Remote Control

12 1 0
                                    

Nakikita kong naglalaro ng remote control ang mga kaklase ko. Ang larong ito ay kapag sinabi mong pause sa isang tao dapat kailangan nilang magpause at kapag iplaplay mo na sila ang sasabihin mo ay unpause. Lahat ay may karapatan na gawin ito sa iba't-iba naming kaklase. Naging way rin ito upang maging mas close kami sa isa't-isa. Katuwaan na rin.

Napansin kong lahat sila ginagawa ito at may remote silang hinahawakan.

Habang yung iba ay nasa labas, naiwan ang remote sa lamesa ng upuan ng isa kong kaklase kaya naman kinuha ko ito. Nagtataka kung kanino ko ito gagawin dahil halos ng mga kaklase ko ay naglalaro ng sipa sa labas.

Pero bago pa man iyon. Noong isang araw ay umamin ako sa gusto ko at ang kanyang sagot ay "sorry may gusto na akong iba" kaya ito si ateng nasaktan nanaman.

Saktong paghawak ko ng remote ay pumasok siya sa room kaya agad kong sinabing pause at siya'y napatigil. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon dahil nabigla rin ako sa sinabi ko.

Tinignan ko siya at ganoon rin siya. Nginitian ko siya habang nakapause siya. Gusto kong kunin ang opportunidad na sabihin sa kanya ulit ito sa personal.

Nginitian ko muna siya at nagbuntong hininga ng malalim at sabay sabing "Gustong-gusto talaga kita. Kung may pag-asa lang talaga ako gagawin ko lahat para mapasaya lang kita. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko dati. Gusto kong mapasakin ka kahit alam kong may iba ka nang gusto. Sobrang sakit lang kasi hinayaan lang kita at binitawan. Kailangan kong tanggapin lahat ng sakit para lang sumaya ka" sabi ko at nagsimulang nagsipatakan ang aking mga luha.

"K-kung pinagbigyan lang t-talaga kita dati" sabi ko at muli akong napatingin sa kanyang mga mata. Nakikita ko sa kanya na gusto niya talaga gumalaw pero hindi pwede.

"I love you so much" pasingit ko.

"UNPAUSE" sabi ko at ibinaba ang remote at patakbo akong umiiyak paalis sa classroom.

Remote Control (One Shot)Where stories live. Discover now