Chappie 86

3.5K 89 17
                                    

A/N: Happy new year! Salamat sa patuloy na pagmamahal sa story na 'to! At sa mga nagsisilabasan na silent readers, i love you very very much! Xiexie! =) God bless you all! Enjoy reading! 

___________________

Mabilis ang pangyayari. Nakipag-away si JC sakin. Buti na lang napigilan ng mga people ang nangyari. Sasabunutan pa sana ako ni miss bruhita. Buti si Tristan nahila ako palayo sakanya.

Nagkaskandalo nga eh.

Pero wala na akong pakialam sa kanya eh. Hindi ako galit, hindi ako naiinis. Wala. As in..ewan. Unti-unti kasi natanggap ko na na sakanya na si Tristan. Ayoko na siyang labanan pa.

Kaya wala na akong pakialam.

So yun nga. Buhay parin naman ako. No signs of scratches from her fingernails. Ang haba pa naman ng de-manicure niyang kuko. Pero ang cute nung nail art niya ha.

Anyway, that was yesterday naman. Today is another day. Pero buti talaga hindi ko pinatulan si bruhita. Pinagalitan kasi siya nung dean nila. Buti ako yung kawawa. I mean, buti ako yung victim. Weeeheee!

So ngayon nasan nga ba ako? Ewan ko rin. Pinapunta lang ako ni kuya sa mall. Wag na daw akong magtanong basta pumunta lang daw ako. So since ayoko munang mag-ayos ng sarili ko eh di heto, naglalakad papunta sa isang resto sa mall.

May lalaking nakatingin sakin at ang lapad ng ngiti. Kita na ang wrinkles niya sa mukha. One of the signs of aging.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya nang mahigpit.

“Papa!”

“Mas gumanda ka ata ah.” Kinurot niya ako sa mukha pero mahina lang.

“Syempre, galing ako sa genes mo eh.”

“Umorder na ako ng paborito mo.”

“Wala ka pong trabaho ngayon?”

“Wala. Nag-absent na ako para makita ka. Hindi kasi ako makakapanuod ng pageant mo mamayang gabi.”

“Ok lang yun, papa. Hindi naman yun importante eh. Ang shunga ko lang nyan mamaya.”

“Gusto parin kitang makita ngayon.”

“Magkasama na nga tayo ngayon, diba?” Dumating na yung pagkain namin. “Wow, yummy!”

“Paborito mo yan. Lahat ng paborito mo inorder ko. Pati yung dessert.”

“Salamat papa.” Niyakap ko ulit siya. Tumabi kasi ako sakanya sa upuan kahit na may space naman sa harap niyang upuan.

“Ikaw pa, malakas ka sakin eh.”

“Syempre, ako bunso eh. Haha.”

“Kumusta ka naman dito?” Oops, sasabihin ko kaya ang mga pangyayari sa buhay ko?

“Masaya naman po. Maraming mga nangyayari. Mga unexpected. Laging may thrill sa life.”

“Thrill? Tulad ng?”

“Pag-amin ni Tristan.”

“Hay sa wakas umamin din ang batang yun.” What???

“Hah? Alam mo?”

“Lalaki ako, anak. Alam ko ang kilos ng kapwa ko lalaki.”

“Bakit hindi mo man lang sinabi sakin??”

“Siya dapat magsabi sayo hindi ako.” Alam na nilang lahat tapos wala man lang nagsabi sakin. Kaasar lang ha!

“Wala rin namang mangyayari kahit sinabi pa niya. Too late.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon