Chapter 04

1.8K 62 8
                                    

LEE

"What?! seriously halik talaga?" gulat na tanong ni Rey kay Kurt.

Kurt says what he wants, he wants to test Yumi to see if she can mature mentally. Parang tanga, pinagmumuka niyang walang alam yung babae.

"Yap! I believe in my self that I can do that, do you believe me? " proud pa niyang sagot.

Wala na akong magagawa sa playboy.

"Noah, nahalikan naba ang pinsan mo?" tanong ni Rey kay Noah na kasalukuyang nag papalit ng jersey.

"Si Yumi? ni hindi nga kayang humalik niyon." Sagot naman ni Noah habang may tinitingnan sa cellphone niya.

"Bakit? nahalikan mo na ba?" tanong naman ni Luke isa sa kaibigan namin. Napangiwi si Noah sa tanong ni Luke.

"Bobo lang? pinsan ko yun! pa'no ko hahalikan yun loko ka."

Napakamot nag ulo si Luke dahil sa katangahan niya. Pero lutang muna ang isip ko para riyan... Halata naman kasing inosente si Yumi iyon nga lang medyo childish siya, but I know her heart is good.

Naawa lang ako sa kanya yun lang mahirap maging bihag ni Kurt kaya nababahala ako sa gusto niyang gawin kay Yumi.

"Hoy lutang lang?" pagpungaw sa'kin ni Kurt hindi ko siya pinansin at itinuon lang ang pansin sa libro.

I should not interfere.

IARA

"Bakla!" pang-aasar nanaman ni Yumi kay Jb halata namang inis na inis narin ang bakla na'to na katabi ko lang.

Nasa gym kami ngayon at manunuod ng practice nina Noah.

I really like him, I wonder if he can like me if I confess to him? inuunahan ako palagi ng kaba. Masyado siyang mabait para sa akin, kaya ko nga siya nagustuhan e, bukod sa magaling sa sports gwapo rin ito at matalino. Walang duda kung bakit siya hinahangaan ng mga babae.

"Bakla bakla bak-"

"Ayst Yumi tigil na kakainis 'to!" suway sa kanya ni Jb natawa naman si Yumi at tumigil na. Kanina lang siya ang inaasar ni Jb ngayon si Jb na ang na asar.

Napatingin ako sa kanya ng dumukot ito ng chuwinggum sa bulsa at nginuya-nguya pinalobo niya at nang lumobo na tinanggal niya yun sa bibig niya at nakapalobo pa rin.

salaula.

"Yuck!" nausal ko nalag maya-maya ay nag simula na ang games natanaw ko kaagad si Noah my everything.

"WAAA KURTTT!!"

"LUKEE!"

"HALABYU REY!"

"OMG LEEEEE"

Tilian nang mga girls at dahil mas nasa unahan kami, mas malaya kong nakikita mula rito si Noah. Napangiti ako nang makit kung gaano siya kaseryoso sa laro.


"Hanep, yung demonyo." Rinig kong bulong ni Yumi masama ang tingin niya sa kung sino kaya sinundan ko yun.

Si Kurt?

Nakatingin sa kanya si Kurt at nagsmirked napailing nalang ako at muling nanood ng game. Sa bawat shoot ng bola napapatalon ang lahat ang galing kasi talaga.

Mayamaya ay natapos ang game kaya lumapit si Yumi sa pinsan n'ya syempre sumama ako.

"Panty mo laglag,"sinamaan ko ng tingin si Jb.

"Yumi, nag lunch kana?" Sana all tinatanog ni Noah huhu.

"Hindi pa...libre mo ako Noah ha?"

My Childish GirlWhere stories live. Discover now