EPILOGUE

2.8M 56.4K 26.7K
                                    

EPILOGUE

PITONG BUWAN pagkatapos ng kasal ni Mhelanie at Iuhence, natagpuan ni Iuhence ang sarili sa loob ng delivery room kasama ang pinakamamahal niyang asawa. She was about to give birth to their child. Nanginginig ang buong katawan ni Iuhence habang tinitingnan ang asawa na nakahiga sa delivery room. At dahil kaibigan niya ang doctor na magpapa-anak sa asawa niya, hinayaan siyang sumama sa loob.

"Hayop ka, Iuhence!" Sigaw ng asawa niya habang nagli-labor ito. "Bakit mo ginawa sakin 'to?!"

Namutla siya at kinain ng takot ang buo niyang pagkatao. Natatarantang hinawakan niya ang kamay ng asawa at hinalik-halikan ang palad nito.

"Honey, I'm so sorry. I really am sorry," hingi niya ng tawad sa asawa na panay pa rin ang sigaw sa sobrang sakit. "Hindi ko naman kasi alam na ganito kasakit 'yon. Promise, hindi na kita bubuntisin."

Gusto niyang pagsusuntukin ang sarili niya dahil sa pasakit na pinaparanas niya ngayon sa kanyang pinakamamahal na asawa.

His wife shrieked in pain as she clutched her stomach.

"I hate you, Iuhence Vergara! I hate you! Bakit mo sa'kin ginawa 'to!"

Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha nito at hinalikan ito sa nuo. "Honey, hold on, okay. Promise, hindi na kita bubuntisin. And you couldn't possibly hate me. You love me, right?"

Tinapunan siya nito ng masamang tingin. "Letse ka! Letse! I hate you—Araaaaaay!

Magsasalita sana siya nang marinig niya ang doktora. "Kaunting ere pa misis. Malapit nang lumabas ang baby niyo."

"Narinig mo 'yon, honey? Malapit na. I-ire mo na 'yan," wika niya na pinapalakas ang loob ng asawa niya. "Para ka lang niyan nilalabasan kapag nagtatalik tayo, mahal—"

"Manahimik ka riyan! Hindi 'yon magkaparehas!" Puno na ng pawis ang buong katawan ng asawa niya. "Oh my God! Hindi na tayo magsi-sex kahit kailan, Iuhence!"

Napanganga siya. "A-Ano? Mahal naman e—"

"Aaaaaahhhhhhhhh!" Mhelanie cried out in pain. Lumapaypay ang katawan niya sa sobrang pagod. But when she heard a cry of a baby, biglang nawala and nararamdaman niyang pagod.

Nagkatinginan sila ng asawa niya at siya naman ay hinintay ang doktora na sabihin ang kasarian ng bata. Nagpa-ultrasound sila para tingnan kung healthy ang babies nila pero hindi nila tiningnan ang gender para surprise.

"Doktora?" sabi niya sa mahinang boses.

Ngumiti ang Doktora at nginitian siya at si Mhel. "It's a healthy baby girl," she informed them.

Hindi maipaliwanag ni Iuhence ang kasiyahang nararamdaman sa kaalamang paglabas niya sa delivery room ay tatay na siya. Sa wakas may tatawag na rin sa kaniyang daddy.

Ngumiti si Mhelanie na pawis na pawis. "Welcome to the world, our beloved Kisses Iunie Vergara."

Hindi niya napigilang halikan sa mga labi si Mhelanie. "Isa pa, mahal ko. Isang ere pa. Kaya mo yan."

Mhelanie smiled then she pushed and pushed until another cry filled the room.

"Wow," manghang sambit ng doktora. "It's another healthy baby girl."

Kahit nababalot pa ng dugo ang anak niya, kinanlong niya ito sa kanyang mga bisig at puno ng pagmamahal na tiningnan ang kambal ni Kisses. "Hello, this is your handsome daddy. Welcome to the world, beautiful Hersheys Iumhe Vergara."

PAGKALABAS nila ng delivery room, naroon ang mga magulang nila para salubungin sila. Ang mga ito muna ang nagbantay kay Mhelanie dahil uuwi siya sa bahay nila para maligo at para kunin ang mga gamit ng kambal nila.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon