4* Bestfriend

180 6 0
                                    

"Boo, long time no see. Sophomore pa tayo nung last na nagkita tayo. Bat ka pa kasi kailangang lumipat e. Pero atleast ngayon, nandito kana." Tuwang-tuwa at tuloy-tuloy kong sabi sa kanya.

Pagkatapos ng pagkikita namin kanina ay tinuloy namin ang naudlot kong pag-aadventure sa paligid ng school.

"Hanggang ngayon Boo pa rin tawag mo sa'kin? Para ka talagang bata." Nakanguso niyang sabi sa'kin.

"Ehh. Ang arte mo porket mas matangkad ka na sakin. Pabebe ka rin eh noh?"

"Shempre joke lang ito.Eto naman si Bee, hindi mabiro. Ikaw lang ang nag-iisang Bubuyog ng buhay ko." Nakakaasar lang kasi halatang natatawa siya pero pinipigilan niya lang.

"Tse." At saka ko siya inirapan ng bongga.

"Pero maiba ako. Dalawang taon din tayong magbestfriend pero hindi ko man lang nalaman na ang ibig sabihin ng middle name mong M at Montgomery."

"Eh hindi ka naman nagtatanong e."

"Oo nga noh?Half-filipino, half-chinese ka nga pala. Ngayon ko lang naisip."

"Ang slow mo kasi e. Kung hindi pa ko lumipat ng ibang school, hindi ka pa magiging Valedictorian." Pagmamayabang niya. Siguro talaga nung nagsabog ng kayabangan sa mundo feel na feel naming lumabas.

"Asaness ka naman tsong. Kaya ka lang naman naging valedictorian noon dahil pinagbigyan kita. Kakaawa ka kaya." Papatalo ba ko?

"Whatever madaldal na bubuyog. Mas angat pa rin ako sayo."

"Kung totoo iyan, bakit nasa Special section ako at ikaw wala?"

"Hah. Magpakasaya ka na. Tapos na ang maliligayang araw mo dahil ililipat na nila ako dun."

"Pwede ba iyon? Eh hindi niyo naman na-retain yung apelyido?"

"Eh bakit si Vera, nakapunta doon? So ibig sabihin, ako rin puwede." And then it hit me.

"W-whaaat? Don't tell me isa kang pathologist?!" This can't be. Bakit? Wala lang kasi pag nagkataon baka mamatay ako sa inggit e.

"Hanggang ngayon gusto mo pa rin? Iba ka talaga e noh. Yung ibang babae takot na takot sa patay ikaw naman obsess na obsess."

"Ewan ko ba. Basta sobrang nakaka-excite makakita ng patay e. Lalo na kapag yung part na pagaaralan mo yung bangkay at ia-autopsy, aalamin kung anong sakit saka anong sanhi ng pagkamatay. Diba ang galing?!"

"Ano ka ba? Hindi ganon kadali iyon."

"Alam ko. Kaya nga nag-aaral diba?" Pagpupursige ko.

"Okay. Goodluck na lang." Tingnan mo to. Ang yabang talaga.

"Nako. Tara na, ihatid mo na 'ko sa dorm. Inaantok na ako."

Naglakad na kami papuntang dorm at maya-maya lang ay nakarating kami.

"Bye Min. Salamat."

"Anong salamat? May bayad iyan noh." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Kahit ano. Basta ikaw." Hah. Kala mo ah. Hindi po tayo classmate kaya hindi tayo magkikita. Saka ang laki laki ng institute e. Malabong magkita kami.

"Bigyan mo ng chance si Kevin."

"Bakit naman napasok si Kevin sa usapan at para saan? Anong chance?Saka paano kung hindi tayo magkita bukas?" Dahil hindi talaga. Harhar.

"Edi wala. At alam mo kung anong ibig kong sabihin."

"Eh,ok.Susubukan ko.Bakit ba?" Hindi yun madali ah. Pero okay lang. Pagtataguan ko na lang siya bukas.

Wistful Her [On-hold]Where stories live. Discover now