Chapter 5

27 2 1
                                    

Grant P.O.V

Nandito kami ngayon sa sala ni mayari, maaga ko siyang tinawag kase may kailangan akong ipagawa sa kanya.

"Anong iyong kailangan mortal?" Mataray na tanong nito sakin. At tinaasan pako ng kilay.

"A-Ano kase mayari." Bakit ba ako kinakabahan. Pinakalma ko muna ang sarili ko at tiningnan ulit siya.

"My grandfather Vladimir, uuwi siya dito sa bahay ko, gusto ko sanang mag pangap ka bilang isang maid." Yun lang ang tanging paraan para hindi siya mapa alis dito. Yun lang.

"Anong iyong sinasabi?" Hindi niya ba ako naintindihan?

"Magiging katulong ka muna dito sa bahay pansamantala lang naman.hehe." Bakit ba hindi ako mapakali.

Tinitigan niya ako ng mabuti para sinusuri niya pa ako.

"Sinasabi mo bang gusto mo akong maging alipin ha mortal." May inis na sabi nito sabay tayo. P-Patay.

"Hindi naman sa ganun pe per~" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng titigan niya ako ng masama.

"Pumapayag ako." I don't why but ngumiti ako dahil sa sinabi niya.

"Sa isang kondisyon." Napalunok naman ako ng may sinunod pa siya.

"Turuan mo ako ng gawain ng mga tao at ng salitang English. Mortal." Sabi nito, yayakapin kona sana siya ng talikudan niya ako at umalis na. Attitude pshh!

Bukas na ang dating ni don vlad kailangan kong maturuan agad si mayari kung paano mag handa ng pag kain sa lamesa at ng kung ano ano pa.

Umakyat ako at naligo muna i have so many meetings today but i cancelled it para lang maturuan ang babaeng iyon.

Pag katapos na pagkatapos kong maligo ay bumaba na agad ako at pinuntahan si mayari nasa garden siya.

"Mayari!" Nagulat naman agad siya at tinitigan ako ng masama. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Hindi ba't gusto mo matuto ng mga gawain? Halika tuturuan kita." Sana pumayag.

"Siguraduhin mo mortal na maayos mo akong tuturuan." Aba't pi'nag bantaan pako. Pag ka sabi niya nun ay umalis na agad siya.

Aalis na sana ako ng may mahagip ang mata ko sa labas ng gate. There's someone standing infront of my gate. Lumakad ako papalapit sa gate para tingnan kung sino ito pero tatakbo agad itong umalis.

What was that!?

Hindi ko nalang iyon prinoblema baka naligaw lang.

"Ano ang ituturo mo sa akin mortal?" Tanong niya agad.

Tinuro ko naman ang mga niluto ko kaninang foods. Tumingin naman agad siya doon.

"Tayo ba'y kakaing muli?" Natawa naman ako sa sinabi niya, hindi siya matakaw.

"Pinag tatawanan mo na naman ako mortal!" Naiinis nitong sabi hahaha.

"Hindi mayari, tuturuan kita kung pano ilagay ng maayos ang mga pag kain sa lamesa." Sabi ko dito, tinitigan niya naman ako ng nagtataka.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo kanina na dadating ang grandfather ko siya ang una mong pag sisilbihan." Naka ngiti kong sabi sa kanya.

Tumango naman agad siya at agad lumapit sa mga pag kain.

"Kumuha ka ng tray mayari." Utos ko sa kanya na agad naman niyang ginawa. "Then ilagay mo yung dalawang plates diyan." Tiningnan ko kung paano niya gagawin ang sinabi ko. Napaisip naman ako mukang tama si yaya ada may amnesia si mayari.

MayariWhere stories live. Discover now