Chapter Seventeen

80.3K 1.9K 147
                                    

I need you.

Every girl would fall for that. With Stephen's husky voice and a hint of desperation in his tone, it sounded so romantic. The pained and tortured look in his eyes, the longing look in his face... It was enough to make a girl who wore her heart in her sleeves throw every caution in the air and help this poor and lonely vampire find happiness, find that one love that would help him heal.

I used to wear my heart on my sleeves. Aminado akong hopeless romantic ako. At alam ko, sa kaunting matatamis na salita lamang ay bibigay na ako agad.

But I was not that same girl anymore. No. Nagbago na ako. Marami ng nagbago sa akin simula noong napagtanto kong madali lang pala ako lokohin at kontrolin ng mga taong minahal ko dahil sa aking pagiging mahina.

Tama na ang dalawang beses na panloloko sa akin—ang una ay ang paglilihim ni Carl, ang pangalawa ay ang mga panlilinlang ni Stephen sa akin.

Itinulak ko si Stephen palayo sa akin. "No."

"What did you just say?"

"I said no! Hindi ako sasama sa 'yo!"

Biglang nagdilim ang kanyang mukha na animo'y sasabog ito dahil sa galit dala ng aking pagsuway sa kanyang kagustuhan. Hinawakan niyang muli ang aking braso, at sa sobrang higpit ng kaniyang pagkakahawak ay napadaing ako sa sakit. "Tandaan mong hawak ko ang kaligtasan ng iyong pamilya, Elizabeth."

"How typical," I spat. "Kung hindi mo kami madaan sa matatamis mong mga salita, idadaan mo ang lahat sa dahas?"

"Huwag mo 'kong susubukan, Elizabeth. Hindi lang ito ang kaya kong gawin."

Alam ko iyon. Alam kong marami siyang kayang gawin. Nagawa nga niyang paikutin sa kanyang mga palad ang buhay ng karamihan sa amin, kayang-kaya niya rin gawin ang kahit na ano—kaya niyang kitilin ang aming mga buhay.

Ito ba talaga ang lalaking natutunan kong mahalin? Itong lalaki na alam kung papaano kami kontrolin sa kanyang mga kamay? He used his dark and sensual charm to draw females to him, like how a Venus fly trap attract insects, which uses its deceptive beauty to lure unsuspecting meal in its trap.

At kung hindi niya makuha ang kanyang nais gamit ang kanyang charisma, saka niya gagamitin ang kanyang lakas at kapangyarihan bilang bampira.

This was the kind of man I fell in love with. And I was starting to regret the feeling.

"Do not forget you belong to me, Elizabeth," bulong pa niya sa akin.

I belonged to him. Para sa kanya isa lamang akong ari-arian niya, isang laruang itatapon din at isasantabi kapag nagsawa na. Wala akong puwang sa puso nito—kung may natitira pa siyang puso.

"Papaano ko ito makakalimutan?" ang sagot ko sa kanya. "Araw-araw mong ipinapaalala sa akin ang bagay na iyan."

"That's because you are mine."

"Oo! Ikaw na ang nagmamay-ari sa akin! At sampu ng mga kababaihang nasa ilalim ng iyong kontrata! Diring-diri ako sa sarili ko! Matapos mong makipaglampungan sa mga babae mo, gusto mo naman akong i-kama? Oh God! You still smell the aftermath of sex with that—that woman!"

"Hindi ba pinalaya ko na nga ang ibang mga babae sa pamamahay ko?"

"At papaano mo ipapaliwanag ang mga nakita ko kanina? Papaano mo ipapaliwanag sa akin ang tungkol kay Diana? Bigla mong naisip na hindi ka pala kuntento sa isa at kailangan mo pa ng iba?"

"Elizabeth, you have to understand. There are your ways, and there are the vampires' way of life. Ito ang aming nakaugalian, ang aming nakasanayan."

MINEWhere stories live. Discover now