cHaPtEr 42 : what the ---

5.7K 34 4
                                    

Author's Note : Advance Merry Christmas sa inyong Lahat :)) Hahaha ! Sana maging masaya ang christmas niyo :)) And dahil Christmas na bukas mag-Uupdate na ako Hahaha ! Enjoy :)) ] 

 ------------------------------------------------------ 

| Alexas’s POV |

“ ALEXA !!!! ”

Sino iyon? Sigaw ? Mula saan ? – Hindi ko alam na nanaginip lang pala ako na kasama ko si Kuya Keith kanina at nakayakap sa akin – pero bakit ganito ? Parang totoo talaga na nandito siya kanina nakayakap sa akin – hindi ko maintindihan.

“ Empress ! Bakit dito ka nagpunta alam mo naman na may maaalala ka lang na hindi naman na dapat na isipin at alalahanin sa mga panahon na ito ” sabi ni James sa akin.

Kung tutuusin parang hindi ko na nga pinsan si James dahil iba ang turing niya sa akin – napansin ko lang din na matagal ko na palang hindi nakikita ang mga magulang ko , paano kaya pagnalaman nila na bumalik na si Kuya Keith ?

“ Huh ? Nasaan sila Steffanie ? ” tanong ko naman kay James. Siya lang kasi ang nakikita ko.

“ A-ah Hahaha ! Nauna kasi ako sa kanila na hanapin ka alam mo naman ” sagot naman nito sa akin.

“ Alexa ! Empress Alexa !! Nandito na po kami ! ” sigaw naman ni Nathe sa akin habang tumatakbo.

“ See? Sabi ko naman sa iyo nauna lang ako sa kanila – alam mo na Hahaha !” sabi naman agad ni James.

Mukhang may mali – pero hindi ko masabi kung ano  , ang dami na nangyayari na hindi ko alam kung ano o bakit ba ito nangyayari – nalilito na ako siguro nga kailangan ko na din muna magpahinga kahit sandali – 

“ Kailangan na po natin umuwi Empress .. ” sabi naman ni James.

“ A-ah oo nga tama ka gabi na din pala – tara na mauna na ako sa inyo may pupuntahan pa ako saglit – Mauna na kayo sa bahay ” sabi ko naman sa kanila.

“ Hindi pwede ! Kailangan kasama mo din kami kahit saan ka pumunta ngayon ! ” Huh ? Sinigawan ako ni Mark ? Tama , Mark diba ?

“At sino ka naman sa akala mo para sabihin ako ? Kung titignan wala ka naman kinalaman sa akin o kahit na sinoman sa amin kaya kung ako sa iyo kailangan mo na umalis -- ” sagot ko naman sa kanya , hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon habang sinasabi ko ang mga salita na iyon—

She's A Gangster  ♥ A Gangster Love Story ( UNDER-CONSTRUCTION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon