Back Ride With You *One-Shot*

185 10 4
                                    

a/n: another story na nagawa ko nung mga panahong sumasakay ako sa likuran ng tricycle para pumasok sa school. XDD bigla ko lang siyang naisip kasi bigla kong naalala yung crush ko. XD hang over kasi ako sa isang event nung maisip ko bigla itong kwentong ito. so here goes... :">

---

"O Isa na lang, aandar na..." sigaw ni manong driver sa may terminal ng tricycle.

"Ako po..." sabay lapit kay manong.

"Sa likod." maikli niyang sabi

"Eh pano po yun? Naka-palda po ako..." tanong ko. Naka-uniform kasi ako. Papasok na kasi ako sa school.

 

"Eh hayaan mo na."

Ay! Manong nakatulong ka sobra!

Bago ako sumakay sa may likuran ng tricycle ni Manong, tinignan ko muna yung mga nakasakay sa loob ng tricycle. Nag-iisip kung may papansin sa pagpapa-cute ko para sila na yung sumakay sa likod at hindi na ako.

Wala man lang gentleman. Aynako~ mundo nga naman ngayon... Aish~

Paangkas na ako nun, tapos...

"Ako na dyan, doon ka na sa loob..."

 

---

<A month ago>

@pc_boy129311 hello kuya! ang galing mong tumugtog ng gitara kanina! The best! IDOL! :">

Uwaaa~ minention ko siya for the first time sa twitter... Sana magreply siya!!!

 

@smash_gurl26 salamat po ng marami! :)

 

Shemay! Nagreply siya... OMG! OMG! OMG! Mamamatay na ako sa sobrang kilig... ^//////////////////////////^

 

---

<Present>

"Hoy! Aicee tulala ka na naman dyan sa cellphone mo... Ano ba yang pinapanuod mo?" tanong bigla ni Levi sa akin.

"H-Ha? Ah... Eh..." bago pa ako nakasagot ay nakalapit na siya sa akin at nakita yung pinapanuod ko sa cellphone ko.

"Ay! Si Crush pala yan... Yiiiieeeh~ Nung isang buwan pa yan ah... Di ka nagsawa sa performance niyang yan?"

"Hello naman noh? Sobrang galing kaya ni Vincent ko dito sa performance niyan ito kaya kahit ilang beses ko pa panoorin, hindi ako magsasawa... tsaka ang gwapo-gwapo niya kaya dito..." sabay agaw ko nung phone sa kanya. "At pwede ba sa susunod, wag kang mang-aagaw ng phone bigla-bigla..."

Back Ride With You *One-Shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon