Hindi ko nga alam kung pano pero ayun eh, naging magkaibigan kami. Matalik na magkaibigan mula pa nung highschool.

Highschool, isang pahina ng libro na masarap balikan. Lahat ng kalokohan, kapilyahan at kasiyahan eh naroon. Kahit na nga tampuhan at awayan eh di din mawawala. Nakakatawa na nga lang balikan ang mga araw na bata pa kami, na dahil sa hindi lang pagsabay sa uwian ay issue na. Nagaaway dahil may isang wagas magpahintay sa may gate dahil cleaners siya, merong isang hindi uso ang salitang “secret” at halos ipagkalat sa buong school na crush mo ang Star Player ng basketball, at may isang bigla bigla na lang hindi mamamansin kahit kelan niya gusto.

Napapangiti na lang ako pagnaalala ko ang mga moments namin ng mga kaibigan ko. Si Carol. Si Carol ang babaeng akala ko hindi ko magiging kaibigan. Si Carol kasi ang MAGANDA, MAYAMAN at PINAKAMAARTENG taong nakilala ko. Sabi nga nila, SIYA NA! kaya nga pag dumadaan nga si Carol sa corridor akala mo may artista. Well, ganon talaga siya kasikat sa school namin.

Next is Bea. Bea, the sidekick of Carol. Her confidante ika nga. Kung anong gawin ni Carol, ganon din si Bea. Pag nakapink si Carol ng bag, ganun din si Bea. Pareho sila ng istilo sa paglalakad, pagsasalita, pagkagat sa sandwich, pagpunas ng dumi sa mukha, pagsigaw pag may flying ipis sa classroom, pagkamot sa ulo pag hindi alam ang sagot sa tanong ng teacher namin sa Math, pagsabi ng “eeewww”  at marami pang iba. Mauubos lang siguro ang laway ko kung iisaisahin ko pa, basta yun na! Kaya nga kahit wala si Carol sa tambayan, pag andyan naman si Bea, parang andon na rin siya. 

And last but not the least….si Ana. Si Ana…….sino nga ba si Ana nung highschool?? Hmmm…bukod sa si Ana ay pamangkin ng ka-officemate ni Mama, si Ana din ang kaklase kong hindi ko maintindihan. Yes, hindi maintindihan, hindi siya pansinin, hindi siya pinaguusapan pero si Ana….si Ana ang kaklase kong hindi ko malilimutan.

“Ms. Mia Cruz, nasaan na naman ang name plate mo?” seryosong tanong ng first period teacher kong si Ms. Rodrigo. Teacher ko sa Science. Napakamot ako sa ulo. Oo nga pala…nung isang linggo pala ay nagsabi na siyang kailangan may name plate. Nakabisado na nga ni Ms. Rodrigo ang pangalan ko dahil ako ang laging walang name plate. Wala na akong maidahilan kay Ms. Rodrigo, lahat na yata kasi ng excuses ay nasabi ko na payagan niya lang akong pumasok sa klase niya ng walang name plate.

Hay….

Tumayo ako bitbit ang bag ko.

“San ka pupunta?” nakapameywang siya sa harap ko. Hindi ko man lingunin ang mga kaklase ko ay alam kong sila ang kinakabahan para sa akin. Mula pa kasi nung first year ay kilala na si Ms. Rodrigo sa pagiging strikto. Lagi ka niyang palalayasin sa klase niya pag wala ka nung mga bagay na pinagagawa niya.

REMEMBERING ANA (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon