Prologue

129 4 1
                                    

Prologue:

Klaus’ POV:

“Love, pag-usapan naman natin to. Sabihin mo kung ano bang nagawa kong mali.”

“Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Klaus. Wala nang tayo kaya tigilan mo na ang kakatawag sakin niyan. We’re through. Hindi na kita mahal. Ikaw na bahala dyan, mayaman ka naman eh.” Tumalikod siya mula sakin at nagsimulang maglakad palayo. Tinawag ko ang pangalan niya pero nagtuloy tuloy lang siya hanggang maiwan ako dun ng mag-isa, karga-karaga ang isang sanggol.

Ang sakit. Ang sakit sakit na iniwan ako ng babaeng minahal ko sa loob ng mahabang panahon. Iniwan niya ako, no scratch that, iniwan niya kami.

----------

*Poink!*

“Aray!” Aba sinong nambatok sakin?

“Dad! You’re spathing out again! May tinatabi ako eh! ” Nakapout na sabi ng unanong bulol na nasa harap ko. Sabagay 3 years old pa lang siya.

Cute niya talaga. Kamukha ko pa. Ganda talaga ng lahi ko!

Pinisil ko ang kanyang cheeks. Ang chubby kasi eh. Pero hindi naman to the point na mukha na siyang baby balyena. Hehehe yung tama lang.

“Ano na naman ang ‘tinatabi’ ng baby ko?” Ginaya ko siya. Humiwalay siya sa pagkakapisil ko at nagcross-arms. Aba kasing taray din to ng nanay niya ah!

Aish! Siya na naman! *Iling Iling* Ayoko na siyang maalala pa. Masaya na ako.

“Ang takit takit mo naman pong nangurot, Dad! Tabi ko po tanina nagugutom na ako! Cook ka na Dad! Tali na!!” Hinila niya ako patayo at tsaka tinulak-tulak papuntang kusina.

“Oo na, oo na. Magluluto na ako. Pero kiss muna, Krystal.” Tinuro ko ang pisngi ko.

“Ayaw!” Umiling iling pa siya. Ayaw pala ah!

“Edi walang pagkain.” Kinagat niya ang ibabang labi niya na tila nag-iisip.

“Joke lang! Tsige na po! Ikikiss ko na po kayo!” Sabi ko na nga ba mas gusto niya luto ko eh. Nag-tiptoe siya at kiniss ako.

“Ok! Ano gustong ulamin ng baby ko?!”

“Baton!!” Hahaha… Bacon daw…

“Sure!” Eto na ang buhay ko ngayon. Wala nang ibang babae sa buhay ko kundi ang anak ko lang. Walang love life, walang mang-iiwan.

Isa man akong daddy ng napakacute na bata, single at ready to mingle naman ako ^_<

Ang Daddy Kong SingleWhere stories live. Discover now