X10

82.9K 1.8K 230
                                    

SHELLANE POV

“UMAMIN ka nga, Shellane. Ano bang nangyayari sa’yo? Para kang timang. Natutuala ka nalang basta. Hindi ba’t dapat ay matuwa ka dahil mula n’ong maipasa mo ang article mo about Ace Xander Jung ay halos i-praise ka ng boss natin?”

Ace Xander Jung..

Two weeks na ng nakakalipas nang iwan ko si Ace sa kwarto niya—kung saan mismo may nangyari sa’men. Nag-iwan naman ako ng sulat. Telling that I’m contented with  the information I gathered about him. At kailangan ko ng maipasa ang article ko. Sinabi ko rin sa sulat na siya ang magiging cover ng magazine, that I took him a stolen shot. So that he will be aware kapag lumabas na nag magazine. Sinabi ko din doon na ‘wag siyang mag-alala dahil alam ko ang mga bagay na hindi pwedeng isama sa article. Yung basic informations niya, madali lang naman kunin sa google at ‘yung about his family kaya madali kong nagawa ang article ko. Sinabi ko din doon na kung maaari ay ‘wag niya muna akong tatawagan o ite-text. Ayoko rin muna siyang Makita. Nakapaloob sa sulat ang mga nararamdaman ko sa kanya at tulad ng sinabi ko nung gabing iyon matapos na may mangyari sa’men, sinabi kong gusto ko munang alamin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.

And yes, I’m sure now. I realized I can’t live normal without him. He’s my new addiction. I want him beside me. I want to stay with him no matter what. I’m just lucky that we have the same feelings. I believed him when he said that he’s inlove with me. Buo na ang desisyon ko. Handan a akong harapin siya oagkatapos ng dalawang lingo. I miss him and I can’t wait to see him again. I want to feel his kisses again, and his touches too.

“Hoy babae!”

Nagitla ako nang tapikin ako ni Jenina. “Psh.”

“Oh tapos nagsusungit ka. Natutulala ka na naman kasi.”

Magsasalita pa sana ako nang lumapit sa amin ang isa kong co-writer. “Shellane, pinapatawag ka ni boss.” Sabi nya. Tinanguan ko lamang siya.

Sinimangutan ko si Jenina saka tumayo na. Kumatok muna ako sa pinto ng office ng boss ko saka pumasok. “Pinapatawag nyo daw po ako?”

“Yes. Come in, Miss Federez.”

Pumasok ako saka naupo sa upuan sa harap ng malaki niyang table.

“I’m so impressed. Your title suits you well.” Ang title na sinasabi niya ay yung ako ang tinaguriang top writer dito sa Pink Magazine.

“Thank you, boss.”

“Ayoko ng usisain kung paano mong nagawang interview-hin si Ace Xander Jung. You made your article, a hit. Siguradong sold-out ang October issue natin paglabas niyon next week. And I owe you, Miss Federez. I talked with the board and we decided to give you a promotion. You’ll be the editor-in-chief of the Pink Magazine. And it will be official after the October issue released. Congratulations! You did a great job.”

XBANG Series 2: Ace Xander JungWhere stories live. Discover now