Chapter 45: 1st day. 1st relationship.

1.3K 27 16
                                    

*Aya's POV*

"PUSANG GALA KA TALAGA! SAN MO BA KO DADALHIN AIRCON?!" bulyaw ko habang kinakaladkad niya pa rin ako papunta sa kung saan. Pag ako talaga nabanas na ng tuluyan sa unggoy na 'to, kakalbuhin ko talaga siya at tatarakan ko ng kandila tong ulo niya. 

Nakita kong lumabas kami sa isang pintuan saka tumambad sa'kin ang isang garden na punong- puno ng mga bulaklak na puros dilaw at white lang ang kulay. Siguro yung nag- aalaga nito favorite yung yellow at white. Ang ganda! Parang icing ng cake. Tsaka yung pagka- dilaw niya para kulay ng merenggue. Alam niyo yun? Wait! Tama ba spelling ko nun?

Pabagsak niyang binitawan yung kamay ko saka humarap na sa'kin.

"Ano?!" pasigaw kong tanong.

"Nakakatawa!" sabi niya na may tonong pang- aasar. Napakunot naman ang noo ko. Nababano na siguro tong unggoy na to.

"Nakakatawa? Ang alin? Yang ka- praningan mo?" naiinis kong sabi.

"Tinanggihan mo yung alok ko na pagtulong dati pero look, sa kagwapuhan ko pa rin ikaw bumagsak. Wow. Just wow. Karma!" pang- aasar niya.

"Luh! Bui! Kalma! Sa tatay mo ako humingi ng tulong hindi sayo! Ilang beses ko bang sasabihin na siya nagpapasahod sa'kin. HINDI IKAW"

"Ganun na rin 'yon! Dahil ang pera ng tatay ko, pera ko na rin. Gets?"

"Talk to my hands!" mataray kong sagot sabay taas ng palad ko at tumalikod.

Pero mabilis niya ring hinawakan ang braso ko saka pinaharap sa kanya ulit.        

"I'm not yet done with you!"        

"HINDI MO BA TALAGA AKO TATANTANAN? HINDI KA PA BA KUNTENTO SA GINAWA MO KANINA SA'KIN SA SCHOOL?! HINDI KA PA BA MASAYA NA HALIKAN ANG VIRGIN LIPS KO SA HARAP NG MARAMING TAO? HINDI PA BA SAPAT SAYO NA KAMUNTIKAN KA NANG MAKABUO NG PORN VIDEO DAHIL SA KALOKOHAN MO?!" sigaw ko.

"Pwede ba tumahimik ka muna?! Pag hindi mo tinigil yang bibig mo hahalikan ulit kita!" pananakot niya.

"At pag ginawa mo yun makikita mo na lang yung kamao kong nakatarak diyan sa bunganga mo!" matapang ko ring buwelta.

Napapikit siya ng mariin na halatang asar na asar saka huminga ng malalim at binitawan ang braso ko.

"Hayaan mo nga muna kase ako magsalita." naiinis niyang sabi.

"Bakit? Magso- sorry ka na ba?"

"Me? No way! Dapat nga magpasalamat ka eh!"

"Aba! Assuming ka talaga e no? Magpapasalamat ako dahil hinalikan mo ko at pinagkalat mong tayo kahit hindi naman?! Edi wow!" naba- bad trip kong sagot. Ang taas talaga ng tingin ng lalakeng to sa sarili niya. Siguro kung sa ibang babae niya yun ginawa malamang nahimatay na yun kanina sa stage. 

"Ginawa ko yun para----"

"Para walang makapanakit sa'kin? Wtf Nathan! Ganyan ba talaga kakitid ang utak mo? Mas lalo mo lang binigyan ng rason yung mga yun na saktan ako dahil pinagkalat mo na tayo kahit hindi!"

"Trabahador ka namin diba?" biglang tanong niya out-of-nowhere.

"What?" nagtataka kong sagot.

My Super Yabang Leading Man (Sorry poweszsss!!!)Where stories live. Discover now