Chapter 4

34.4K 506 4
                                    

"Wala na ba sila?" tanong ko kay sawyer na nasa tabi ko habang nagtatago kaming dalawa sa may stall malapit sa parking lot.


Tinignan ni sawyer mabuti ang paligid


"Wala na, hindi na nila tayo masusundan kahit na sila pa pinakamagaling na bodyguard sa korea ay natatakasan ko pa rin sila. Ha Ha Ha! Pati yung mga guard sa mall hinahanap din tayo kaya wag kang papahalata" sabi niya sa akin, "Buti hindi nila tayo nasundan ano?" dagdag pa niya

"Masaya ka na?! Masaya ka na kasi mawawalan na ako ng trabaho!" galit na sabi ko sa kanya at nagtinginan sa amin ang mga tao

"Sorry, sorry na.. Pasensya na at dinamay pa kita sa kagaguhan kong to eh ang gusto ko lang naman ay makapamasyal sa bansa mo" sabi niya sa akin

"Wala na! Wala na akong magagawa o ikaw man! Nangyari na ang lahat! Tatawagan ko muna si Max, and don't you dare na pigilan ako!" sabi ko bago ko kinuha ang cellphone ko sa wallet ko at dinail ang phone number ni max.


/Ringing..../



On going call...

"Hello? Eli! Anong nangyayari? Bakit wala nang stock ang store? Ninakawan ba tayo? Sino kasama mo?" sunod sunod niyang tanong sa akin

"Ah, kasi maxinne-"

"Who's that? Is that Elizabeth? Give me the phone" narinig ko ang boses ng manager namin

"Ma'am! Sorry po!" agad kong sinabi bago pa man magsalita ang manager

"Elizabeth, you're fired!"

"H-ha?! Ma'am bakit naman po? Sobra pa nga po sa quota ang nabenta ko ngayong araw eh" paliwanag ko

"Ang daming nangyari ngayong araw, elizabeth. Mas makabubuti na rin ito" sabi niya bago niya ibaba ang telepono

Call ended...

"Hello? Ma'am!"

"What happened?"

"You happened! Hindi ko na alam gagawin ko ngayon..."


Napabuntong hininga na lang ako at tinitigan si sawyer


"Anong balak mo?" tanong ko sa kanya

"Uh.. napagisipan mo na yung offer ko sayo?" sabi niya at nakangiwi

"Hays! Oo na! Tinatanggap ko na dahil wala na rin akong magagawa talaga.." sabi ko sa kanya

---
SAWYER SCOTT's POV

My name is Sawyer, Sawyer Scott. 24 years old Korean-American Singer and Actor, sikat sa buong mundo. I may look serious pero deep inside I'm a baby Ha Ha Ha!
I grew up with my mom while my dad do all the work, Mom ko is Korean while my Dad is a American and a businessman. Child star ako dahil my mom pushes me to do what she really wanted noon pa man kaya I'm here infront of everybody.
Why am I here is the real question..

"Ajusshi! Naneun pillipinleul machil" -Sawyer
(trns: Manager! Gusto kong mag bakasyon sa pilipinas)

"mueos? wae? dangsin-eun soyeoeul jojeol! ulileul suyonghajiman dangsin-eun munjeeobs-i dasi yeogieseo hwag-in!" -Manager
(trns: ano? bakit? Umayos ka sawyer! pagbibigyan kita pero siguraduhin mo lang na uuwi ka dito na walang issue!)

"ani! naneun geogi hwagsinhabnida." -ako
(Trns: Hindi po! Sigurado ako doon.)

'yan ang last na usap naming ng manager ko noong nasa korea palang ako, bakit nga ba gusto ko dito magbakasyon sa pilipinas? I just feel like it kahit sa dinami dami ng bansa na pwedeng puntahan ay dito ko naisipan pumunta.
Sa oras na ito ay nakasakay ako sa van kasama ang tatlo kong bodyguard papunta sa condo ko dahil kakarating lang naming dito sa pilipinas


Daddy ng Anak koWhere stories live. Discover now