Chapter 12:I believe in you babe!

2.7K 68 14
                                    

***

Dedicated kay Akira ! HAHAHA ! di ko din alam bakit nakakapag update, vote comment padin ako dito. Bakit ikaw hindi ? ahahaha ! okay lang yan ..

                                    CHAPTER 12

Kinaumagahan nadatnan na ni Lyra si Crescent sa tabi niya, kakausapin niya sana ito ng hilahin ito ni Greece palabas.

"Saan na naman sila pupunta? " bumangon na si Lyra, naligo muna siya bago lumabas. Ilang oras nalang darating na sila sa Isla Vendetta.

Pagkabihis niya, naabutan niya si Alice na abala sa pagkain ng prutas na nakalagay sa isang basket.

"Malayo pa ba tayo? " si Alice na ubas ang tinitira ng makita si Lyra.

Nagkibit balikat si Lyra , " ewan ko , hindi pa ko nakakapunta doon, nasaan sila ? " 

"Nasa dulo , may pinagtatalunan na naman yata sila pero mamaya magkakasundo din sila " si Alice, napansin niya rin kagabi na nawala si Greece at Crescent ng sundan niya ang mga ito si Greece nalang ang naabutan niya, tumakbo siya pabalik ng maisip na babalik sa kwarto si Greece nagtulug-tulugan siya habang ito ay panay ang ikot sa kwarto na dinaig pa ang trumpo.

"Ikaw " - isang boses ng babae ang narinig nila.

Sabay silang napatingin ni Alice sa babaeng nakasuot ng itim na hood, may kulay itim itong cutix at hawak nito ang isang crystal.

"Bakit? wag mo kaming bentahan ng ganyan, hindi naman totoo yan " si ALice , alam din ni Lyra na manghuhula kuno ito.

"Ang lalaking minamahal mo ay nakatakdang umibig ng ibang babae " wika ng manghuhula , kinabahan si Lyra .

"Ako ba? " sabay na turo nila ni Alice sa kanikanilang mga sarili , hindi daw sila naniniwala pero parehong affected.

Tinawanan lang sila nito, dumaong ang barko at bumaba narin ang naturang manghuhula sa Isla na hinintuan nila.Tinignan pa sila nito ng nakangiti bago ito tumalikod at nakisabay sa paglalakad ng ibang bumaba, nagpatuloy naman ang barko patungo sa huling islang dadaungan.

Parehong nag-isip si Lyra at Alice, hindi nila alam kung sino ang tinutukoy n to sakanilang dalawa.

Si Alice iniisip niya na si Greece iyon, babaero ito una palang at mukha naman wala ng ibang babaeng nakikita si Crescent maliban kay Lyra.

Si Lyra naman nasa isip niya na baka pagsawaan siya ni Crescent , isipin niya palang na mula bata siya wala na itong ibang nakikita kundi siya paano kung may makita itong mas maganda sakanya.Samantala si Greece naman kitang-kita niya na takot kay Alice kaya imposibleng ito.

Nagkatitigan silang dalawa at sabay na napangiti " Hindi yun totoo " sabay nilang wika at nagkatawanan sila pero deep inside tinamaan talaga sila ng takot sa sinabi ng manghuhulang-kuno.

Samantala ang babaeng nakaitim na hood ay tinawag na "Kae" ng isang lalaking nagngangalang Silver. Nginitian ito ni Kae na binalikan ng tingin ang barko.

Raised by Wolves 2 :THE EVIL HALF (Under the PaperMoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon