Feels #15

508 24 15
                                    

SUCCESS! Grabe, halos lahat ata ng sama ng loob ko eh nailabas ko na. Ang sarap sa feeling! Dito ako dinala ni L sa clinic, may banyo naman dito kaya dito na ako nag alam nyo na. Speaking of L, hinihintay nya ako sa labas. Bawat segundo ata eh kumakatok sya sa pinto at tanong ng tanong kung okay lang daw ba ako at kung may kailangan daw ako. Syempre ang sagot ko eh ok lang ako. Akala ko talaga mamamatay na ako sa 'sama ng loob'.

"Okay ka na ba?" mga pang 13 nya ng tanong yan.

"Lalabas na ako." sagot ko sa kanya pero bigla na lang akong nakaramdam ng hiya. Grabeeee! Turn off na ba ako, readers? Kasi naman. :( Turn off na ba ako? Parang ayoko na tuloy lumabas.

"Laine, ano? Okay ka lang ba talaga? May nararamdaman ka ba ulit?" Concern sya sakin. Awwww <3333

"O-okay na ako." nahihiya kong sagot kahit hindi nya ako nakikita.

"Akala ko ba lalabas ka na? Papasukin na kita, sige ka." Wag kang ganan L, nahihiya akooooo.

"Nahihiya kasi akong lumabas eh." pag-amin ko.

"Bakit naman? Kasi ba nalaman kong masakit ang tiyan mo? Na sinamahan kita sa pagtae mo? Alam mo lahat tayo nakakadanas ng ganyan, hindi lang ikaw. Mas maganda yung nagpapakatotoo ka sa sarili mo tungkol sa nararamdaman mo. Kung hindi mo sinabi sa akin edi sana hindi mo pa nailabas yan at baka mas lalo kang napahamak. Wag ka ng mahiya, lumabas ka na bestfriend." Ang swerte ko sa bestfriend ko. Totoo lahat ng sinabi nya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas na din ako. Nakita ko syang nakangiti sa akin. Hays. Ang swerte ko sa kanya.

"Buti naman at lumabas ka na, nagalala ako sayo." sabi nya sabay yakap sa akin. Kinilig ata ako sa ginawa nya. First time kong makita ang side nyang ito.

"Salamat, L." wika ko sabay balik ng yakap nya. Pagkatapos noon eh kinalas ko na ang yakap ko sa kanya, gayun din sya.

"Humingi na ako sa nurse ng gamot, inumin mo ito mamayang gabi pagkatapos mong kumain. At please lang, kanin ang kainin mo ha." sabay bigay sa akin ng gamot at pat sa aking ulo. Aso lang? Parang tatay talaga 'to. Sumakit lang naman tiyan ko eh.

"Sinesermonan mo na naman ako. Kanin naman talaga kinakain ko tuwing gabi eh." pagdadahilan ko.

"Oh sya, tara na. Kunin na natin ang bag natin at ihahatid kita sa inyo. Nai-excuse na kita sa ibang subject." Ihahatid nya ako? O.O

"Wag mo na akong ihatid, kaya ko na ang sarili ko. Ok na ako." pagtanggi ko.

"Bestfriend mo ako diba? Alam ko kung anong nakabubuti sayo kaya sundin mo na lang ako." at nagsimula na siyang maglakad. Nagpaalam at nagpasalamat na lang ako sa nurse na nandoon at sinabayan siyang maglakad.

"Bestfriend na, tatay pa. Ang swerte ko naman sayo!" matamis kong sabi.

"Swerte mo dahil gusto kita... gusto kitang maging bestfriend. Swerte mo ulit dahil may bestfriend kang gwapo." Okay na sana eh! Kung wala lang yung huli nyang sinabi.

"Ay nako bestfriend! Hindi na bangko ang binubuhat mo, sofa na! Panira ka talaga ng moment." sabi ko sabay pisil sa kanyang ilong na matangos.

"Totoo naman eh. Gwapo ako, mabait pa....." at nagpatuloy sya sa pagbubuhat ng sofa nya habang inihahatid ako sa amin. Pumayag na ako, ano pa bang magagawa ko? Sabi ni Bestfriend eh.

*****

"Salamat sa paghatid, L. Pasok ka muna. Ipaghahanda kita ng meryenda." aya ko sa kanya sa loob ng bahay namin. Nakita kong tatanggi sya sa aking sinabi kaya naman di ko na sya pinagsalita at...

"Bawal tumanggi sa grasya." pagpuputol ko sa balak nyang sabihin. Nagbuntong-hininga na lang sya.

"Ano pa bang magagawa ko? Sayang ang grasya, tara na sa loob." at mas nauna pa sya sa veranda namin. Tingnan mo nga naman oh.

