Chapter 1: My XL Boss

41.9K 273 26
                                    

Galing si Lara sa mall, bumili siya ng mga pasalubong sa mga kapatid at pamilya niya sa Pilipinas. Nilagay niya ang plastic na malaki sa gilid ng sofa at tumungo muna sa kusina para mag luto nakaramdam siya ng gutom dahil sa pag lilibot niya kanina sa mall. Ewan ba niya sa sarili bakit di siya kumain kanina sa mga fastfood chain. Para may ibang gusto kasi ang kanyang sikmura. Binuksan niya ang ref. sa kanyang gilid para tingnan kung meron bang pwede makain. Nahagip ng mga mata niya ang mga itlog sa tray, di niya alam pero napalunok siya at kinuha ang may kalakihang itlog at tumungo sa kusina. Binuksan niya ang stove at kumuha ng isang maliit na kaldero sa gilid. Hinugasan ang itlog sa gripo, di niya alam pero napakanta na lamang siya ng,

"Itlog na bilog, bilog pag iyong binuksan at nilanghap ika'y mapapatakam. Pag iyong hinawakan kay lambot lambot ng loob. Itlog na bilog, bilog, huwag mo lunukin ito'y dapat langhapin at hatiin. Oh itlog na bilog, bilog"

Lumapad ang ngiti niya sa kabaliwan, nilagay na niya ang kaldero na may lamang itlog at tumungo sa sofa kung nasaan ang mga binili niya. Binuksan niya ang unang plastic na kita niya, hindi niya alam kung matatawa siya sa sarili o mahihiya sa sarili. Hawak hawak niya lang naman ngayon ang isang XL size na brief na free ng binili niyang package. Hinawakan niya ang mag kabila noon at hinala hila, tapos tumawa siya, nagulat siya nang may malaglag mula doon. Nanlaki mata niya at binitiwan niya ang XL size na brief at tinampot ang nalaglag. Isang condom iyun, napailing siya kakaiba iyun product na binili niya bat nila nilalagyan ng ganito. Mas lalo niya tuloy na feel na single siya, nilapit niya sa kanyang mga mata ang condom

"XL," basa niya sa label ng condom at wala sariling hinila ang XL size na brief at kinuha ang condom at binuksan iyun. Hindi niya alam kung matatawa siya o maawa sa sarili sa mga ginagawa niya dahil sinukat niya lang naman ang condom sa brief namula siya sa imaheng pumasok sa isipan niya.

"Ehh, ano ka ba Lara! Ang manyak mo!" hiyaw niya sabay bitiw sa condom

Nabuntong hininga siya at umaayos ng upo.

"Pero....kasi ahmm meron ba talaga ganong size? " bumingisngis siya.

"Kung meron man abot matris yun, hahahaha," natatawang sabi niya.

Tumayo na siya para maligo. Naisip niyang pumunta ngayon sa bar para mag relax, total dalaga naman siya at single magagawa niya lahat ng gusto niya.

Sa isang sikat na bar, ngayon gabi mag huhunting siya ng lalaki kung may makita siya. Napangiti siya ng maalala ang brief na XL size at condom, meron kaya ganon? Lumilikot nanaman imahinasyon niya kung saan saan na pumunta. Binuksan niya ang bag at kumuha ng itlog, iyong niluto niya kanina binaon niya nalang, para sa kanya masarap iyun gawing pulutan at dahil sa malayong parte siya ng mga tao at madilim sa kanyang pwesto malaya niyang magagawa ang gusto niya. Binuksan niya ang itlog, kinuya niya ang shells noon at kinagat na halos makalahati na. Mamaya pa ilang bote na ubos niya, nang biglang may humawak sa kamay niya nang akmang uubusin niya ang isa pang bote.

"Nag iisa ka lang?? Pero kung maka inom ka, parang wala ng bukas ano?" may pahid ng galit na sabi ng isang boses na kilalang kilala niya.

Lumingon siya sa boss niya, ito si Maximo Winston ang boss niyang gwapo at hot na lagi siyang pinag iinitan ewan ba niya mula ng pumasok siya sa kumpanya nito lagi na lang siya nakakatanggap ng sermon mula dito, oh gaya ngayon.

Naiinis siya pero pinilit niyang ngumiti, "Ano ka ba naman, Amo. Wala na tayo sa company ang init pa din ng ulo mo hmmmmm chill, chill din pag may time." naka ngiting aniya sabay hawak sa balikat ng lalaki.

My XL Boss (UNEDITED)Where stories live. Discover now