chapter 5 - She's so down

34 0 0
                                    

Angeila's POV

Gei takbo lang..

Sige pa..

Lumayo ka muna sa karamihan..

Yan ang sinasabi ko sa sarili ko habang tumatakbo.

Hindi ko namalayang umiiyak na'ko..

Umiiyak ako..

OO. Umiiyak si Angeila Alvarez. Umiiyak yung nagtatapang-tapangan. Alam kong aksidente lang ang lahat pero..

AH BASTA KINUHA NG KING OF KLUTZ NA YUN ANG FIRST KISS KO!

Naiiyak ako hindi lang sa kahihiyan kundi sa pagkawala ng bagay na iniingat-ingatan ko! Walang hiyang 'yon! Ni hindi man lang nakaimik?! Nakakaasar.

TAKBO.. TAKBO.. TAKBO!!!

AT LAST!

Andito na ako sa rooftop.

THIS IS PEACE. *0* Nilock ko yung pinto dito. Saya lang diba?? WALANG ISTORBO!

Time na para magmuni-muni..

Hay. Yung kanina.. Para namang hindi si Julian yung nakita ko. I mean, behind his glasses eh sumisigaw yung mga mata niya ng "HINDI AKO 'TO!" Napapikit ako. Inimagine ko yung Julian na 'di weird. Parang ang pogi?

Hmmm..

"ABA TEKA?! MUKHANG NALILIGAW KA ANGEILA!! IKA'Y MAG-AYOS!!" sigaw ko sabay sapok sa sarili.

"Gei!! Gei!!!" may kumakalampag ng pinto. PSH. JELL. ANG SIRENA KONG KAIBIGAN. (hindi sirena as in bading ah. sirena, yung sa ambulance. :D)

Gusto n'ya akong kausapin. I knew it. Pero gusto kong mapag-isa! Tss. Bakit kasi ang tanga nung Julian na yun. Nabibwiset ako!

Nagpalipas ako ng isang oras dun. Hayyyyys. Klase na naman. At, gutom ako. Dahil 'di nga ako nakapaglunch gawa nung si Julian. Ugh! Naaasar talaga ako sa tuwing naiisip ko yun. Bakit ngayon pa? Bakit sya pa? Leche!

5 minutes nalang PE class na namin. Bumaba na ako. Kailangan ko pa kasing magpalit ng damit. Habang bumababa ako, yung mga nadadaanan ko parang nagbubulong-bulungan. Wag nyong sabihing maraming nakakita kanina! Tengene nakakahiya na talaga!

"Si Angeila Alvarez ka. Matibay ka. Wala kang pakialam sa sinasabi ng iba."

Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. Most embarrasing moment of my life. Di ko 'to makakalimutan. Promise.

----

2 minutes ago, nagsimula na yung klase namin. Yun ay kung hindi late si Sir Vincent. Kadalasan, late yun. It is either nakatulog or may meeting ang mga teachers.

Lakad-takbo nako ngayon. Hingal na ako, actually. Sa gym pa kasi yung klase namin. Ang laki pa naman nitong CPU. -.-

Malayo pa man ako sa klase namin, alam ko na wala pa si Sir. Oh jusko, pag may test lang naman di nale-late yun. Kaya, free time kami! At ayun, may dalawang sumalubong sakin. Si Jell at yung weirdo. Pero bago ko sila matagpo, may ibinulong si Julian sa best friend ko. Bumalik si Jell sa kumpol ng mga kaklase ko.

Tapos...

Si Julian nalang yung sumalubong sakin.

Tek, pano 'to? Di na sya nao-awkward-an? Para namang hindi sya to eh! Bakit parang wala syang hiya? I mean, hindi sya yung Julian na nabunggo ko nung first day. Sino ka ba talaga Julian Montenegro?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Kiss StolenWhere stories live. Discover now