Chapter 3

13 1 0
                                    

ALIYAH

Matagal silang nagsagutan, I think? Tapos sinuntok nung babae yung dibdib ni Keen, nagsalita si Keen tapos tumalikod ito at pumasok sa kotse nya at pinaharurot palabas ng University.

"Natahimik ka?" Tanong ni Fatima

"Wala lang. Im bored. Tara alis na tayo dito." Sabi ko

"Hindi ka ba hahanapin ng lola at lolo mo?" Tanong ni Cathy

"Pumunta na sila sa States last Saturday." Sagot ko

"How about your body guards?" Tanong ni Chloe

"Ayos lang naman siguro kung sumama sila. They have their own cars." Sagot ko

"Then, lets go." Sabi ni Daisy

Pumasok kami sa kanya kanya naming kotse tapos pumunta kami sa bahay ko.

****

"Home sweet home!" Sigaw nilang apat

"Sa wakas! Nakatapak nanaman kami sa mansyon mo!" Sigaw ni Chloe

"Akala mo naman hindi ka pa nakapunta dito." Sabi ni Daisy

"Whatever! Tara naaaaaaaaaa!" Excited na sabi ni Fatima

Pumunta muna kami sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

"Invite kaya natin yung lima para may kasama tayo sa party? Parang acquaintance party." Sabi ni Fatima

"Oo nga!" Sabi naman ni Daisy

"Good idea." Sabi naman ni Chloe

"Mukang maganda yang naisip mo!" Sabi naman ni Cathy

"Sige. Kayo ang bahala." Sagot ko

"Yes!" Sigaw nilang apat

"This is going to be fun!" Sigaw ni Cathy

Rinnnnnnnngggggggg! Rinnnnnnnnngggggggggg!

Lolo Calling..

Ano nanaman bang kailangan nila?

"Shhhhhhhh." Sabi ko bago ko sinagot yung tawag

"Denise." Seryosong sabi ni lolo

"Yes?" Tanong ko

"Wag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan dyan ha. Unang araw mo palang dyan, wag kang gagawa ng dahilan para ipabalik kita dito." Sabi ni lolo

"Ofcourse. Wala akong gagawing masama. Trust me." Sabi ko

"I hope so." Sagot ni lolo at ibinaba nya na

"Wow naman!" Sabi ni Cathy

"Tuloy parin ba?" Tanong ni Daisy

"Ofcourse! Kapag plinano ko, gagawin ko." Sagot ko

"Sana lang." Sabi ni Chloe

"Anong sinasabi mo? Na hindi mo mapapanindigan? Huh! You know me well Chloe." Sabi ko tapos pumunta sa pool

****

"Ayusin nyo na dito. May party kami." Utos ko sa mga maid

Aangal pa sana sila pero tinignan ko sila ng masama kaya agad silang kumilos ng mabilis.

"What if your lolo will know this?" Tanong ni Cathy

"Tanga! Hindi naman nya malalaman eh! Unless may magsumbong!" Sigaw ni Chloe

Serendipity Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon