Chapter 42

480 29 1
                                    

***

Nox Cantrell

PUMASOK kami sa mall na pagmamay-ari niya. At kanina ko pa gustong dukutin at durugin ang mga mata ng mga lalakeng kanina pa siya tinitignan at tila ba hinuhubaran na siya sa isipan nila, mga walanghiya!

"Faster." Kaya napabilis ako dahil sa sinabi niya huminto kami sa may upuan. Sinineyasan niya ang kanyang tauhan na lumapit sa kanya, pagkatapos ay may sinabi siya dito na nakapagpatango tango sa man in black.

Then umupo na siya. Sumunod na lang din ako. Biglang tumunog ang mga speaker na nakapalibot sa buong mall. "EVERYONE LISTEN! ZY MALL WILL CLOSE IN FIVE MINUTES NOW! AGAIN, ZY MALL WILL CLOSE IN FIVE MINUTES NOW!"

Agad na napatingin ako sa relo ko. Seven o'clock pa lang! Pero, magsasara na? "Zavy, I think we need to go home now. Diba? Kasi magsasara na sila, bukas na lang tayo mag-mall." Napatawa siya ng mahina na ikinasigla ng puso ko.

She just laughed! "I think you've forgotten that I'm the OWNER. Let's go, I'm hungry." Hinawakan niya ang pulsuhan ko at pumasok kami sa isang restaurant. "Teka? Hindi ba sila magsasara?" Taka kong tanong nanag makapasok kami.

"Where in the hell is your brain?! I ordered them to close the mall, so we can go freely here. Tsk, stupid." Umuna na siyang umupo sa isang lamesa. Sumunod na lang din ako, baka mabugahan pa ako ng apoy eh.

"Menu please," mahinahong tawag niya sa waiter kaya dali dali itong lumapit sa kanya at ipinakita ang menu.

"I'll take the Buttered Steamed Salmon and three glasses of Strawberry Juice." Binalingan niya ako at ibinigay sa akin ang menu.

"Tatlong baso ng juice?! Mauubos mo 'yun?!" Gulat kong tanong. Tumawa naman siya ng mahina.

"If it's for strawberry, then I'll have a lot of space in my tummy. Choose now, we still have to buy some things." Tumingin ako sa menu at pumili.

"One Sweet and Spicy Honey Glazed Fried Chicken and an Ice Tea will do. Thank you," order ko sabay bigay ng menu. Sinulat naman ng waiter iyon.

"Okay again, Ma'am, Sir. One buttered steamed salmon, three glasses of strawberrie juice, one sweet and spicy honey glazed fried chicken, and one ice tea. Is that all Ma'am? Sir?"

"That's all, thank you." Ako na ang sumagot kasi busy si Zavy sa cellphone niya. Teka, inaaya ba niya ako ng... DATE?! Pero diba dapat, ako 'yung nag-aaya? Baliktad na ata ang mundo ah.

May dinial siya at matapos ang ilang segundo ay may sumagot. "Marcel?" Who the fuck is Marcel?

"Uh yeah, thanks. Just ready the car. Hmm? Limousine. Yes, alright, bye." Buti naman ang bilis lang natapos ng tawag nila. Tsk, wala man lang konsiderasyon si Zavy. Sa harap ko pa talaga nakikipag-phone pal sa isa sa mga text mate niya ah?

And mag-de-date rin sila? And, limousine rin ang sasakyan? Tsk! Akala ko pa naman, ako lang ang papasakayin niya dun sa mga sasakyan niya, tsk!

"Oh? Bakit ka bumusangot diyan?" Umismid naman ako at inirapan lang siya at tumingin sa labas. Bahala ka diyan, 'di tayo bati. Hmmp!

Nang dumating na ang pagkain, ay kinuha ko ang sa akin at kinain na. Pansin ko na sinusulyapan niya ako pero wala lang ako. Bahala siya diyan. Hanggang sa matapos ako, ay wala pa ring imikan. Kinalikot ko na lang ang phone ko, mabuti pa 'to pinapasaya ako ngayon si Zavy hindi.

"Aray naman!" Daing ko na nakahawak sa noo ko na pinitik niya. Grabe! Tumunog pa 'yung buto ko! Ang sakit nun ah!

"Why so silent huh?" Umirap siya. "That's not the Oxford that used to know," sarkastiko niyang dagdag at mataimtim akong tinignan.

She's My Boyish GirlWhere stories live. Discover now