Kabanata 10

1.5K 55 0
                                    

Tyler



"Okay you can court me..." sabay iwas nito ng tingin. Napaawang ang mga labi ko sa sagot niya ilang saglit pa akong natulala sakanya bago nakabawi. Napangisi ako yesss!!!


" T-talaga Zandra? Natutuwa ngunit nauutal na sagot ko. Tumango lang ito at namumula hindi ko na napigilan ng hapitin ko siya papalapit sakin. Naramdaman ko namang tila natigilan ito kaya agad korin siyang pinakawalan.

"S-sorry masaya lang pasensya na" natutuwa pading sagot ko.

Ngumiti lang ito " it's okay you can hug me" sabay halakhak nito napatitig lang ako sa mukha niyang napaka ganda sa unang tingin mukha talaga siyang mataray pero yon ang nagustuhan ko sakanya dun ata ako nahulog....


Tumigil lang siya sa pag tawa ng mapansing nakatitig ako sakanya. Napaiwas ito ng tingin at mamula napangisi ako my baby is cute! Damn baby damn! Lusaw na lusaw ako kung Alam molang! Mababaliw ako sayo!



" ah it's getting late na let's go? " tawag pansin neto saken tumango lang ako at inakay sya pababa sa yate.


"I like it here " sabi niya pa.


" my friend own this place don't worry dadalhin ulit kita dito" i smiled to her. Bago ko siya pinag bukasan ng pinto.


" ayos lang ba kung sunduin kita araw araw? Kung papayag ka pati nadin ihatid pag uwi" napahawak ako sa batok. Nag isip pa ito bago sumagot.


" Hmm okay if that's what you want" napangiti ako. Yessss!











Pagka park ko sa labas ng bahay nila ay pinagbuksan ko siya agad ng pinto.


"Thanks for today" tugon niya.



" Thank you din have a goodnight sabay lapit sakanya para mahalikan siya sa pisnge naramdaman kong natigilan pa siya napangisi ako.


"Pumasok kana sa loob" ngiti ko tumango siya at pumasok na. Napabuntong hininga ako bago pumasok sa sasakyan at nagdrive pauwi na malaki parin ang ngiti sa mga labi.








"Mukhang masaya ka Kamusta date?" Tanong ng dalawa kong kapatid. Yun ang bumungad saken Pag pasok ko sa loob ng bahay.

Napangisi ako ng malaki " pumayag na siyang ligawan ko siya" nagkatinginan ang dalawa.

"Nice hindi kana pagong! Hahaha tumatawang sabi ni Jacez. Napailing lang ako.

" aakyat nako goodnight! Nilapitan kolang sila at hinalikan sa noo"

"Goodnight!!! " Sabay na sabi ng dalawa.







---


Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa mansion ng mga Mercado. Naabutan ako ng kasambahay sa labas kaya naman pinapasok niya ako.

Pag ka pasok ko ay nakita ko ang mag asawang Mercado na nag aagahan. Mukhang nagulat pa sa presensya ko

" Tyler Sandiego! Ang panganay na anak ng mga Sandiego" tila gulat na gulat na sambit ni mr.mercado

"Magandang umaga ho sir ma'am tugon ko inaya naman nila agad akong mag agahan na hindi kona tinanggihan. "Sinusundo kolang ho si Zandra "

" ida! Pakitawag si Zandra pakisabi nandito na si Tyler Sandiego at naghihintay nakakahiya sa bisita.

"Ah ayos lang ho ako ma'am " tumingin ako sa mag asawa na mukhang naguguluhan parin kung bakit nandito ako sa kanilang pamamahay kaya naman ipapaalam kona bilang pag respeto nadin sakanila na nililigawan ko ang anak nila.


"Ah ma'am sir mercado gusto kolang po sanang ipaalam sainyo na nililigawan ko ho ang inyong anak seryoso at may sinseridad na sabi ko" napaawang lang at mukhang gulat na gulat ang dalawa sa sinabi ko pero ang unang nakabawi ay si mr.mercado

"Seryoso kaba sa anak ko?" Seryoso at matiim na tanong ni mr.mercado

"O-oho at handa naman akong maghintay kay Zandra Ayawko lang din ho siyang i pressure, kung magiging kami man gusto ko may nararamdaman siya sakin" seryosong tugon ko sa mag asawa.

