Chapter 11 : Fooled

880 20 0
                                    

A/N : If you don't like Girl×Girl.. don't read this. Read other stories ok?
 
 
SHINE'S POV
 
 
After 3 months.. I still can't tell her the truth. Every day mas magiging sweet sya, tinatanong ren kung kailan ako pwede liwagan.

 
 
I really need to tell this to her pero naaawa ako, baka mag bago sya or saktan nya sarili nya.

 
"Nick, I need to tell you something. Meet me at the Coffee Shop at 6pm. ", chat ko sakanya.

 
Deep Breath Shine.. Kaya mo yan.

 
"Okayyyy! ", reply nya agad.

 
I'm so sorry Nick..

 

NICK'S POV
 
 
 
*paking!! *

Tunog ng Messenger ko palatandaan ko na may nag chat, kaya naman nilabas ko phone ko mula sa bulsa ko at tinignan iyon.

 
Chat galing kay Shine!
 
 
"Nick, I need to tell you something. Meet me at the Coffee Shop at 6pm. "
 

Ohh..? Ano kaya sasabihin nya.. Hmm..
Baka sasabihin nya na pwede ko na syang ligawan! Hehe!!
 
 
"Okayyyy! ", reply ko at sinend iyon habang may ngiti sa labi.

 
Pagkatapos madismiss ay bumalik nako sa Dorm. Wala pa si Shaira kaya naligo muna ako saka ako nag ayos at nag palit.

"San punta mo? ", nagulat ako ng biglang may mag salita.

"Ahh.. meet daw kami ni Shine. "

"Yiiii after ilang months and nakalipas, sweet paren kayo hehe. "

"HAHAHAHA! Yes namannn! Oh sya sige, bye naaa una nako! ", masayang paalam ko.

"Sige mag ingat ka! ", sabi nya rin at dali daling sumakay sa sasakyan ko.
 
 
 
I'm here.. Sa lugar kung saan una kaming naka pag bonding.

Nakita ko ulit syang naka tayo sa same spot kung saan una kaming pumunta dito.

 
"Hello Shine! ", bati ko dito.

"Hi. ", tipid na sagot nya at pumasok na sa Coffe Shop.
 
 
Bat ang cold..
  
 
Umorder na sya ng maiinom nya habang ako ay nag hintay lang. Wala ako sa mood uminom ng kape ngayon..

 
"Sooooo ano yung sasabihin mo Shine? "

"Sorry Nick.. I'm so sorry. ", sabi nya at yumuko.

"Why? "

"I.. I don't really like you.. Triny ko lang kung anong feeling ng may magmamahal sayo at mamahalin mo ren pabalik. ", napatitig ako sa mga mata nya.

"What.. ", usal ko.

"Yes Nick, maganda ka mahalin.. you're caring, sweet, funny.. But i can't pretend anymore, and also mapapagalitan ako kapag malalaman ng Parents ko. "

"Okay.. ", speechless ako..

"I also need to focus on studies, even you.. lalo na't sinabi mo noon na last year nyo na next year.. It's your 4th year right? "

"Yes. "

"So yun lang sasabihin mo? ", tanong nya sakin.

"And? What do you expect me to say? ", I said coldly.

"Wala manlang thank you jan or sorry? "

 
Wow.. kapal ng mukhaaaa! Sya nanga tong nag sinungaling saakin sya pa may ganang mag salita ng ganto. Ay takte ka Shine kapag wala lang tayong pinagsamahan makakaltukan kita!
 
 
"Thank you, Bye. ", sabi ko at tumayo na.
 
 
After how many months of sweetness.. i didn't know na ganto lang pala ang mangyayari. I'm fooled. I shouldn't believed on what she said months ago.
 
 
Iniwan ko sya sa Coffee shop na iyon at pumunta sa pinakamalapit na bar.
 
 
Papasok na sana ako ng tumawag si Shaira.
 
 
Takte..
 
 
Kaya naman bumalik ako at sumakay nako sa sasakyan ko saka ko sinagot ang tawag.

"Ohhhh!! Musta naaa?? Kayo nabaaa?! ", tanong nya.