Malakas kong sinara ang gate namin dahil mahirap na talaga itong buksan dahil makalawang na. Dahilan ito upang lumabas ang aking kapatid na halatang bagong uwi lang din mula sa kanyang paaralan dahil naka uniform padin sya.

"Oh Ate, ang ag----" naputol ang kanyang pagsasalita dahil nakita nya si L. Lumaki ang kanyang mata at napahawak sa kanyang bibig. Alam ko na ang sasabihin nito

"Koreano ka kuya?" mangha nyang tanong. Sabi na nga ba eh. Naimpluwensyahan ko din kasi sya ng pagkahilig ko sa mga koreano kaya ayan.

"Oo, ako si Elle Ments." pagpapakilala ni L. Bakit parang ang bait nya ngayon? Eh nung nagpakilala ako sa kanya eh hindi naman sya ganyan. Hmm

"Elements? Inspirit ka kuya?!" Magkapatid nga kami. Hay nako.

"Oy, Eden. Tumigil ka nga dyan, ang daldal mo. Sabihin mo kay Nanay na andito na ako at sabihin mo na din na kung pwede eh maghanda sya ng meryenda dahil may bisita ako." utos ko sa nakababata kong kapatid. Ate eh. Mwahahaha.

"Ikaw na, Ate. Kakausapin ko muna si Kuya Elle." tignan mo 'tong batang to. Hay nako. Ang tamad. Pero diba parang mas tamad yung nagutos? Hahaha.

"L, tara sa sala. Dun ka maupo. Malamok dito sa labas." sabi ko sabay dala ng kanyang gamit sa sala. Para wala na syang angal, diba? Hindi nya ako pinansin, bagkus tuloy parin sila sa pagkukuwentuhan ni Eden. Snob. Grrr

"Oh Laine ang aga mo ata ngayon. May bisita ka din pala. Teka maghahanda ako ng meryenda." at bumalik na ulit si Nanay sa kusina. Kita kong magpapakilala sana si L kay nanay pero epic kasi nga bumalik na kagad si nanay sa kusina kaya hindi natuloy ang kanyang pagpapakilala. Natawa na lang kami ni Eden sa nangyari. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Laine 'nak, tulungan mo ako dito." tawag ni Nanay kaya naman nagpunta ako ng kusina.

*****

Ng makarating ako sa kusina ay agad akong inintriga ni Nanay.

"Anak, sino yun? Boyfriend mo ba yun? Kelan pa? Bakit ngayon mo lang dinala? Ang galing naman pumili ng anak ko, mana sa Nanay." tuloy-tuloy nyang litanya. Mahabang paliwanagan ito.

"Nay, di ko po boyfriend yun noh! Bestfriend ko po yun. Bagong transfer lang po sya sa school." pagpapaliwanag ko sabay tikim sa juice kung tama na ang lasa. Ang pakla. Kulang pa sa juice.

"Bestfriend, bestfriend! Naku, eh sa mga nababasa ko sa wattpad eh nagkakagustuhan ang mga ganyan!" Updated din pala ang nanay ko sa mga wattpad ano? Bagets much.

"Nay, wattpad po yun. Reyalidad to." Okay na yung lasa ng juice. Perfecto! :D

"Saan ka ba nakatira?" Hindi na ba alam ni Nanay ang address namin?

"Sa 143 St. Heart of Infinite, Wattpad, Kpop." sagot ko.

"Edi nasa wattpad tayo anak!" Weird. Di ko gets si Nanay.

"Hay nako Nay, tara na nga at dalhin ito sa sala. Baka gutom na yung bestfriend ko." sabay buhat ng tray ng baso at pitsel.

"Bestfriend nga ba?" panunukso sa akin ni Nanay.

"Ewan ko sayo Nay." at nakarating na kami sa sala.

*****

"Magandang hapon po, ako po si Elle Ments bestfriend po ni Laine." magalang nyang pagpalakilala. Infairness di na sya epic at infairness ulit kasi ang galang nya huh?

"Bestfriend lang?" sagot ni Nanay. Nagulat naman ako don. Binubugaw ba nya ako sa bestfriend ko?

"H-h-ho?" bulol na sagot ni L. Namumula tenga nya. Mainit ba? Ay, hindi pala bukas yung aircon. Kaya naman pala.

"Joke lang, eto naman seryoso! Hahahaha!" magiliw na sabi ni Nanay. May pinagmanahan nga kaming dalawa ni Eden. Ganito din kami eh.

"Ah, ha-ha-hahahaha!" awkward na tawa ni L. Hahahaha. Ang cute nya.

"Oh sya, kain ka lang. Specialty ko yang pancit at cassava cake. Pakabusog ka, hijo." sabay abot ng isa pang plato ng pancit. May balak ba syang patabain si L? -_-

~~~

I know bitin sya. Kekeke :">

THANK YOU FOR READING! ♥

VOTE AND COMMENT. :)

Fangirl Feels (HIATUS)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora