CHAPTER 4:

84 3 0
                                    

Yey! Christmas vacation na :)))) By the way, salamat sa lahat ng mga naisipang basahin yung story ko :D tska sa nagvote and comment :D chapter 4 na guys! :D 

Np: Beauty and A Beat by Justin Bieber ft. Nicki Minaj

--------------------------------

(JELOU'S POV)

Ayun oh! break na namin  (favorite subject of all time XDD) siyempre joke lang noh! XD

Eto na ngayon sa canteen, hinihintay ang dalawa kong bestfriend.

Hintay . . . .

Hintay . . . .

Hintay . . . .

Hintay . . . .

Nakita ko na si GK. Kinawayan ko siya para makita niya ako.

"Besh! So, how's the first day?" - tanong niya sa akin pagkatapos niyang makipagbeso sa akin

"Eto, stress. Charot lang! Ok lang naman. Ikaw?" 

"Ayun, as usual, hindi na naman ako tinigilan ng mga lalaki kong classmates. Sinabi na ngang taken ako, "Ms, pengeng number" pa rin ang peg. Kairita lang." - naiinis na sumbong niya

tinawanan ko siya, "So, nakatikim sila ng kamalditahan mo?"

"Of course! Ako pa?! Kilala mo ako besh. Anyways, nasan na nga pala si Kass?? May katagalang taglay ah?" - nakangising sabi niya  

Oo nga pala, nasan na yung bruhitang yun???? Ngayon lang na-late yun ever hah?!!! So, wala kaming nagawa kundi ang maghintay . . .

ng maghintay . . .  

ng maghintay . . .  

ng maghintay . . .  

hanggang . . . . .   

"Mags! Kirxs!" - sigaw ni Kass

"Oh! bakit ka naman sumisigaw diyan? Late ka na nga eh!" - sabi ni GK

"Sorry naman ah?!! May nangyari lang na di inaasahan. Tsaka, may chika ako sa inyo noh?! namagugustuhan ni Jelou." - nakangising sabi ni Kass habang nakatingin sa akin

"Ano naman yun? Nakakaintriga naman." - tanong ni GK

"Ikukwento ko, wag kang mag-alala. Pero, pwede bang umupo muna tayo ? Ang layo kaya ng nilakad ko." - himutok ni Kass  

So, yun nga, umupo na kami at nag-order. Habang naghihintay ay nagsimula nang magkwento si Kass.  

"May bago kaming classmate and guess what? Kilala niyo siya" - panimula ni Kass

"Really??!!! Is it a boy or a girl?" - excited na tanong ni GK

"Kirxs, malamang boy. Matutuwa ba si Jelou kung girl??? Duh???"

"Ay! Sorry naman ah?! So, sino siya?"

"HIndi man lang ba kayo manghuhula???"

"Eh????? Tatagal lang noh! Sabihin mo na kasi kung sino." - sabi ni GK

"Mukhang alam ko na kung sino."

"Weh??? Sino siya Jelou?" - nakangising sabi ni Kass

"Si Kerby???"

"Tsk! Basta pag si Kerby ang bilis maka-pick-up." - natatawang sabi ni Kass

"So, si Kerby nga?" - sabi ni GK

"Yes, yes and yes, siya nga!!!"

"Oh my!!!!!!! Yiiieeee!!!!!! San siya nakaupo? Anong sinabi niya nung ipinakilala siya? Gwapo ba? Ay! gwapo na talaga yun. Ui, ano na? magkwento ka pa bilis." 

"Ay! grabe lang Jelou ah?! Excited much ang peg??? Wag kang mag-alala, magkukwento ako. Masyado kitang mahal eh." - natatawang sabi ni Kass

"Nakuu!!! daming drama, kwento na." - naiinip na sabi ni GK

"Eto nga oh. So, pagpasok ko kanina sa classroom, nagulat ako ng makita ko siyang kausap si Prof. Siyempre nagtanong ako kung siya na nga ba yung bago naming classmate, then sabi nung isa kong classmate, siya nga. Yung mga girls nga dun sa amin eh, kulang na lang himatayin sa kilig. Tapos, ipinakilala na siya sa klase, todo tili yung mga girls and sobra kung makasimangot yung mga boys. Simpleng pagpapakilala lang naman yung ginawa niya. Actually, pagkatapos niyang magpakilala eh pinaupo siya dun sa vacant chair sa tabi ko then ------ " - naputol yung kwento ni Kass

"Whaaaattttt????!!!!!!!!!!!! Seatmate mo siya???!!!!"

"Grabe! kailangan talagang sumigaw??? Gumagawa ka ng eksena pare. Gusto mo pa bang ituloy yung kwento ko???" - sabi ni Kass 

"Sorry naman. Naexcite lang. Sige na, pakituloy na po."

"So yun nga, pinaupo siya sa tabi ko. Siyempre bilang napakabait kong nilalang at napaka-hospitable ko, kinausap ko siya. Alam niyo kung anong napatunayan ko?? Na siya talaga ang Cold Prince. Grabeeee!!!! sobrang cold niya. Napakatahimik. Iimikin ka na nga lang, wala pang 10 seconds. Emo lang ang peg. Super sungit!!!! Hay naku! Pero don't worry, gagawin ko pa rin ang lahat para mapalapit sa kanya at makakalap ng "IMPORMASYON" " - sabi ni Kass   Nilapitan ko siya at niyakap.  

"Salamat Mags! The best ka talaga."

"Oh! Tama nang drama, ubusin na natin to at bumalik na tayo ng classroom naten. Buti na lang at isang oras ang break natin dito." - sabi ni GK   Dahil sa sinabi niyang yun ay nagtawanan kaming tatlo. 

Hay! kailangan ko kaya siya makikita ulit????

Sana malapit na :D

Falling In Love In A CRUELEST WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon