Chapter twelve

11.9K 304 6
                                    

Kate Shea Pov

"Hoy ano ba akin na yan"

"Ako na una wag kang ano"

"Para kayong tanga pag kain pinag aawayan nyo"

"Ano ba plywood wag mo Kong hawakam"

"Arte mo bakla "

"Di tayo talo ano ba"

"Sus di talo pero hmmft--"

"Shut up"

Napanguso ako sa ingay ng mga kaibigan ni taylor at yung mga kaibigan ko.

Andito kami sa garden ng mansyon ni taylor.Sabado kasi ngayon kaya naisipan namin tumambay dito. Sakto din na walang pasok sa opisina si taylor or sinadya niyang hindi pumasok kaya kumpleto kami.

Nakilala ko din ang mga kaibigan nito mababait din naman ang mga ito sadyang loko loko yung iba.

Ito namang si taylor daig pa buntis mas natutulog pa siya kaysa sakin eh.

"Buntis may gusto ka bang kainin?" Tanong ni trance i prefer to call him trance than j.

"Wala  naman "sagot ko dito bago sumandal  sa puno .

Kaya ayon nag laro naman sila  kung ano ano para silang bata sa sobrang ligalig nila .

May bigla namang dumating na isang kasambahay.

"Maam Kate may nag hahanap po kay sir taylor"sabi nito.

"Sige po papasukin niyo nalang po sa Sala susunod kami"sagot ko dito.

"Sige po ma'am"sagot nito bago umalis .

Ginising ko naman  ang humihilik ma si taylor .

"Taylor"tawag ko dito at niyugyog.

Papungas pungas naman itong tumingin sakin.

"Why baby?"paos na tanong nito halatang galing sa tulog..

"May nag hahanap sayo pina pasok kona sa isang kasambahay "sabi ko Dito.

"Okay "sagot nito at tumayo  nilahad naman niya ang  kamay nya para alalayan ako tumayo

Papasok na kami ng mansyon ng malingunan ko silang lahat  naka sunod samin.

"Bakit kayo sumunod?"tanong ko sa kanila

"Gusto lang namin buntis"sagot ni trance

Napangiwi ako sa tawag nya sakin.

"Stop calling me  buntis"sagot ko dito . Baka kasi masanay sya kakatawag ng ganyan sakin eh. Pati sa school tawagin niya kong ganon nakakahiya kaya.

"Hahaha why naman ang cute nga ng endearment ko sayo"natatawang sabi nito.

Kaya napasimangot ako.

"Basta ang panget kasi sa pandinig lalo na  katulad mo"sagot ko dito.

"Boom basag bro" natatawang pang aasar ni hance

"Gago gusto upakan kita "asar  Na sabi ni trance.

"Hahahaha pikon ka talaga"sabi ni Seb kaya ayun nag rambulan silang Tatlo kaya iniwan namin sila.

Pag dating naming Sala kumunot noo ko ng may makita akong Babae na nakaupo sa sofa.

Apple cut ang buhok nito medyo petite siya  maganda at maputi , naka dress itong red Kaya lalong lumabas ang pag kaputi niya at bumagay ang suot niya sa kanya.

"Sino siya Bessy?"bulong na tanong sa akin ni klea.

"I don't know"sagot ko dito.

Nang mapalingon naman sa amin ang babae agad itong ngumiti saamin kaya lumabas ang pantay pantay na puting ngipin nito.

tumakbo naman ito palapit Kay taylor at niyakap ito.

"Waaah I miss you klinn "nakangiting sabi nito Kay taylor.

Kaya napasimangot maman ako at umiwas ng tingin .

Sa harap ko pa talaga mag lalandian.

"Sino naman yang espasol nayan at nakahawak sa hubby mo sissy "mataray na sabi ni bakla.

Pero hindi ko siya sinagot at tinignan lang ang dalawang nag lalandian sa harap ko.

Ito namang si taylor Hindi manlang umiwas bwisit talaga ang sarap nilang pag untugin.

Napakalandi akala ko pa naman hindi siya nalapit sa ibang babae yun pala Mali ako siguro iba iba ang mga babaeng kinakasama nito.

Kaya bumigat ang pakiramdam ko bago umiwas ng tingin sa kanila  masyado silang masakit sa mata .

Ang sarap nilang pag untogin promise.

~~~~~~~

Wahahahaha selos aler

Accidentally pregnant by campus king (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon