CHAPTER 13

2.2M 40K 13.5K
                                    

CHAPTER 13

TAMA nga si Grace. Ang matatalim na mata ni Mhel ay pasimpleng nakatingin kay Nali. Makati talaga itong Nali na ito dahil palaging nakadikit kay Iuhence. Mula ng matapos mag-usap si Iuhence at ang ninong nito ay hindi na ni Nali nilayuan pa ang binata. Ang nakakatawa ay panay iwas ng binata rito.

Siya naman, para ipakita na naiinis siya, hindi siya lumapit kay Iuhence. Nagagalit siya! Nagseselos siya! Letse! Peste! Bakit ba kasi kailangan pa nilang mag-stay sa isla na 'to? Oh yeah, because Grace's father forced them to stay for meryenda.

"Huwag mo silang tingnan ng masama, Mhel. Lapitan mo nalang," anang boses ni Grace na nakaupo sa tabi niya.

Nasa balkonahe sila at nakatingin kay Iuhence at Nali na nasa dalamapasigan na parang nag-uusap.

Matalim ang mga mata na tumingin siya sa gawi nila Iuhence at Nali. Panay ang yapos ng haliparot na babae kay Iuhence at panay naman ang iwas ng binata pero kahit ganoon umakyat parin ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa sobrang selos.

Yeah. I should take Grace's advice.

She stood up with the intention of getting rid of Nali.

Umalis siya sa balkonahe at naglakad palapit sa mga ito. Nang makalapit kay Iuhence ay ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ng binata at hinila pababa ang leeg nito at siniil ng halik ang mga labi nito.

Iuhence moaned when their lips touched. Idinikit niya ang katawan niya sa katawan nito at naramdaman niya ang pagkalalaki nito na unti-unting nabubuhay dahil sa halikan nila.

Nang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya, she opened her eyes and smirked at Nali while Iuhence was still kissing and nipping her neck.

Nanlisik ang mga mata ni Nali. Matatalim ang mga mata nito habang nagpupuyos sa galit na nakatingin sa kanila nila ni Iuhence.

Hindi niya iniiwas ang tingin kay Nali, matapang nyang sinalubong ang mga mata nito.

Nakahinga siya ng maluwag ng nagmamartsa itong umalis.

Nang makalayo na sa kanila si Nali, bigla niyang itinulak palayo si Iuhence saka naglakad palayo rito.

"Hey! Mhelanie!" Sigaw ni Iuhence. "Stop!"

Tumigil siya at hinarap ito. "Ano?"

"Ano ba ang problema mo?" Naguguluhang tanong nito. "Hahalikan mo ako tapos itutulak palayo. And by the way, where were you? Care to explain?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "O, eh ano naman ngayon?" Sikmat niya. "Kanina ka pa nakikipaglampungan sa Nali na 'yon. Tapos ngayon magtatanong ka? Gusto mo kutusan kita? Letse! Magsama kayong dalawa!"

Halata ang gulat sa mukha ni Iuhence. "Ano ba ang sinasabi mo?" Gulong-gulo ang boses nito. "Hindi ako nakikipaglampungan sa kanya. Umiiwas nga ako e."

Nagtagis ang bagang niya saka tuluyan nang humarap kay Iuhence. "Anong pinagsasasabi ko? Oh, I don't know. Hanging out in Nali's room? Caught in an erotic position? Sleeping on the same fucking bed?" Matalim ang mga mata niya habang si Iuhence ay parang gulat. "Care to explain those?" Nang hindi ito makapagsalita sa sobrang gulat, inirapan niya ito at tinalikuran.

Ayaw niyang makausap ito.

Hanggang sa sumapit ang meryenda, wala pa rin siyang imik. Si Grace lang ang kinakausap niya. At kapag nahuhuli niyang matalim na nakakatingin sa kanya si Nali, matalim din ang mga mata na sinasalubong niya ang tingin nito.

Hanggang sa matapos ang meryenda ay hindi niya kinibo si Iuhece. Kahit nuong naglalakad na sila pabalik sa pinag-iwanan nito ng jet ski.

"Have a safe trip, Iuhence," wika ng ama ni Grace ng ihatid sila nito sa dalampasigan. "Kinagagalak din kitang makilala, Miss Mhelanie," anito ng bumaling sa kanya.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon