Chapter 1

101 4 1
                                    

Chapter 1:

Klaus’ POV:

 “Sigurado ka bang gusto mong sumama sa office ni daddy, baby?” Tanong ko sa kanya habang binibihisan ko siya at pinupulbusan sa likod. Kung nung una, naaawkwardan ako kasi babae siya, ngayon hindi na.

Loko kasi! Pano ba naman , naisipang pumunta din sa opisina ko. Hayss -_-

“Opo, Dad!” Bibong sagot nito sakin.

“Pero mababagot ka lang dun.” Sabi ko habang inilalagay ko na ang mga kailangan niya sa maliit niyang bag. Natapos ko na kasi siyang bihisan.

“Hindi po, Dad! Itaw lang, tapat na! *wink*” Aba nag-jejemon pa! May kindat pa! Well, ano pa ba magagawa ko eh sa gusto ng prinsesa ko. Edi isama para magkaroon naman ng buhay dun sa opisina ko!

“Sige na nga. Pero dapat good girl ka dun at hindi ka hihiwalay kay daddy. Mahirap nab aka mawala ka pa. Promise?”

“Promise!” Bumaba na kami at pumunta sa garahe.

---------------------------------------------------------------------

After 20 minutes…

Nakarating na kami sa VGC building. Ang Vergara Group of Companies. Medyo late na nga ako pero ayos lang. Ako naman CEO dito eh.

Maraming bumabati sakin pero tinatanguhan ko lang sila. Samantalang etong kasama ko mukhang na-enjoy ang pagbati sa kanya ng mga tao at kumaway kaway pa na parang beauty queen. Alam naman ng mga tao dito na may anak na ako pero ngayon ko lang talaga dinala si Krystal dito.

“Wow, Dad! Ang laki po ng opit niyo!” Sabi niya habang nasa loob kami ng elevator. Kasabay namin ang ilang empleyado dito na bumati din kanina. Ayoko kasing magkaroon pa ng separate na elevator kasi ayaw kong ma-intimidate ang mga empleyado ko.

Nakita ko namang napangiti ang ilang empleyado na kasabay namin. Sino ba namang hindi mapapangiti dito sa bibong anak  ko?

Pumasok na kami sa loob ng opisina ko at sinalubong naman kami ng secretary ko, si Pia.

“Good Morning, Sir Klaus, Ma’am Krystal.” Tinanguhan ko lang din siya.

“Ate, di po ako mam! Krystal na lang po!” Pa-humble talaga tong batang to. Gaya ko.^_^ LOL

Umupo na ako sa aking swivel chair samantalang naglalaro na si Krystal sa may sofa ng kanyang tablet. Rich kid noh? Hehehe.

“Pia, what’s my schedule for today?”

“Sir, meron lang po kayong isang meeting this afternoon at 1 pm with Mr. Chua. Other than that, nothing else follows. Mostly signing of papers lang ang nasa sched niyo.”

“Thank you, Pia. You may go now.” Kung sinuswerte nga naman tong batang to. Wala pa pala ako masyadong gagawin!

“Krys…” Tawag ko sa atensyon niya. Ibinaba niya ang hawak niyang tablet at tumingin sakin. Those eyes… Nakuha niya ang mapungaw na mata ng kanyang mommy, kung mommy pa rin ba ang matatawag sa kanya pagkatapos niya kaming iwan.

Lahat ng features niya sa mukha ay puro akin, maliban lang dun at syempre sa gender niya tsaka ang ilong niya. Her eyes were hazel brown. Malamlam ang mga ito. She has short black straight hair curved at the end, thin and soft lips, cute nose and fair skin tone.

“Batit po daddy?”

“Come here, baby. May sasabihin ang daddy.” Sumunod naman siya sakin at kinandong ko siya.

“Ano po yun, Daddy?”

“Maagang matatapos si daddy sa work niya. Isang meeting lang sa hapon tapos libre na sched ko. If you want, we can visit an amusement park afterwards.” Nagningning naman ang mga mata niya.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Feb 14, 2015 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Ang Daddy Kong Singleजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें