3

1.6K 61 0
                                    

"nagawa mo yung project?" Nakaupo kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria habang ako ay umiinom ng shake,lunes nanaman kaya back to school muli.

napangisi ako kay lizel habang kita kong problemado sila pero ako ay chill lang dahil na pass kona ang sinasabi nilang project,na alam ko ay yun ang binigay sakin ni damon.

"hindi,ikaw atasha?" Napatingin ako sa kanila,habang uminom.muli ng shake.

"of course" kita ko ang gulat sa muka nila habang nakatingin sakin.

"what?" Gulat na sabi nila,natapatawa ako habang napatingin ako kay damon na nasa isang sulok kumakain ng sandwich.napatingin siya sakin habang ngumiti.ngumiti ako habang kumaway sa kaniya.

sinundan nila tina ang kamay ko habang napasinghap silang napatingin kay damon.

"oh my god,G! Si damon ang gumawa sayo non?" Sabi nila habang kinindatan ko sila.

"yep!tapos na din ako sa notes ko." Masayang sabi ko sa kanila,napasinghap sila habang hindi makapaniwala.

"And guess what,atasha.mukang mataas ang grades mo ngayon" sab ni tina kaya napatango ako.

"yep" sabi ko habang napadako ang tingin ko kay damon,nakita kong pinagtritripan siya nila colton kaya napatayo ako.

"oh oh!!trouble!" Sabi ng ilan habang napatingin ako kay colton na hinawi ang kinakain ni damon.

dinig ko ang bulungan nila habang nakikitsismis.

"pwesto namin yan!" DInig kong sabi ni colton habang pinapaalis si damon.

tumayo ako habang lumapit sa kanila,hinila ko ang kamay ni colton habang tiningnan siya,gulat siyang napatingin sakin habang yung mga kasama din niya.

"atasha.." sabi niya kaya humalukipkip ako sa kanila.

"si damon ang nauna dito,hindi kayo humanap ka kung san ka mauupo.." kita ko ang ngisi sa labi niya habang tiningnan si damon na nakatayo sa likod ko.

"night in shinning armor kana ngayon atasha.." sabi niya habang tinabanan ako sa braso pero hinawi ko yon.

"pasalamat ka mahal kita.." sabi niya habang kumindat sakin,napairap ako habang umalis sila sa harap ko,tumingin pa siya kay damon habang umalis na sila.

dinig ko ang bulungan ng ilan pero hindi kona pinansin yon.

"atasha!" Tawag nila lizel sakin kaya napatingin ako sa kanila.

"are you okay?" Tanong ko kay damon,napayuko siya habang napatango.

"o-oo"nahihiyang sabi niya,kinuha ko ang kamay niya habang pinaupo sa table kung saan kami naka pwesto.pinagbubulungan kami habang kita ko ang tingin nila sakin.

'gosh,nakikipag kaibigan siya kay damon' dinig kong bulong nila.

'matalino si damon baka ginagamit lang niya si damon,para tumaas ang grade niya' sabi pa ng iba kaya napakuyom ako ng kamay.

'dude,abangan natin si damon mamaya sa gate' dinig kong sabi ng ilan.

napatingin ako kila colton habang napangisi silang napatingin samin.

"dito kana maupo" sabi ko kay damon,kaya napatango siya..

Kita ko ang tingin nila lizel at tina kaya napatikhim ako nagkibit balikat nalang sila habang ako ay tinuloy ko ang pag kain ko.

"gusto mo?" Tanong ni damon habang binigay sakin ang sandwich niyang isa.

"Ginawa ni mommy,para daw sayo.." sabi niya kaya napahinga ako ng malalim..konting tiis atasha malapit mo ng makuha ng card mo.

HE IS THE MAFIA BOSS(mafia Series#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon