NOVEM

373 57 9
                                    

Eastwood Cemetery.

Hindi ko alam kung kailan ako huling nakatapak sa lugar na 'to. Ilang buwan na ba mula nang napagdesisyunan ni Evil na manirahan kami rito nang pansamantala? Damn. I'm not really good at keeping track of time.

I guess that's normal when you've been alive for a very long time.

"Ano nga palang ginawa mo kay Prof Rivera?"

Napabalik na lang ako sa kasalukuyan nang magtanong si Kleo. Nakakatawang isipin na naririnig ko pa rin ang boses niya sa kabila ng ingay ng paghuhukay namin. 'I almost forgot about him, silly me.' I thought in amusement.

"What do you think I did?"

A sadistic smile crept up my lips.

Huminto sa paghuhukay si Kleo at lumingon sa'kin. Her silence told me that she understood. Her skin looked paler under the moonlight. Aaminin kong medyo dismayado akong hindi niya pa rin hinawi ang bangs niya kahit pa nag-ipit siya ng buhok kanina---Teka! Bakit ako madi-disappoint? Tsk.

On a second thought, I don't give a damn what she does with her hair.

"How did you kill him?"

"Slit his throat."

Tumango si Kleo at ibinalik ang atensyon sa paghuhukay. "Palagi ka bang pumapatay ng mga inosenteng tao?"

Hindi na ako sumagot.

I won't deny my sins, pero hindi rin naman ako obligadong ipaliwanag ang mga ginagawa ko. That's one thing humans don't understand. In the end, they always seem to explain themselves to everyone. Pilit nilang ipinapaintindi sa iba ang rason ng pagkakasala nila dahil lang sa pagbabaka-sakaling tanggapin sila ng mga ito; pagbabaka-sakaling makabawas sa bigat ng nararamdaman nila; pagbabaka-sakaling makahanap ng kakampi...

But does it really matter if people accepts your sins or not?

Tsk.

Soon, we hit the coffin.

"Jackpot."

Agad kong hinagis sa kung saan ang pala. Tinulungan naman ako ni Sadako sa pag-alis ng natitirang lupa sa ibabaw ng kabaong.

"Hmm.. What if he already turned into a zombie or a vampire?" Sadako asked and knocked on the coffin. Ni hindi man lang siya natatakot sa ginagawa namin. As if robbing a corpse from a graveyard is perfectly normal.

"Eh 'di sana hindi na natin siya kailangang buhayin."

When we finally opened the heavy lid, agad kaming sinalubong ng amoy ng naaagnas na bangkay.

Tinakpan ni Kleo ang kanyang ilong, halatang wala ring balak singhutin ang patay. I chuckled at her reaction and pulled the corpse out of the hole. It's a good thing dead people are lighter than the living. Well, base from experience. Nang makita ko ulit ang mukha ng patay, naalala ko na naman ang misteryosong gabing 'yon. 'Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naha-hunting ang babaeng bumaril sa biktima,' isip-isip ko. But I guess I won't have to worry about that once Sadako kisses this dead man.

Maya-maya pa, mabilis na namin itong isinilid sa sako at inayos ang nagulong libingan.

"That was easy. Pero paano kung may makahalata?"

"They won't," I assured her. "Hindi naman masyadong binibigyang-atensyon ang mga sementeryo. Other than that, I doubt this man's family will even look for him."

We started walking out of the cemetery when Sadako suddenly stopped in her tracks. Kapansin-pansin ang naguguluhan nitong ekspresyon. Maya-maya pa, nagpalinga-linga siya sa paligid.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now