Namamangha namang napatingin sakin si mrs. Mercado na tila nasisiyahan sa sinasabi ko. Tumikhim si mr.mercado saka nag patuloy sa pag sa salita

"Ayawko lang din masaktan ang anak ko nag iisang anak ko siya. matalim itong tumingin sakin na sinalubong kolang ng tingin "pero sa pina pakita mo namang sinseridad saamin mukhang seryoso ka sa anak ko walang problema kung hindi mo siya lolokohin at sasaktan " nakangiting dagdag nito.

"Hindi ko ho magagawa sa anak niyo yon sir. Paghihirapan ko siyang kunin hindi ko kayang gawin na saktan siya makakaasa ho kayo saakin may isang salita ho ang mga Sandiego " napatango tango naman ito na tila nagustuhan lahat ng sinabiko.

Ngumiti ito "kung ganon walang problema!" Natutuwang sambit nito kaya napangiti nadin ako.

"Oho sir Salamat ho"

"Just call me tito and call my wife tita para hindi masyadong pormal. " ngumiti lang ako sa mag asawa.







Habang humihigop ng kape ay siya namang pagdating ni Zandra na mukhang nagulat pa na kasama ko ang mga magulang niyang mag agahan.


"Oh iha andito kana pala abay hindi mo naman sinabi samin na nililigawan ka pala ni tyler! " sambit ni mrs.mercado. Tila nagulat pa ito.

"A-ah tumikhim ito. Ayos lang po sainyo? Mommy dad."

"Oo naman hija! Aba walang problema maayos naman ang mga Sandiego. At mukhang seryoso naman sayo itong si Tyler!" Sabay tingin saakin ng kanyang ama.

"Oho seryoso naman po ako" sagot ko at tumingin sakanya na tila gulat pa sa lahat ng nangyayari.



"Sa panahon ngayon hindi na bago ang ganyang relasyon. Wala namang problema saken kung parehas kayong babae. Maayos naman tong si Tyler sa nakikita ko masipag at magaling sa negosyo! Kesa mapunta kasa kung sino sinong lalaki iha! Gusto ko siya para sayo" ngiting ngiti ang kaniyang ama sabay baling saakin.

"Ayos lang ba sa mga magulang mo ang anak ko? Matatanggap kaya nila sya? Hindi na masyadong kilala ang pamilya namin ngayon at pabagsak ang kompanya baka ayawan siya ng mga magulang mo dahil hindi na kami tulad ng dati. " mataman itong tumingin sakin. Napatikhim ako


"Hindi naman ho sila ang pipili ng mamahalin ko at wala silang magagawa hindi rin naman ho ako nagpapadikta dahil desisyon ko ito at paninindigan at mukhang ayos lang din ho sa mga magulang ko hindi ho sila tulad ng inaakala niyo maiintindihan ho nila" dagdag ko pa.

Napatango tango naman ito. "Kung ganon ay walang nagiging problema" nakangiting sambit nito.







Habang nag aagahan sa mansion ng mga Mercado ay tuloy tuloy lang ang aming naging kwentuhan.

Kinabahan ako don! Akalako hindi sila papayag pero nagkamali ako ng akala. Napangisi ako at napatingin Kay Zandra na nakiki pag usap sa mga magulang niya.

"Mauuna na ho kami tita tito maraming Salamat ho ulit sa agahan"

"Walang anuman bumalik kalang dito" nakangiting sambit ng mag asawa.





















"Let's go" sambit nito at pinag buksan ko siya ng pinto ng sasakyan.

"A-ah ayos lang ba sayo na nasabi ko sa mga magulang mo?" Tanong ko.


"Oo ayos lang okay naman kila dad" ngumiti lang ito ng maliit.



"Ah mamaya pala sasabay ako sa mga kaibigan ko sa break time. Sa lunch nalang tayo mag sabay" dugtong nito.




"Ayos lang " nakangiting sagot ko.

















Tahimik Lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa school.

Sandiego Series (1)Where stories live. Discover now