Huling Kahilingan

85 1 0
                                    

Merry Christmas guys! :) 

Hindi po ako nagchecheck kung may maling mga grammar o wala. Tamad po kasi ako. Hahaha! Geh basa na!

ALL RIGHTS RESERVED 2012

      madramangbabae

___________________________________________________________________________

Masayang nagtatawanan at nagkwekwentuhan ang magkaibigang sina Selene at Luke. Hanggang sa hindi nila namalayang gabi na pala.

“Sel, gabi na pala! Masyado tayong napasarap sa pagkwekwentuhan. Bukas nalang ulit ha.” Sabi ni Luke sa kaibigang si Selene.

“Ay, oo nga ano? Pano ba yan? Paalam na. Salamat sa oras Luke!” masayang pagsangayon ni Selene kay Luke.

Kinabukasan

Pagkagising na pagkagising ni Luke. Agad siyang bumangon ng may ngiti sa labi. Kaya’t tinanong siya ng kanyang inay.

“Anak, bakit ang aga mong gumising? At himala nakangiti ka pa?! Anong nangyayari sayo? May sakit ka ba?” tanong ng kanyang inay.

“Nay, wala lang ito. Masaya lang at makikita ko nanaman si Selene.” Masayang tugon ni Luke sa kanyang nanay.

“Ikaw talagang bata ka! Oh siya siya, kumain ka na at maligo para gwapo at mabango pagharap mo kay Selene.” Ngiti ngiting sabi ng kanyang nanay at kumindat pa ito. Natawa na lamang ang anak at sumunod na ito.

Sa kabilang dako,

Masayang nakatambay ang dalaga sa park, parati syang maaga ditto sa kadahilanang bored sya sa bahay nila. Hindi din nya maiwasang isipin si Luke. Sa tuwing naiisip nya ito napapangiti sya agad agad. Dahil sa katagalan ng kaibigan, naisipan nyang magsoundtrip muna.

Hindi nya alam na nasa likod nya lang pala ang kaibigan. Agad naman ginulat ng kaibigan si Selene.

“BOO!“ panggulat ni Luke.

“Shekla! Luke naman! Bakit mo ako ginulat?“ gulat na sabi ni Selene.

“Wala naman. Masyado ka kasing seryoso. Pasensya na.“  Nagaalalang sabi ni Luke kay Selene.

“Eto naman! Hindi mabiro! Hahahaha! Joke lang no. Kamusta ka?“ nakangiting saad ni Selene.

“Ayos naman. Nakita na kasi kita.“ Banat ni Luke kay Selene.

“Ang keso mo naman! Wag kang ganyan baka kiligin ako.“ Nakangiting sabi ni Selene.

“Pakikiligin pa lalo kita.” Sabi ni Luke sabay kindat. Natawa na lamang ang dalaga sa inasal ng binata.

“May hihilingin sana ako sayo.”Seryosong sabi ni Selene kay Luke.

“Ano naman yon?“ pagtataka ni Luke.

“Pasayahin mo naman ako ngayon hanggang sa lumubog ang araw.“Sabi ni Selene na may halong lungkot ang boses.

“Oo naman! Pasasayahin kita habang buhay. Tara!” masayang sabi ni Luke sabay takbo.

Napangiti si Selene pero hindi mawawala ang lungkot sa mata nito.

Katulad nga ng hiling ni Selene pinasaya siya ng kaibigan nyang si Luke. Pumunta sila sa mall kumain naglaro sa arcade. Pumunta din sila sa isang amusement park sumakay sila sa iba’t ibang rides. Katulad sa mga palabas at iba ninyong mababasa huli nilang sinakyan ang Ferris Wheel kung saan sabay nilang panonoorin ang paglubog ng araw.

“Ang ganda.” Masayang sabi ni Selene.

“Oo nga ang ganda..“ pagsangayon ni Luke sa kaibigan. Masaya nila itong pinanood.

Sa pagkababa nila ng Ferris Wheel. Agad nagsalita si Selene..

“Maraming salamat Luke. Pinasaya mo ko ngayong araw. Pero hindi ko alam kung mapapasaya mo pa ako sa mga susunod na araw.” Malungkot na sabi ni Selene.

“Ha? Bakit naman Sel? Diba sabi ko pasasayahin kita habang buhay?”

“Luke..

Aalis na ako at hindi na babalik pa. Pupunta na akong ibang bansa.”

Sa narinig ng binata hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Pareho silang nanahimik at hindi nagkibuan..

Pero binasag agad ni Selene ang katahimikan.

“Luke, salamat sa lahat ha? Salamat dahil naging kaibigan kita. Sana sa pagtanda mo palagi mo akong maalala. Luke, mahal na mahal kita. Paalam na.” nanginginig na sabi ni Selene sabay takbo sa kanilang sasakyan.

Pinanood lang ni Luke ang kotse habang paalis.

 Naglakad sya habang nakatingin sa kawalan hindi nya na pinansin kung may mabubunggo sya o wala. Wala man lang syang nagawa para pigilan ang dalaga. Hindi man lang sya nakapagtapat.

Marahil dahil sa kapaguran at kalungkutan, habang patawid sya sa kalsada hindi nya na napansin na may padaang truck.

“BOOOOOOOOOOG!“ 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling KahilinganWhere stories live. Discover now