My Crazy Ghost

105 4 1
                                    

"Sa isang madilim na kwarto,may babaeng nakaupo sa kama mo.Naka puti ito at may kahabaan ang buhok.Nagtaka ka kung sino yun,Miss anong ginagawa mo dito? Ang iyong tanong.Hindi sya sumagot kaya hinawakan mo ang kanyang balikat, sa pag-angat ng ulo nya,nababalot ng dugo ang kalahati ng muk---"

"Shut up!shut up!shut up!" Tinakpan nya ang kanyang tenga at umiling-iling.

"Nababalot ng dugo ang kalahati ng kanyang muka.Ngumi----"

Hindi na napigilan ni Kenneth na batuhin ng unan ang kanyang kaibigan."Tangna mo pre!Manahimik kaaaa!"

"Ngumiti sya sayo at---"

"Evon!!!" sigaw ni Kenneth.

Nag si tawanan ang kaibigan ni Kenneth at kinutya ang pagiging duwag nito.

"Pakyu ka fre.May pa badboy-badboy ka pang nalalaman tas takot ka naman sa multo!" asar ni Larence,isa sa mga kaibigan nya.

"Mga gago!Dyan na nga kayo." Dahil sa pagkainis nya,mas pinili na lang nya umuwi.

"Hi Kenneth.."

"Ang pogi mo talaga Kenneth."

"Date naman tayo."

Sinalubong sya ng tatlong babaeng ka schoolmate nya.Obviously,nilalandi sya ng mga ito.

"Sorry girls,may lakad ako tonight eh." pag pa-pacute nya.Nag simangutan naman ang mga babae.

Habang naglalakad sya pauwi,may kung ano syang nararamdaman.Parang bang may nagamamasid sa kanya.

"Hindi.Hindi ako matatakot sayo.Hindi talaga ako takot sa multo.Hindi." kinukumbinsi nya ang sarili nya.Binilisan nya ang kanyang paglakad.

Natigil lamang sya ng makakita ito ng babae,naka knee-length white dress ito at may kahabaan ang buhok.---pero teka,hindi natakot si Kenneth.Bagkos,ay sumipol ito at nag ayos ng buhok.Nakangisi syang lumapit sa babae,nakatalikod ito sa kanya.

"Uhm.Hi Miss.Gabi na ah,delikado na mag labas ang babaeng kasing sexy mo." pagsisimula nya.

Narinig nya ang mahinhin na pagtawa nito kaya mas lalong lumawak ang ngiti nya.

"Gusto mo hatid na kita?"

Hindi ito sumagot o lumingon man lang.Hinawakan nya ang balikat nung babae,nagtaka sya kung bakit ang lamig nito.Parang yelo ang katawan nito sa lamig.

"Ano,tara?"

Dahan-dahan itong lumingon sa kanya.Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya ng makita ang muka nito.

Parang tinakasan ng dugo si Kenneth at nabato sya sa katayuan nya.

May hati ang leeg ng babae,nag mistulang choker ang dugo nito sa leeg.Ngumiti ito ng nakakakilabot na nag pataas ng balahibo nya.Bumaba ang tingin ni Kenneth sa paa nung babae,nakalutang ito sa ere.

"M-m-m-mama!!!!" Kumaripas ito ng takbo habang sinisigaw ang mama.

"Adik lang?" Takang tanong ng babaeng multo sa sarili nya.

*****

As you can see guys,binago ko ang title ng A GHOST.Bakit?wala lang,trip ko lang hehe.

At pati ang name ng characters, si Kenneth si DJ.Si Larence ay si Neil at si Evon ay si Diego..

My Crazy Ghost ang pinalit ko sa A GHOST.

Sorry kung matagal ang UD ko.Yun lang and keep reading guys! Mwaaa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Crazy GhostWhere stories live. Discover now