Starter

85 1 0
                                    

Because when a relationship ends, there will always be two sides of the story..

 

 His side and her side.

--

"Bumalik ka pala?"

 

 

Ngumiti ako ng makita ko kung sino ang kasama ng medyo-so-called-bestfriend kong si Lester. Aba ano ito. Hindi ako informed, ah! Edi sana nagpaganda ako. LOL.

Joke! Ano ko ulol?

"Oo, ilang araw na din." nginitian niya ako saka ako tinignan na para bang pati kaluluwa ko, e gusto pa niyang makita. Problema ne'to? "Laki ng pinagbago natin, ah."

 

 

"Nako! Ang dami na ngang nagkakandarapa dito, e." hinitak ako ni Les saka ipinatong ang kamay niya sa ulo ko, "Sa ganda ba naman ni Kathryn, sinong hindi maglalaway dito?"

 

 

"Alam ko." sarkastiko akong ngumiti kay Les, "Sige ha, may date pa ko e."

 

 

"Ano nanamang kasalanan mo?" agad na tanong ni Lester, kilala niya ako at alam na alam niya kung ano ung mga ibig kong sabihin, syempre buddy ko yan! "Di ka na tumino."

 

 

Halatang naguguluhan si Daniel sa pinag-uusapan namin. Sus! Ano ba naman kasing alam niya? Eh, isang taon ko nga siyang di nakita e, kaya nga di ko naman inexpect na babalik pa pala siya. Hahaha. Ge. Sinesermonan ako ni Les.

Tinakpan ko bibig ni Les, di nananawa kakadaldal.

"Ingay mo! Una na ko, lagot na ko kay Torres, nabasag kasi 'ung bintana e. Hahaha! Galing nung classmate ko umiwas. Hayup!" tumingin ako ke Daniel, "Uy. Nice to see you! Bye!"

 

 

Mabilis pa ata kay Flash akong umalis, kakaway kaway pa ako habang tumatakbo. Ina! Bayarin nanaman po ito. Medyo close na nga kami ni SIr Torres dahil sa dalas kong mapatawag sa opisina niya at kadalasan pag lumalabas ako dun, wala na kong pera. Lol.

Nakangiti pa kong pumasok. Iiling-iling lang si Sir Torres, ang head ng college namin. Sakto! Walang ibang tao kundi kami lang. Mehehe. Iwas-pahiya na din. Umupo ako sa harap ng table niya, magsisimula na siyang mag-misa. Amen.

"Ano nanaman nangyari, Bernardo?" tanong niya, pinatutunog pa niya ung ballpen niya sa mesa, "Nakikita kita noon pa at hindi ka naman dating ganyan, may sumapi ba sa'yo at bigla ka na lang nagbago ng lifestyle mo? O may problema ka?"

 

 

"Sir, babayaran ko na lang ung damages. May klase pa kasi ako." sabi ko.

Madalas akong tanungin ng ganyan, iba iba lang ng phrase pero iisa lang pino-point, at madalas nililigaw ko lang din ang mga sagot ko sa kanya. Karapatan ko 'din naman yun dahil personal ko ng buhay ang itinatanong niya at wala akong balak i-share sa kanya 'yun.

"Sige na," dismayado ang mukha niya. "H'wag mo ng intindihin ung damages."

 

 

Ngumiti na lang ako at nagpasalamat, palabas na ako ng tawagin niya ako ulit.

"Kung may problema ka, Ms. Bernardo, pwede mo kong mapagkatiwalaan. Pwede mo kong gawing tatay mo dito sa university kung kailangan mo ng makakausap. Matagal ka ng pabalik-balik dito, at sa ilang beses na yun, ramdam ko na may kakaiba sa loob mo, na may dinadala ka diyan. Aantayin ko ung araw na lalapitan mo ako hindi dahil sa may kasalanan kang nagawa, kundi dahil handa ka na ulit magtiwala. You may go."

 

 

Ngumiti ako at lumabas ng office. Tumagos ung mga sinabi ni Sir, tagos hanggang sa mga buto ko. Dumerecho ako sa cr at nagkulong sa isang cubicle. Nagsimulang magbalik ang ilang ala-ala kasabay ng unti-unting pagbagsak ng mga luha.

Handa ka na ulit magtiwala..

 

 

Kailan ba ako magiging handa ulit na bumuo ng tiwala?

--

Revised version of The Heir's Dare :) Happy Reading!

His Side, Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon