#Seenzoned (One Shot)

169 5 5
                                    

Author's Note:

This story was written when Im so miserable and vulnerable, but one thing for sure, Im no longer that girl, because I was fully moved on :)

#Seenzoned (One Shot)

By: Yumitchiestar

Seenzoned – ito yung kapag nagmessage ka sa facebook account nya, pero walang reply kahit nakita naman niya. Ang nakalagay lang eh, “seen”. Pero alam mo ung masakit dito, minsan ung mga mahahalagang message pa ung nase’seen. Yung mga message na sobrang hinihintay mo na magkaroon ng kasagutan, yun pa ung sini”seen”.

Ang seenzoned ay parang isang one sided love. Kung sino ung mas nagmamahal siya ung mas nasasaktan, parang sa seenzoned, kung sino ung mas nagbibigay ng halaga, siya ung nababalewala. Nagtapat ka na ng nararamdaman sa kanya sa pamamagitan ng isang message sa facebook account pero wala pa rin siyang paki. Nakita niya pero binalewala lang niya. Saklap di ba? Nakakatanga din. Anong gagawin mo kung mangyari sayo un? Maghihintay ka pa rin ba na magreply siya o ititigil mo na lang at tatanggapin na wala ka talagang halaga sa kanya?

************************************************

Halos dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng makipag break si Em-em sa kanyang ex, pero walang araw na lumipas na hindi niya ito namimiss at pinagsisisihan niya ung araw na nakipaghiwalay siya. Ang dami ng nangyari sa kanila pero mahal pa rin niya. Na’friendship over na siya, nagalit at nabitter pero sa kabila ng lahat ng un, mahal niya pa rin ung taong un. Sa paglipas ng mga araw, mas lalo niyang minamahal ung nag iisang taong nagpatibok muli ng puso niya, kaso hindi na sa kanya ung taong un eh. Pakiramdam niya pa, meron ng bagong minamahal ung taong dating pagmamay-ari niya. He’s so close but seems so far away. Parang may isang napakalaking pader ang nasa pagitan nila. Hindi na niya alam ung mga nangyayari sa buhay nung taong mahalaga sa buhay niya. Alam niyang nag iisa lang ung taong un na umalis sa buhay niya pero pakiramdam niya sobrang incomplete ung buhay niya kapag wala ung taong un. Nasa kanya naman na ang lahat. Mayron siyang pamilya at mga kaibigan na maaasahan at masasandalan pero pakiramdam niya meron pa ring kulang sa buhay niya.

Nabulabog ang pag-iisip ni Em-em ng biglang mag-ring ang cellphone niya.

“Em-em asan ka?” tanong ni Zette, ang matalik na kaibigan ni Em-em. Si Zette ang saksi sa lahat ng hirap at problema na pinagdadaanan ni Em-em.

“Dito sa Blabla Resto” sagot ni Em-em.

“Umiinom ka na naman ba?” sabi ni Zette na halatang nag-aalala para sa kaibigan.

“Hehehe medyo lang. Pampakalma at pampatulog lang be. Wag ka mag-alala makakauwi ako.”  paninigurado ni Em-em kay Zette upang hindi na ito mag-alala pa sa kanya.

“Sure ka be ha? Siguraduhin mo lang. Magtext ka pag nakauwi ka na ha” kalmadong sagot ni Zette.

“Sige be” sagot ni Em-em at ibinaba na niya ang cellphone.

Balik na naman sa alak. Alak na lang kasi ang takbuhan ni Em-em kapag hindi na siya makahinga sa mga nangyayari sa buhay niya. Bakas sa kanyang mukha ang stress at pagod na nararamdaman niya. Ang alak na lang ang nagsisilbing oxygen ni Em-em para kahit papaano ay maramdaman niya pang buhay at humihinga pa siya. At higit sa lahat, umiinom siya ng alak dahil namimiss na niya ang ex niya. Madalas kasing pinagbabawalan siya ng ex niya na uminom, ngunit ngayon wala ng magbabawal sa kanya. Imbis na maging masaya siya, mas lalo siyang nalulungkot.

#SeenZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon