CHAPTER 14

2.7M 48.6K 13.4K
                                    

CHAPTER 14

PAGOD na pagod si Raine sa paglilibot sa mall kaya naman ng makapasok sila sa silid na pansamantala nilang tutulugan ni Tyron ngayong gabi, agad siyang humiga sa kama kahit hindi pa siya nakakapagbihis. Si Tyron naman ay may kausap sa cell phone at ayaw niya itong isturbuhin dahil mukhang importante ang pinag-uusapan ng mga ito.

Raine's eyes dropped closed a little later. Hindi na niya kayang hintayin si Tyron na matapos na makipag-usap sa kung sino man iyon.

Hindi namalayan ni Raine na nakatulog pala siya. Namalayan nalang niya ng magising siya dahil masuyong paghaplos sa pisngi niya.

Nagmulat siya ng mata at nagtama ang tingin nila ni Tyron. His butterscotch eyes stared straight at her, knocking out the air in her lungs. His eyes were breathtaking, just like its owner.

"Hey." Paanas nitong sabi. "It's okay. Matulog ka na. Alam kong napagod ka."

Pilit niyang minumulat ang mata antok na antok pa. "Sorry." She yawned. "Mukhang hindi matutuloy kong ano man ang pina-plano mo ngayong gabi."

Mahina itong napatawa sa sinabi niya. "I'm planning on how to ravish you in a kinky way."

Mahina siyang natawa at inirapan ito. "Anyway, kanina ka pa ba tapos makipag-usap sa cell phone?"

"Hindi. Ngayon-ngayon lang."

Gusto niyang magtanong kung sino ang kausap nito pero pinigilan niya ang sarili. Nanatiling tikom ang bibig niya hanggang sa nagsalita ulit si Tyron.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang tumawag sa akin?"

May pag-aalinlangan siyang nararamdaman pero tumango pa rin siya. She wanted to know. "Puwede ba? Am I not prying? Okay lang ba sa'yo na sagutin 'yon?"

Tumango ito saka matiim siyang tinitigan. "Si Careen ang tumawag sakin. She was asking where I am and how am I doing."

Nakaramdam siya kaagad ng selos kaya naman nagbawi siya ng tingin para hindi nito makita ang kislap ng mga mata niya. Parang may kumurot sa puso niya. Masakit.

"Ano naman ang sabi mo sa kanya?" Mababa ang boses niya, parang pinipilit lang nito ang sarili na magsalita. "Magkikita ba kayo? Kailan? Ang tagal niyo namang nag-usap."

Tipig itong ngumiti. "Kinumusta niya ako. At sabi niya, sa Panggasinan siya magba-bagong taon."

Mapait siyang ngumiti. "So, what? Is this our last night together?"

"Hindi." Umiling ito at hinalikan ang gilid ng labi niya. "Definitely not."

Hindi siya rito naniniwala. Raine could feel it. Ito na ang huling gabing magkakasama sila ng binata. And if this was their last night, she was going to make it the best night of her life.

"Tyron?"

"Hmm?"

"Make love to me."

Namilog ang mga mata nito. "Anong sinabi mo?"

"Sabi ko," hinawakan niya ang pagkabilang pinsgi niya at pinakatitigan ang mukha nito. "Paligayahin mo ako ngayong gabi. Baka bukas o sa makalawa, hindi mo na ako mapaligaya kasi abala ka na sa iba." Parang sinasakal ang puso niya.

Nang hindi ito kumilos, pinatihaya siya ni Raine at umupo siya sa hita nito kung nasaan ang simbolo ng pagkalalaki nito. Tyron groaned when she started rubbing her covered mound against his crotch.

"Gusto mo 'yon?" Raine asked in a seductive voice. "Gusto mo ulitin ko?"

"Yes. But, this time, naked."

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon