Chapter 1: Meet the Tres Marias

115 5 1
                                    

POV: Cassy

" Class dismissed."

"Cassy. Pst. Gising na. Break na dali." Hay. Kainis tong Nina na to. Favorite niya kasi ang break, madami siya nabibiktima. Syempre masaya kami dun. Bwahaha. Paglabas namin ng room ang daming tao. Aish! Pagkakita nila samin, para silang nakakita ng multo. Takot? Oo naman. Tres Marias kami eh. Mga tao binigyan kami ng daan. Yan ang tinatawag na Tres Marias alert. Bwahaha. Pag andyan kami, tumabi ka, tumahimik ka at humanda ka. Kung hindi malalagot ka.

Pagdating namin sa canteen, ang daming tao dun sa isang table. Hinayaan na lang namin masyado kaming maganda para dun. Kami di kami pumipila, pag nakita kami dito ng canteen staff bibigay niya agad orders namin. Syempre special order. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganun? Ako kasi ang may ari nitong school na to. Hinayaan na sakin ng mga magulang ko. Nasa ibang bansa sila eh. Puro naman business nasa utak nila. Tahimik kaming kumakain ng biglang...

" OMG! Ang gwapo nung transferee. Waaahhh!!" sabi nung Girl 1.

" Right girl, buti dito sya lumipat. " sabi ni Girl 2.

" Magiging akin siya so back off." sabi ni Girl 3.

" Akin siya! Mas maganda ako sainyo!"

" Hmp. Di yun papatol sa inyo!"

" Basta akin sya!"

" Akin!"

Hays. Dito pa talaga sa harap ng table namin. Akmang tatayo na si Nina pero pinigilan siya ni Pham.

" Hayaan mo na Nina. Wag sayangan ng oras yan. Enjoy your food."nakumbinsi naman ni Pham si Nina

Mas lalong umingay sa canteen. Aish! Ayoko ng ganito sa school ko. Pagkatapos kong kumain pumunta ako dun sa table with poise pa din. Nakita kong sumunod sila Pham. Daming harang na tao. Kinalabit ko yung isang girl. Di ako nilingon. Isa pa. Di parin. Isang isa na lang makakatikim to. Salamat lumingon sya pero...

" Ano bang problema mo?!" matapang ah. Mukhang di ako kilala. Transferee din ata to. Tinaasan namin siya ng kilay. Mukhang di natakot. "Problema?! Yang mukha mo! Nakakasira sa reputation ng school ko. Ghad! Pano ka ba nakaenroll dito?"

" Ang kapal ng mukha mo! "

"Eh kung yung akin makapal? Pano pa yung sayo?!" at ngayon natakot na talaga siya. Pinigilan ako nila Pham. Tumigil naman ako, nakakasira ng beauty.

" Lahat ng nagkukumpulan sa table na to. Maglilinis ng garden mamayang tanghali. May aangal?" Walang sumagot.

" Tapos na ang palabas. Makakaalis na kayo." Umalis na silang lahat. Kami na lang tatlo at yung pinagkakaguluhan. Lalaki pala siya at transferee.

" So ikaw ang pinagkakaguluhan dito Mister?"

"Salazar. Kyle Salazar."

" Sa susunod ayoko nang mangyari ulit ito kundi mabubura ang pangalan mo sa records."

" Teka, teka. Sino ka ba?" I smirked.

"Tingin ko di ka nakadaan sa orientation. Ako lang naman ang may ari ng school na tinutungtungan mo ngayon." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. " Maliwanag na ba lahat Mr. Salazar?" He nodded.

Pumunta na kami sa class namin.

POV: Pham

Andito na kami sa classroom namin. Hayy. History. Boring. Tsk. Matutulog na lang ako para maraming energy mamayang lunch. Bwaahahah!!! Nakapatong lang ulo ko sa desk ng may naramdaman kong may tumabi sakin. What the?! Sino naman tong matapang na tatabi sakin. Baka umalis siya ng school sa pangaasar ko. Kami kasing tatlo lang nasa last row. Walang sumubok na tumabi samin. Si Cassy sa gitna tas si Nina sa left ni Cassy tas ako sa right niya.

Tres MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon