chapter 1

4 0 0
                                    

Si Camille Flores, 27 years old isang office staff sa recruitment agency walang love life boring ang buhay.

"Good morning, cams" bati ni Nikki na ka work nya.

"Morning" tipid nyang sagot

"Uy, lapit na birthday mo ah. San tayo?" Pabirong tanong ni Nikki

"Sa bahay magluluto ako" sagot ni Camille habang nag tatype sa pc

"Nanaman alam mo ikaw kaya ka walang love life puro ka office, bahay, o kaya naman sa church"

"At ikaw mag trabaho kana dahil marami kapang iencode"

"Yes madam"

Eto talagang si Nikki ako naman ang nakita ano naman masama kung nbsb pa rin ako. Minsan iniisip ko talaga panget ba ko? Bakit walang nanliligaw sa akin may mali ba sa akin? Gusto naman talaga eh, kaya lang wala talagang magkamali. Isang araw niyaya ako ni ate sa isang wedding ayaw ko sanang sumama dahil hindi ko naman kilala yung friend nyang ikakasal.

"Cams, okay ka lang?" Tanong sa akin ni ate habang pinapanood namin ang bagong kasal na sumasayaw na ngayon nasa reception na kasi kami.

"Yeah ilang taon na ba yan te yung friend mo?" Ang friend nyang si girl ang tinutukoy ko.

"Si Lian nasa 35 na yan yung guy naman 36, bakit mo na tanong?

"Wala naman ang bata pa nya kasi tingnan parang nasa 20's lang"

"Alam mo bang first and last nila ang isa't isa"

"Really?" Na shock naman ako haha.

It's 8 pm na at unti unti na din umaalis ang mga bisita lumabas muna ako ng restaurant kung saan ginanap ang reception. Ang tagal naman ni Ate Via.

"Ang daming stars noh?"

Nagulat ako sa lalaking tumabi sa akin at biglang nagsalita.

"Alam mo mamaya pa lalabas yung ate mo napasarap pa sa kwentuhan sa loob eh" Nagsalita ulit sya ng hindi naka tingin sa akin.

"Excuse me ako ba ang kinakausap mo? Turo ko sa aking sarili

"Hindi ba halata tayo lang naman ang tao dito" pilosopo nyang sabi

"Hah sorry ah hindi ko po kasi alam eh" taray kong sagot

"Lucas nga pala" sabay lahad ng kanyang palad habang naka smile sa akin.

Hindi ako sumagot tumigin lang ako sa kanya. Binawi naman nya ang kanyang kamay. Lumabas na din sa wakas si ate.

"Buti naman lumabas kana, tara uwi na tayo"

"Inip kana noh?"

"Oh lucas nandito ka pala?"

"Oo sinamahan ko yang kapatid mo" sabi ni lucas na naka ngisi.

"Kaya lang parang suplada eh" naka ngiti naman nyang dugtong.

"Ganyan talaga yan, gusto na kasi talaga atang umuwi haha"

Ano naman nakakatawa dun sa talagang hindi ako nakikipag usap sa hindi ko kilala at talagang gusto ko ng umuwi dahil inaantok na ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paano Ba MagmahalWhere stories live. Discover now