xiii

633 16 6
                                    

Suzy POV



"Min Ho?" tanong ko sa lalaking nakahawak sa braso ko. Sa totoo lang hindi ko gusto yung pagkakahawak niya sakin. Napansin ko naman na nakatingin samin sila Joy. Agad kong inalis yung pagkakahawak sakin ni Min Ho at dali dali akong pumunta kay Roje.


Hinawakan ko siya sa kamay at dire-diretso na lumabas. Sakto ay nakita ko si Irene na mukhang kadarating lang. Kasama siya ni Lisa. Pagkadating namin sa sasakyan ay walang nagsasalita. Tinignan ko siya. Nakita ko na nakatulala lang siya sa labas at hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at inurong ko yung upuan niya at pumatong ako sakanya.


"B-baby..." mahina niyang sabi pero hindi pa rin siya lumilingon sakin. Nilagay ko yung kamay ko sa pisngi niya at hinarap ko siya sakin.


"Pakasal na tayo." seryosong sabi ko sakanya at gulat naman siyang napatingin sakin.


"Hindi mo naman kailangan gawin to dahil nan-"


"Seryoso ko. Sayo lang ako. Ikaw lang gusto ko." seryosong sabi ko sakanya at nakita ko na ngumiti na siya at inayos yung pagkakaupo ko sa harapan niya.


"Naniniwala ako sayo." sabi niya ng nakangiti sakin. Nagulat naman ako ng bigla niya kong yakapin ng mahigpit.


"Hindi ko lang maiwasan na matakot. Syempre sino ba naman  ako di"


"Don't" 


"Hmm"


"Anong sino ka ba naman? Huwag mo nga sabihin yan. Nasasaktan ako. Syempre ikaw yan. Yung taong mahal ko, yung taong magiging mommy/daddy ng mga babies ko." nahihiyang sabi ko sakanya.


"Wow! Para kang si Irene Unnie ha? Ikaw ha!" natatawa niyang sabi sakin at inis na tinignan ko naman siya.


"Alangan si Joy maging asawa mo diba?!" inis na sabi ko sakanya at seryoso naman siyang napatingin sakin.


"Leche! re-rebut ka pa ha? basta, hindi kita babawalan sakanya. Pero alamin mo limit mo. Kung ayaw mo na hindi kita papasukin sa condo ng 1buwan." inis na sabi ko sakanya at lalo naman siyang natawa.


"Friend lang kami nun ano ka ba" sabi niya at nag nod na lang ako. Ayoko na pahabain. Naaala ko, siya nga pala si Chaeng na walang malay.


"Okay, sige." sabay titig ko sakanya. Akitin ko kaya to? hmmm


"Hoy Suzy! di porket mas matanda ka sakin ha! alam ko yang nasa utak mo, balik ka na dun sa upuan mo dali!" inis na sabi niya sakin. at nag pout naman ako. Wala pa nga eh!


"Napaka mo naman Roje! Wala pa nga eh! Masyado ka!" natatawang sabi ko, pero di ko siya sinunod at umupo pa rin ako sakanya.


"Bawal, sabi ni Lord kasal daw muna bago make love" sabi niya at napatawa naman tuloy ako ng malakas.

Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now