"No.. ", sagot ko at pinatay ang tawag.

Bumalik na ako sa dorm.

"Ohhhh!! Andito kana pala! Anong ibig sabihin mo kanina na "No" sa tawag? Binusted ka? ", sabi nya ngunit nilampasan ko lang sya.

"Aba?! Ganun nalang Nick?! Aba'y di na namamansinnnn! ", ring kong sigaw nya.

Dmiretso nako sa kama ko at pinikit ang mata.

Tumabi naman sya at pinipindot pindot ang pisnge ko, saka ko lang naalala na hanggang ngayon ay magkatabi paren ang kama namin.

"Hayyy okay lang yannn, marami pang iba jan.. ", sabi nya.
 
 
Kabisado nako neto eh.. Alam na nya kung naloko o naiwan ule ako..
 
 
"Ayoko na.. ", sabi ko at pinaupo ako saka ako niyakap. Napahagulgol naman ako sa iyak.

"Shhhh, tama na.. ", pag papatahan nya sakin.
 
 
Pinikit ko ang mata ko at isa isa namang nag flashback lahat ng mga bonding namin ni Shine. And it's slowly killing me..
 

It's Torturing Me..
 
Those words that she said to me..
 
Those promises..

 
I'm starting to feel comfortable at Shaira's hug kaya naman hinigpitan ko pa ang pagkayakap sakanya hanggang sa makatulog nalang ako.
 
 
 
SHAIRA'S POV
 
 
Shuta ano nang ginagawa netong babaitang to? Nangawit na ang aking katawan dahil nakasandal na sya saakin, medyo mabigat pa naman to..
 
 
Isang oras na ata itong nakayakap sakin, bat di na gumagalaw?
 
 
"Hooooiii! Nicholas! Buhay kapa ba?? ", tanong ko ngunit di sya sumasagot.
 
  
Dahan dahan akong yumuko para ipahiga sya sa kama nya.
 
 
Ay putang- Tulog na pala..
 
 
Kinumutan ko sya saka pinatay ang ilaw at nahiga naren sa tabi nya.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang sya'y mahimbing na natutulog.
 
 
Kay gandang nilalang to, sayang.. Swerte nalang ng mapapangasawa nya..
 
 
Sana makahanap sya ng magmamahal sakanya at mag aalaga sakanya ng todo, yung di sya iiwan kahit anong mangyayari..
 
 
Gusto kong makita ang permanenteng ngiti sa kanyang nga labi. Ang ganda at cute pa naman sya sa tuwing ngingiti sya.

 
Napapikit ako ng bigla nang gumalaw sya, dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakatalikod na sya saakin.
 
 
Ano ba yannnn!
 
 
Napapikit naren ako at natulog na.

 
 
NICK'S POV
 
 
"HAHAHA!! YOU'RE FOOLED, B*TCH!! ", sigaw saakin ng isa sa mga naka palibot saakin.
 
 
Pinagtatawanan ako ng mga nakapalibot saakin na maraming tao.
 
 
Anong nangyayari?
   
 
"Ahhhh! Naloko! HAHAHAHA!! "
 
Yung iba naman ay naka turo pa saakin habang tumatawa.
 
 
Ayoko kapag tinatawanan ako ng ganto..
 
 
Habang patagal ng patagal ay palakas nang palakas ang mga tawa nila kaya napa sigaw ako.

 
Bigla akong nagising at napaupo. Madilim pa ang paligid kaya chineck ko ang oras.
 
 
2:07 am
 
 
Madaling araw pa kaya napatingin ako kay Shaira.
 
 
Ang alam ko naka yakap ako sakanya kanina eh.. bat naka higa na ako- Opp! N-Nakatulog ako habang kayakap sya?! Halaaaaaaa!
 
 
Nahiga nalang ulit ako at pinilit na matulog ulit.
 

A/N : THANK YOU FOR READINGGGG! DON'T FORGET TO VOTEEEE! (Happy 100 readers sa Prologue HAHAHAHA)

Torture (G×G) Where stories live. Discover now