Redemption-5

663 43 3
                                    

Lou laughed, when she saw Raphael fell.

Kinulit nito si tatay Emong na subukan ang ginagawa ng matanda. And that was the result.

Puro putik na ang lalake ngayon, but he doesn't mind dahil tila modelo pa itong naglakad pabalik sa kanila ni nay Lydia sa kubo.

"Oh," inabutan siya ni nay Lydia ng towel. "Ibigay mo kay doc, anak."

Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit ako, nay?" namula siya ng mapansing ang nanunudyong ngiti ng matangdang babae sa kanya.

"Anong masama doon anak? Iaabot mo lang naman?"

"Nay, naman eh."

Humalakhak si nay Lydia. "Bakit ayaw mong iaabot? Crush mo no?"

Naubos ata ang mukha niya sa talampakan at umakyat lahat papunta sa pisngi. "Nay, hindi no!"

Muling tumawa ang matandang babae. Kinuha nito ang isang towel. "Basta ako, loyal kay Emong ko."

Awang ang labing sinundan niya ng tingin ang matandang babae habang kumukendeng pa ito patungo kay tay Emong.

Naisara niya ang bibig ng makalapit si Raphael. "Here," ibinigay niya dito ang towel.

"Thanks."

She took a deep breath.

He should look dirty but why look so sexy?

Lumapit ito sa waterpump kung saan lumalabas ang flowing na tubig para maghugas ng mukha.

Namumulang nagbawi siya ng tingin ng mahuli siyang pinagmamasdan niya ito.

Mula sa malayo ay abot ang tawanan ng dalawang matanda sa kubo.

Lou realized, the simplier the happier life. Or maybe because it was the person you chose to spend your life with.

Not all people had given this kind of gift. She knew some of them who have the money and power but never seen this kind contentment in them.

Lou's sure, that if Brian was alive, she will be this contented too. She doesn't mind kahit dito pa sila sa kubo tumira.

They planned to have five children.

"Five? That's too many. I'll be fat then. Will you still love me?"

Brian smile. "Kulang pa nga, I wan't six." Yumakap ito sa kanya. "I don't care even if you gain weight. For me, you are still the most beautiful woman in the world."

Uminit ang gilid ng kanyang mga mata. That will never happen.

Natawa siya ng mapait, If only she could turn back time, nagpabuntis nalang sana siya dito. Pinilit nalang sana niya itong may mangyari sa kanila. But she doubted it, mukhang hindi rin mangyayari. Brian respected her so much, that those years they've never gone so far aside from kissing.

Hindi natuloy ang pagtulo ng luha niya ng may padarag na naupo sa kanyang tabi. He took off his shirt effortless at tumalikod sa kanya.

Napakurap-kurap tuloy si Lou ng tumambad sa kanya ang maskuladong likod nito. She can even now see his tattoo clearly.

"Can you wipe my back?"

Wala sa sariling kinuha niya ang towel mula sa doctor at sinimulang punasan ang likod nito.

Hindi niya napigilang haplusin ang tattoo nito.

It's fascinating at the same time felt sad.

He was like an angel who lost his other wing.

RedemptionWhere stories live. Discover now